Prologue

349K 5.6K 268
                                    

"Sander, buntis ako."

Pumunta agad ako sa unit niya noong nalaman kong buntis ako. Tatlong pregnancy test kits ang ginamit ko para makasigurado at lahat ng iyon ay nagsasabing buntis ako.  Mas lalo akong kinabahan dahil tahimik lang itong naka-upo sa harap ko at nakatulala sa PT kong dala na nasa mesa. 

"Sander ang sabi ko buntis ako." Pag-uulit ko sa basag na boses.

Napatalon ako sa gulat nang bigla siyang tumayo na parang gulong gulo at hindi alam ang gagawin katulad ko. 

"I don't know what to do, Sander. Natatakot ako." Hindi ko na alam ang gagawin ko kaya umiyak na ako sa harap niya. 

"Sigurado ka bang ako ang ama niyan?" Mahinahon ang kanyang boses na nagpakagulat sa akin ng husto. Kulang na lang mahulog ako sa kinauupuan ko dahil hindi ko inasahan ang lumabas sa bibig niya.  

"Are you fucking serious right now? Syempre sa'yo to! Mukha ba akong magpapabuntis sa iba? Ang gago mo naman!" Napatayo narin ako at napahawak sa dibdib sa sobrang sakit ng nararamdaman ngayon.

Lumapit ako sa kanya na ngayon ay nag-iiwas na ng tingin. Hinaklit ko ang braso niya at sapilitan siyang pinaharap sa akin. 

"Ano ulit ang tanong mo? Na kung sa'yo ba talaga itong dinadala ko? Putangina ka pala eh!" Pinaghahampas ko ang dibdib niya habang umiiyak hanggang sa hawakan niya ang braso ko para pigilan sa ginagawa. Napaupo ako sa sahig dahil hindi ko na kinaya ang halo-halong emosyon na nararamdaman ko. 

"Pinaniwala mo akong mahal mo ako! Akala ko nagbago kana pero nagkamali akong gago ka!" Parang pinipiga ang puso ko sa sobrang sakit

"Tumayo kana diyan at umuwi na." Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi siya ang Sander na kilala ko lalo't hindi siya ang Sander na minahal ko. 

"Anak mo ang ipinagbubuntis ko at kahit kailan hindi ako nakipagtalik sa ibang lalaki. Matino akong babae at alam mo yun. Hindi ko kayang gawin iyon sa'yo dahil mahal kita!" Kahit na ganun ang lumabas sa bibig niya, kahit nasaktan ako ng sobra sa sinabi niya kaya ko paring magmakaawa na tanggapin niya ang bata dahil mahal na mahal ko siya. 

"Hindi ako aalis dito Sander. Mag-usap tayo ng maayos hindi iyong aakusahan mo ako ng kung ano-ano. Alam kong nagulat ka at hindi handa pero ako rin naman ah. Kakayanin naman natin to eh." Pagsusumamo ko at tumayo na para yakapin siya. Hindi ko kayang iwan niya ako lalo na't buntis ako. 

"Umuwi kana." Pilit niyang tinanggal ang kamay kong nakapulupot sa bewang niya. Kahit na punong puno ng luha ang mata ko at hindi malinaw ang mukha niya ay kita ko parin ang pagbasak ng luha niya. 

"Bakit Summer?" Nabasag ang boses niya at ngayon ay siya naman ang naupo sa sahig habang umiiyak. 

"Bakit mo ako niloko?" Kumunot ang noo ko dahil hindi ko siya maintindihan. Ako ang nanloko sa kanya?

"Ano ba ang pinagsasabi mo? Hindi kita niloko!" Pilit kong kinukuha ang mga kamay niyang nakatabon sa kanyang mukha. 

"Umuwi kana. Umuwi kana Summer!" Sumigaw ito at pinatayo ako para palabasin sa unit niya. 

"Ano bang pinagsasabi mong niloko kita? Hindi ko kayang gawin sayo 'yon!" Kumapit ako sa braso niya pero mas malakas siya sa akin kaya hindi ko namalayan na nasa labas na kami ng kanyang unit. 

"Ano ba? Ang sabi ko umuwi kana!" Sigaw niya ng pilit kong binabalik ang kamay ko sa braso niya. 

"Mag-usap kasi tayo, please. Ano ba ang pinagsasabi mong niloko kita? Kung ayaw mong panagutan ang bata sabihin mo hindi iyong aakusahan mo ako na sa ibang lalaki ito. Sino ba kasi ang nagsabi niyan sayo?" Wala na akong pakealam kung marinig man kami ng ibang tao. Napakagago lang kasi ni Sander.

"Sa oras na talikuran mo ako ipagkakait ko ang bata sa'yo Sander. Kung ayaw mo ng responsibilidad sabihin mo sa akin hindi iyong pagdudahan mo ako. Sinaktan mo ako ng husto Sander lalo na ang bata. Nakiusap ako sayong mag-usap tayo ng maayos pero ano ang ginawa mo?" Mahinahon na ngayon ang boses ko dahil pagod na akong pagpilitan ang sarili sa taong kaya akong itapon na lang ng basta-basta. Kitang kita sa mukha niya na ayaw na niyang makipag-usap.

"Go home." Iyon lang ang sinabi niya at iniwan ako sa labas na nasasaktan. 

Itong tandaan mo Sander. Aalagaan at mamahalin ko ang anak ko ng sobrang sobra na kahit kailan ay hindi siya maghahanap ng ama dahil puno siya ng pagmamahal at pag-aaruga ko. Ipinagkait mo sa kanya ang pagmamahal ng isang ama kaya ipagkakait ko rin siya sa'yo. Hindi niya malalaman na pinagdudahan mo siya dahil hinding hindi ka niya makikilala.

I'm Pregnant with Mr. Playboy |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon