6

17.8K 581 138
                                    


KUNOT ang noong nilingon ni Nayumi ang lalaking biglang tumabi sa kanya. Umupo ito sa stool na biglang nabakante nang lumapit ito. Sadya itong dumikit sa kanya. Nararamdaman niya ang nanlalagkit nitong braso sa braso niya.


"Hi, Miss beautiful..." malagihay nitong bati kasabay ng pagngisi. Sa liwanag ng ilaw sa tapat ng bar ay napansin niya ang naninilaw nitong ngipin, huwag nang idagdag ang masangsang na hininga mula sa pinagsama-samang alak, sigarilyo, at kung ano-ano pang amoy.Kahit nananayo ang balahibo niya'y sinikap niyang ngumiti.


Lumapad ang pagkakangisi nito. Nasiyahan sa ginawa niyang pagngiti. "I am Boying," wika nito na inakalang banyaga siya. Inilahad nito ang kamay sa kanya.


"Hello, Boying," she said but ignored his sweaty hand. Inabot niya ang alak na ibinigay ng bartender at dahan-dahang sinimsim iyon. She ordered daiquiri and grilled steak and wondered if she could eat peacefully and get out of this bar without any trouble at all.


Nagkibit-balikat si Boying at ibinaba ang kamay na hindi niya pinansin. "What's your name, beautiful?"


"Nayumi," sagot niya pero hindi ito nilingon. Nilaro niya ng daliri ang rim ng goblet. Nang titigan niya ang bartender ay nakita niya ang simpatya sa mukha nito kasabay ng pagkibit ng mga balikat.


Nayumi smiled at the bartender. Muling dinala sa bibig ang goblet at banayad na sinimsim. Kung malalaman ni Alvaro... at ni Adora kung nasaan siya nang mga sandaling iyon ay malamang na magkakasakit sa puso ang mga ito.


But heaven's sake, she was almost twenty-two!


"Nayumi..." usal nito na tila nilalasahan ang pangalan niya. "Pati pangalan mo'y sexy. Parang kay bango-bango. Let's dance, Miss Nayumi." Hinawakan nito ang braso niya. Tinitigan niya iyon at pagkuwa'y inilipat ang tingin sa mukha ni Boying.


"Pakialis mo ang kamay mo sa braso ko." Her tone was chillingly polite. "Hindi ko gustong magsayaw. Mas gusto kong maupo at uminom na lang."


"Oww. Tagalog." Tumango-tango ito. "Napeke mo ako roon. Pero walang problema, Miss Nayumi..." Nilingon nito ang mesa ng mga kasamahan na nakatingin lahat sa kanila at mga nakangisi, pawang mga nakainom na. "Tara sa mesa namin, may bakanteng silya pa. Sagot ko ang iinumin mo, pati pulutan. Sky's the limit."


She twitched her mouth. "Salamat, pero mas gusto kong mapag-isa."


"Miss Beautiful," giit nito na hinawakan siyang muli sa braso. "Huwag mo naman akong hiyain sa mga kasama ko. Halika na."


Hinayaan niyang hawakan siya nito sa kamay pero tumayo siya mula sa pagkakaupo sa stool at hinarap ito. "Nakikiusap akong bitiwan mo ang kamay ko."


"Huwag ka nang magpakipot pa, Miss Beautiful." Inilapit pa nito ang mukha sa kanya. "Kung ayaw mong maupo sa mesa namin ay lumabas na lang tayo. Nasa labas ang jeep ko. Bumiyahe tayo sa langit."


Nayumi grimaced, inilayo ang mukha. Pagkatapos ay niyuko ang kamay niyang mahigpit nitong hawak at pilit siyang hinihila. Walang ibang paraan upang makaiwas sa sitwasyong iyon maliban sa paggamit ng nalalaman niya. Hindi niya gustong gawin pero mapipilitan siya.

Kristine Series 24 - Ivan Henrick (UNEDITED)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon