Chapter 8 - Erochlophobia

Start from the beginning
                                    

Bumilig siya sa kanyang kanan saka kinikilig na nagsalita, "pasensya ka na. Abala kasi ako sa OJT, hindi ko masayadong nachecheck ang messenger ko."

"Hanggang kailan ang OJT mo?" tanong ni Zack.

"I have a month left," sagot ni Tamara saka kinagat ang kanyang daliri upang mapigilan ang kilig na nararamdaman.

"So that's before the University ball," saad ni Zack.

Agad na lumakas ang kabog ng dibdib ni Tamara nang banggitin ni Zack ang tungkol sa University ball.

'Is he going to ask me to be his date?' excited na napaupo si Tamara.

"Y-yes, bago mag-University ball, matatapos na ang OJT ko," pagkumpirma niya.

"Great," he said in a very hot and passionate way.

'Ayan na! Ito na ang hinihintay ko,' sa isip ni Tamara.

"Tamara," he said in a low husky voice.

"Yes?" pinilit ni Tamara na huwag ipahalatang na-eexcite siya.

"M-may gusto sana akong itanong," saad ni Zack.

'Oh my g*sh! Itatanong na niya sa akin kung papayag ba akong maging ka-date niya sa University ball,' Tamara crossed her fingers as she was about to answer.

Pero biglang bumukas ang pinto ng kanyang silid saka tinawag siya ng kanyang ina, "Tamara! Magbihis ka. Dali-an mo."

"M-mommy," lumingon siya sa kanyang ina saka sinabing, "sandali lang may kausap pa ako."

"Hindi pwede! Dapat kang kumilos ngayon din dahil pinapatawag ka ng may-ari ng kompanya," saad ng kanyang ina.

"Ahm sige, Tamara. Tatawag na lang ako kapag hindi ka na busy," agad na saad ni Zack.

"H-huh? Eh ano 'yung gusto mong itanong sa akin?" tanong ni Tamara.

"Saka na, tatawag na lang ako ulit," sagot ni Zack saka sinabing, "bye."

"Bye," dismayang saad ni Tamara saka ibinaba ang tawag.

"Hindi ba pwedeng bukas na lang kami magkita?" inis na tanog ni Tamara.

"Tamara, ikaw ang dahilan kung bakit hinimatay si Mr. McTavish. You owe it to him to pay him a visit," pinagalitan siya ng kanyang ina.

"I get it, but it was already too late. Pwede naman niya akong papuntahin kanina. Ba't hinintay pa niyang lumalim ang gabi saka ako pinapunta?" reklamo niya.

"Dahil ngayon lang siya dumating dito sa Pilipinas," natigilan si Tamara sa isinambit ng kanyang ina.

"H-hindi si Evo ang nagpapapunta sa akin sa ospital?" tanong niya sa kanyang ina na sinagot naman siya ng iling.

"Ama niya ang nagpapunta sa akin doon?" muling nagtanong si Tamara at sa pagkakataong ito, tango ang isinagot ng kanyang ina.

She pressed close her eyes. Ano ang sasabihin niya sa ama ni Evo? Will she be scolded? Oh baka mamadaliin ang kasal at kaya siya pinapunta sa ospital ay para ikasal sila ni Evo.

'Why did I get in to this mess?' tanong niya sa sarili saka sinabing, 'Bahala na!'

________________________

Huminga muna ng malalim si Tamara bago niya binuksan ang pinto sa presidential room ng ospital.

"There she is!" dumadagundong ang boses ng ama ni Evo nang makita siya.

"I am sorry for asking you to come under short notice," saad ng ama ni Evo, "but I will be going back to London early tomorrow so I'd like to see you first."

The CEO's Temporary BrideWhere stories live. Discover now