Chapter 11 - Gone and... Gun?!

Start from the beginning
                                    


"T-teka lang po, kanina pa ho umalis si bossing." Punyeta, ba't ba ako nauutal? 'Tong gwapong 'to? Asa namang titiklop 'to sa kung sinumang babae.


"Putangina talaga 'yong lalaking 'yon! Iwan ba naman akong tulog?! Kahit kailan wala talagang manners 'yong mokong na 'yon. Maibalik nga sa kinder para maturuan!!" Mahabang sambit niya habang nagmartsa papasok sa kwarto niyang nasa tapat lang ng kwarto ni bossing.


"Anong tinatayo-tayo mo diyan?!" Naramdaman kong medjo namamawis ang noo ko nang suminghal siya saakin sabay tingin ng masama. Takte! Singbangis ni bossing! "Tanginang bodyguard na 'to, trip atang tumunganga magdamag!"


"Pwedeng pumasok Miss Zhannie?" Hindi kasi ako sigurado kung pinapasok niya ba ako sa kwarto niya o ano kaya nagtanong nalang ako.


"Ewan ko sa 'yo! Gawin mo nga pinapatrabaho sa 'yo nang lalaking demonyo!" Napakamot nanaman ako ng ulo ng irapan niya ako saka tuluyang pumasok sa loob. Ilang segundo ang pinalugit ko bago pumasok sa kwarto.


Wala si Miss Zhannie kaya nag-assume akong naliligo ito. Tumingin-tingin ako sa palagid. Ganon parin ang itsura nang pinaayos ko 'tong lugar na 'to. Hindi ko nga lang nasabihan si Miss Zhannie na may pagka high-tech 'tong kwartong 'to dahil ni Max at ni Xant.


Pumunta ako sa glass na sliding door at binuksan ito para lumabas sa balcony at nagmasid. Walang malapit na bahay sa lugar na 'to kaya bihira lang ito daanan ng mga sasakyan, pwera nalang kung may ganap. Wala naman akong nakikitang kakaiba kaya bumalik ako sa loob.


Hihintayin ko nalang si Miss Zhannie dito sa mini salas niya at pipikit sandali, siguro naman matatagaln pa 'yon. Alam niyo na mga babae, may kaniya-kaniyang ritual tuwing umaga.


Pikit mata akong sumandal sa sofa nitong kwartong 'to pero hindi ako mapakali kasi parang may parteng matigas 'tong inuupuan ko kaya isog ako ng isog. Tangina! Ano ba 'to? Gibain ko 'to eh! Nakakabawas ng kagwapuhan! May kung anong nakasuksok kasing matigas, tangina. Ipapasara ko kaya yung tindahang pinagbilhan ko nito?


Kinapa-kapa ko ang parte kung saan medjo may matigas. Huh? Malamig na metal?


"What the f*ck?!!" Mahinang mura ko nang makita kung ano ang nakasuksok sa sofa. Ba't may baril dito? Kay Miss Zhannie ba 'to?! Ang labo naman kung kay bossing kasi rose gold eh. Pero ba't merong ganito?!! Putangina!


Dali-dali ko itong sinuksok sa dating pwesto nito nang marinig kong papalabas na si Miss Zhannie dahil sa tunog ng takong ng sapatos nito.


Nang tuluyang iniluwa si Miss Zhannie, kinabahan akong tumingin sakanya nang pinaningkitan niya ako ng mata na para bang pinag-aaralan ng mabuti.


Takte kasi yung baril eh! Bakit may baril?! Alam ba 'to ni bossing?!!! Amputa!




[Xantus' POV]


The Mafia Boss' WifeWhere stories live. Discover now