Mula pagkabata ay likas na sa lalaking ito ang maging matulungin sa kahit na kanino. Hulaan ko’y biglang tumirik ang sasakyan ni Sir Dy kaya’t to-the-rescue naman ang magaling kong Jonathan! Hindi ko talaga maintindihan, basta’t sa oras ng pagtulong, halos lahat ise-set aside niya, kahit ang mismong pag-ihi niya noon para lang makatulong sa iba—sa akin. Walang pinipiling oras o panahon ang lalaking ito para tumulong sa kapwa niya tao.



Hindi naman masama iyon, sa totoo nga lang ay napakagandang virtue iyon bilang isang tao. Kaya lang, ang ganang akin, halos kinakalimutan o naisasantabi niya na ang sarili niya dahil lang sa pagiging matulungin niya.


Na para bang ‘kapakanan muna ng iba ang mahalaga bago ang sarili.’




Napahinga na lang ulit ako nang malalim at napailing ng ulo. Bigla naman akong hinalikan nito sa noo sabay ngiti at bulong, “Mamaya ka na magtampo kapag graduate na tayo.”



Napa-irap ako at ngumiti na rin pabalik. Basta ewan! Iba talaga ang charming ng lalaking ito! Hindi naman gaano kagwapuhan, pinalad lang siguro talaga sa talino, kaya ayon ang Abby niyo, biglaang nahulog sa patibong!



Lumakad na kami papasok at nagdeclare ng magsisimula na ang seremonya.


“Ladies and gentlemen, the processional!”



Ang lahat ay maayos na nakapila kasama ang kaniya-kaniyang mga magulang. Ako? Kasama ko pareho ang Mama at Papa ko. Ikanga nila, ito na ang aming huling pila kaya’t silang dalawa ang magsasabit sa akin ng medalya.



Hindi katulad ng kay Jonathan, Cum Laude ang tanging parangal ko. Ngunit bagaman hindi gaano kasing taas ng sa kaniya ay lubos akong nasisiyahan rito. Mass Communication ang kurso ko at aminadong iginapang ko ito nang higit sa makakaya ko.




“Oo, hindi madali ang maging isang estudyante. ‘Yong tipong magta-trabaho ka sa umaga, papasok ng hapon, at mag-aaral sa gabi. Na para bang nawawalan na tayo ng oras para matulog. Na halos gapangin na natin ang haba ng Edsa para lang makausog. Mahirap. Literal na mahirap. Hinding-hindi ko malilimutan ang paglakad ko mula sa aming munting tahanan hanggang sa pinakamalapit na net shop para lang sa isang coupon bond na ipa-paprint. Hindi naman ho sa nagrereklamo kami mga Ma’am/Sir, ngunit isa ito sa mga pinakanakakapagod ngunit pinakamasayang alaalang mababaon namin bilang isang estudyante ng paaralang ito. Opo, sa akin iginagawad ang pinakamataas na karangalan, ngunit sa oras na ito, nais kong malaman ng lahat na hindi lang ako ang siyang nagtagumpay dito...kundi tayo. Tayong lahat ay dapat parangalan ng pinakamataas dahil lahat tayo naghirap, gumapang, ngunit heto, nagtatapos! Once again, Congratulations my fellow graduates! Sincerely, your Summa Cum Laude, Jonathan Castillo.”




Malakas na palakpakan ang bumalot sa paligid matapos niyang banggitin ang kaniyang mala-MMK na speech!



At syempre ang ate niyong girlfriend, proud na proud sa nakamit ng nag-iisang Jonathan Castillo!




That’s my boy uhuh!




Ilang oras pa ang lumipas at tiyak na masasabi ko nang, “At last! Natapos din!”



“Abby! Group picture tayo oh!” ani Trisha sabay hatak sa akin sa gitna ng stage.



Kaming tatlo pa rin ang magkakasama ngayon simula highschool. Nakakatuwang isipin na hanggang ngayon ay matibay pa rin ang pagkakaibigang naibuo namin.




Sa kabilang banda naman, naroon sila Tita Marife at Mama, nagcocongratulate-an sa bawat isa.



Napangiti ako habang tinatanaw sila. Nakakaproud nga talaga.



“Ang bait naman ng ngiti, Akin ha?”


Akin.


Iyan ang tawagan naming dalawa. Para bang nagsisilbi itong paalala na ako’y sa kaniya, at siya naman ay akin.



Siya rin ang nag-suggest ng callsign na ‘yan, and yes, I found it sweet.


“Bakit? May masama bang ngiti?”



Huminga siya nang malalim, “Eh diba nga isang masungit na monitor ang babaeng nangangalang Gabriela Bautista?”


Humaba naman ang nguso ko, “Tse! Kaga-graduate pa lang natin, mang-iinis ka agad!”


“Sino ba kasing may sabing mainis ka?” tugon niya sabay kindat.




Inilagay niya ang buhok ko sa likuran kong tenga saka may hinugot—isang puting rosas na kay ganda!


“Sa’n mo na nakuha ‘yan?” manghang-manghang tanong ko.


“Pare!” tawag sa kaniya ni Eduardo saka ibinigay ang gitara.



Hindi ko alam pero parang namumula na ang pisngi ko dito! Andaming tao tapos dito pa’to mage-eksena!



Sinimulan niya ang pagkiblit ng gitara, ‘di alintana ang mga matang nakatingin sa aming dalawa.



Nakakadurog puso kasi ang marinig mula mismo sa mga labi niya ang kantang ‘Panalangin’  by Apo Hiking Society.



Isang malakas na hiyawan muli ang bumalot sa amin at ang lahat ay halos maihi na sa kilig.



Aaminin kong si Jonathan ang lalaking halos pinapangarap ng lahat na magkaro’n. Matalino, mabait, masunurin, matulungin, manunugtog, at ang ganda pa ng boses! Package na nga ata kung tawagin nila.


Ito marahil ang rason kung bakit mas nakuha kong mahulog sa kaniya mula pa noon kaysa kay Franco na ubod ng kapogian. Sa kaniya kasi, hindi lang panlabas na anyo ang makikita mo, kundi mismo ang laman ng kaniyang puso.


Ang bawat pagbigkas niya ng letra ay parang palasong tumatama sa puso ko. Palasong hindi sakit ang dulot kundi ang pagkatunaw sa tuwa.




Halos ramdam na ramdam ko na ang malakas na kabog nito. Animo’y sasabog sa kaniyang nararamdaman.



Hindi ko alam kung bakit niya ‘to ginagawa o kung ano ang kasunod, pero parang may pumipigil sa aking magpumiglas. Parang hinahayaan ako ng puso kong tuluyang magpaanod sa himig ng boses niya.



Napakagat-labi ako habang tumititig sa mga mata niya.



“Akin...hindi ba’t sa araw na ito ay tapos na tayo mag-aral?”



Tumango ako bilang tugon. Hindi na ako makapagsalita at para ng nanunuyo ang bibig ko.



Tiningnan ko sila Mama at Papa sa baba ng stage, at kitang-kita ko sa kanila ang tuwa kagaya ng nararamdaman ko. Napa-thumbs up pa si Papa kay Akin.


Muli kong ibinalik ang tingin ko sa kaniya habang hawak na mahigpit ang puting rosas.


Laking gulat ko nang lumuhod siya...



Halos lahat ng tao ay nagsisigawan na ngunit mas daig ito ng puso kong mas malakas ang kabog!


“Gabriela Bautista, Akin...maaari ba?” humugot siya sa bulsa niya.


Inilabas ang isang maliit na kwadro at binuksan ito. Sa loob nito ay isang singsing na dyamante na parang kumindat deritso sa akin.


Halos ata mapupunit na ang labi ko sa kakagat ko rito. Ganito na ba talaga ang feeling?


“Maaari bang maging katuparan ka ng aking mga panalangin? Will you marry me?”



Wala na akong nagawa kundi ang hayaan ang mga luha kong nagsipag-unahan sa kakatulo. “Yes, Akin! Yes, I’ll marry you!”

KundimanWhere stories live. Discover now