Nilabas ko na lang yung lunch box ko at kumain

Pag katapos nun ipinahinga ko muna yung ulo ko sa arm rest ko

Biglang ma kumalabit sakin pag lingon ko si Claire lang pala

"Okay ka lang ba? Puyat ka ata" sabi nya

"Okay lang ako medyo nasestress lang ako sa bahay" dahilan ko

"Huh gusto mo ako na lang gagawa ng project natin" sabi nya

"Wag na unfair naman yun para sayo" sabi ko

Bakit parang ganun di ako kinakabahan pag kasama ko sya

Di kagaya nung naging crush ko si Lucas

Yung sa kanya parang comfortable lang ako pag kasama ko sya

Di kagaya nung kay Lucas makita ko palang parang may kabayo ng nagkakarera sa dib dib ko

Nagulat ako nung kumandong sya sakin at sinandal nya yung ulo ko sa balikat nya

"Idlip ka muna gisingin na lang kita pag malapit na magstart yung klase" sabi nya at napatango na lang ako

Tangina naman ng babaeng toh aga aga nagpapakilig halikan ko toh ayy

Tas yung amoy nya abango bango ano kaya sabon nila pang laba tanong ko si tita

Di katagalan nakaidlip rin ako kung ganto pala yung gagawin ni Claire pag puyat ako araw araw na akong magpupuyat

Nagising ako nung pinisil ni Claire yung kaliwang pisngi ko

"Gising na Sky malapit na daw si Ma'am" sabi ni Claire

Mas lalo pa ako nagisng ng di pa sya tumigil sa pag kurot ng pisngi

"Aray ahh may kasama na atang sama ng loob yung kurot mo ehh" sabi ko

Napatawa naman sya at kiniss ng mahina yung parehas kong pisngi

Nagulat naman ako sa ginawa nya at naramdaman ko na medyo naginit yung mukha ko

Tumayo naman sya at bumalik na sa upuan nya

Dumating na ang teacher namin at nagstart na ng klase

Nag focus na lang akong sa klase at pinilit na di masyado pag isipan yung ginawa ni Claire

Hinawakan ko yung parrhas kong pisngi at napangisi na lang

Grabe ang lambot pala ng labi nya ano kaya feeling pag lips to lips ko sya hinalikan

Teka ano ba naman tong iniisip ko mamaya gawin ko talaga yun masira pa friend ship namin

Makatapos ang ilang klase namin sa iba't ibang subject sawakas uwian na rin

"Sky sabay tayo umuwi" sabi ni Claire

"Ahh sige" sabi ko habang nagliligpit ng gamit ko

Sumunod na rin ako sa kanya palabas ng room

Inabot ko yung jacket sa kanya habang naglalakad kami

"Jacket mo oh mamaya pabaranggay moko mahal pa naman ata yan" sabi ko

Kinuha naman nya yun at nilagay sa loob ng bag nya

Nagkwentuhan pa kami tungkol sa iba't ibang bagay hanbang naglalakad

"Btw ako na lang muna gagawa ng project ngayon" sabi nya

"Diba nga sabi ko sayo unfair yun" sabi ko

"Ngayon lang naman pangbawi ko sayo para narin makapag pahinga ka tignan mo ang laki na ng eyebags mo" sabi nya

Sumangayon na lang ako kasi alam kong di sya magpapatalo

Pagkarating sa bahay kinawayan na nya ako at dumiretso na sya sa loob ng bahay nila

Pumasok na rin ako sa loob ng bahay at umakyat ng kwarto para maglinis ng katawan

Pagbaba nakita kong handa na yung pag kain kaya umupo narin ako at kumain na

"Skylar Elise wag na magpupuyat ngayon ahh di kita papapasukin kung di nanaman ayos yung tulog mo" sabi ni mama

"Ikaw din Sylvester Elias" sabi ni mama

Sumangayon na lang kami ni kuya kasi alam namin na seryoso na si mama pag sinasabi yung buong pangalan namin

Pagkatapos kumain umakyat na ako sa kwarto ko para maaga ako magpahinga

Nagcheck ako ng mga social media accounts ko at may pumakaw ng pansin ko

Isa syang post sabi dun kasalanan daw yung pagmamahal ng kapwa gender at sabi naman nung nasa comments sakit rin daw yun

Wait mali ba talaga yun tas napabasa pa ako nakita ko pa na nasa bible daw yun since nasa religious family ako dapat lang naman na pigilan ko yun diba

Iiwasan ko na lang si Claire siguro mawawala rin naman toh kagaya nung kay Lucas diba

Napaisip pa ako ng malalim hanggang sa makatulugan ko na ang kakaisip tungkol dun

<3

SkylarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon