"U-una na k-kami" tumango lang ako at napangisi ng makaramdam ng kakaiba.

Third Person's POV

"Pati man ba rito susundan nyo ako?" nakangisi nyang saad habang naglalakad pabalik sa isang kwarto kung saan nya iniwan ang gamit nya.

Napabuntong hininga sya at pinalobo ang pisngi gamit ang dila nang makitang bukas at wala na ang dala nyang dagger at mga gamit na panglaban.

"I'll hunt you down for touching my things" mariin nyang saad.

Nagpalit sya ng black legging, red sports bra at black boots. Naghigh ponytail sya at hinanap nya ang powerbank at binuksan iyon saka may kinuha ang manipis na bendable dagger.

Tinago nya iyon sa buhok nyang nakatali at mula sa kwarto nya ay sumilip sya sa labas, nakita nya ang mga taong nakaitim habang hinahanap sya. Napangisi sya at kumuha sa archery room ng bow at sampung bow.

Sumilip sya sa bintana at agad na pumwesto saka pinakawalan ang arrow. Napangisi sya nang mahulog sa puno ang lalaking wala nang malay.

"Let's start hunting" lumabas sya ng kwarto at nag suot sya ng gloves habang naglalakad sya papunta sa activity area kung nasaan ang mga estudyante.

Alas sais magsisimula ang laro para raw mas challenging.

"Ito na ang huli nating activity. Quire University versus Royal University. Paunahan lang makakuha ng flag ng kalaban sa malaking gubat at ang maunang makakapunta sa may pinakamalaking puno sa gitna ng gubat na may kumpletong flag ang panalo!" agad na nagcheer ang mga estudyante.

Thirty students per university ang kasama dahil ang iba ay ibang activity ang ginagawa sa ibang parte ng gubat.

"Tandaan na may mga mababangis na hayop sa gubat kaya pwede kayong magdala ng mga gamit katulad ng electic shock, archery, whistle and arnis. But if you use it to your opponent, you will be disqualified"

Napatingin ang mga tao sa kanya pero walang nagtangkang kausapin sya dahil kitang kita sa mga mata at awra nya ang galit.

"I'll join" saad nya at tumingin sa host.

"O-okay! Sino ang pwedeng hindi sumali sa magkabilang grupo? Sasali ang Prinsesa--"

"No. I'll do it alone." saad nya at saktong tumunog ang buzzer na sign na simula na ang laro at nauna syang naglakad.

Mula sa kinatatayuan nya ay pinuwesto nya ang bow at pinakawalan ang arrow. Bumagsak ang lalaki three meters ang layo na sya lang ang nakakita pero naglakad sya at kinuha ang dalawang flag na kulay red at blue.

"Hitting two birds in one stone" nakangising saad nya at tsaka lang gumalaw ang mga estudyante para maglaro.

Umakyat sya sa puno at hinanap ang mga taong naghahanap sa kanya. Pagabi na kaya hindi na sya masyadong makita. Nakangisi sya at tahimik na tinamaan ang isang lalaki na nasa kabilang puno. Sa balikat lang sya tinamaan kaya nakatayo sya at binato si Astrid ng kunai. Kinuha nya ang kunai at ginamit 'yon na arrow pabalik sa kalaban.

"Three to go" saad nya at mabilis nyang hinanap at tatlo pang lalaki na nagtatago na sa kanya ngayon.

Astrid's POV

Iniwasan ko ang kunai na tatama sa sakin mula sa likod at yumuko nang may lumipad na arrow sa direksyon ko.

Napakunot ang noo ko nang may napansing kakaiba. Nagfocus muna ako kung paano ko babawasan ang tatlong taong pumapalibot sakin.

Mabilis akong pumunta sa isa pang puno at nagtago saka gumamit ng tatlong arrow para tamaan ang tatlong tao.

Katulad ng inaasahan, mabilis silang umilag pero tansya ko ang galaw nila kaya natamaan parin sila.

Lucresia: We All LieWhere stories live. Discover now