4 - Piton

160 6 4
                                    

Kinabukasan

"Princess Astrid, ito lang ho ang nakita namin sa cctv camera" kinuha ni Astrid ang Ipad na hawak ni Malcolm at napakunot ang noo.

Nakasuot sya ng itim na hoodie, mask na black, pants na black at white sneakers.

"His identity?" tanong ni Astrid at napakamot ng batok si Malcolm.

"Hindi ho namin nahanap" nakayukong saad nya kaya napairap si Astrid at padabog na binalik ang Ipad.

"Go! I don't want to see your face" nagmamadaling umalis si Malcolm.


"Calm down, Astrid, too early to get mad" bulong nya sa sarili.

"You don't need to know that guy, okay? He don't know you so he won't tell to anyone that he won over you" saad nya sa sarili at inis na tumayo para maligo. Parang naapakan ang ego nya dahil magaling sya sa lahat ng bagay pero natalo lang sya sa arcade.



Pagkatapos maligo ay nagsuot lang sya ng simpleng oversized t-shirt at hindi na nag-abalang magsuot ng pangibaba bukod sa pulang underwear, nagsuot din sya ng kanyang Balenciaga slides. Bumaba sya at dumiretsyo sa dining table para mag lunch. Hindi nanaman sya nakapag breakfast dahil nalate syang magising.

"And what are you wearing?" nakataas agad ang kilay ng kanyang lola ng makita sya.


Hinawakan nya ang kanyang t-shirt "T-shirt" saad nya at tinaas ang kanyang t-shirt kaya nakita ang kulay pula nyang underwear.

"And underwear" saad nya at umupo sa upuan. Bumuntong hininga ang matanda at sinamaan sya ng tingin.

"Mahal na reyna, hayaan nyo na ho si Astrid sa paraan ng pananamit nya. Iyon ho ang nakasanayan nya sa ibang bansa" napataas ang kilay nya sa sinabi ng kanyang step mother.

"Ano pa nga ba" saad ng Queen mother at naglagay na si Jane ng pagkain sa plato ni Astrid.

"Who cooked this?" tanong ni Astrid habang nakatingin sa kanyang cheese ravioli pasta with tomato sauce.

"Si chef Tim po, mahal na Prinsesa" napataas ang kilay ni Astrid.

"Call him" saad pa nya kaya tinawag ni Jane ang chef.


"Ano pong mapaglilingkod ko mahal na Prinsesa?" tanong ng chef.

"Who cooked this?" tanong nya habang nakatusok ang tinidor sa ravioli.

"Ako ho, mahal na Prinsesa" tumango si Astrid na pinaalis na ang chef.

Napataas ang kilay ni Astrid nang makitang nakatingin sa kanya ang kanyang step mother.

"I have trust issues" casual na saad nya at nagkibit balikat pa bago kumain kaya napangiti nalang ng malungkot si Rachel.

"Have you organized your party later, Rachel?" paninimula ng Queen mother.

"Yes, Queen mother. Everything is set and ready" saad ni Rachel at tumango naman si Elizabeth.


"Astrid, your mother is having--"

"STEP mother" pinagdiinan nya ang unang salita kaya napabuntong hininga nalang ang kanyang lola at inulit ang sasabihin.

"Rachel is having a party with her friends and other royalties and government officials from the other country so I assume that you will behave well" tumango tango lang si Astrid na halatang hindi nakikinig.


"You know how conservative and old fashioned Rachel's visitors are, so I
ask for your cooperation. Kung maaari, huwag ka munang lumabas ng iyong silid dahil siguradong may aatahikin sa puso kapag nakita nila ikaw o kahit sa suot mo ngayon" napairap si Astrid at tumango tango.

Lucresia: We All LieDonde viven las historias. Descúbrelo ahora