"Bakit nakikisali ka rin Darren, diba ganiyan na ang suot mo pagkakita natin kanina sa labas ng bahay ni Chepipay. Atsaka hindi naman kayo nagtanong sa akin."

Kaniya-kaniya nilang sagotan.


Pinili ko na lang ding manahimik at inabala ang sarili na suriin ang buong paligid.

Ipinalibot ko ang tingin sa buong kalawakan ng kinaroroonan namin. There's a beautiful garden on the left side with a fountain on the middle and it filled with lights that makes it looks more beautiful. Hindi naman pala masama ang lugar na ito. Fresh air to inhale from nature. Magagandang mga bulak kahit hindi naman ito nakabuka. Malalaki at matatayog na mga puno. Siguro mas maa-appreciate ko ang kagandahan ng lugar na ito kung umaga lang. Napatingin naman ako sa lugar kainan nila rito napaka-open nito na mula sa kinatatayoan namin ay kitang-kita namin ang mga tao sa loob. Malaki ang lawak sa loob niyon at may banda ring tumutugtog. Makikitang masaya ang bawat tao roon sa loob, valentines ang datingan ng lugar na ito ke't malayo pa naman ang valentines. Naku-curious tuloy ako. Gusto ko ring makapasok sa loob.


Habang si Vien at Darren ay panay pa rin ang sagotan nila sa likoran ko.


"Chepipay, gusto mo bang mag-japanese restaurant na lang tayo. Pasensya na kung dito kita dinala may nakapagsabi kasi sa akin na masaya raw rito tuwing weekend ng gabi. Diba gusto mo sa music ka..........."

"Pumasok na tayo nagugutom na ako." Pagpuputol ko sa susunod nitong sasabihin.

Di ko na hinintay ang kanilang mga komento at sagot basta nagsimula na lang akong maglakad patungo sa entrada ng kakaibang restaurant na ito. Ilang segundo rin ang nagtagal bago ko naramdaman na sumunod sila sa akin. Napahinto lang ako sa paglalakad ng may lalaking staff ang sumalubong sa amin, parang bente anyos pa ito na halos ka-edad ko lang ata.

"Magandang gabi, maligayang pagdating dito sa 'Garden of Love'." Magalang na pagbati nito sa amin. 'Garden of Love' ang cringe pakinggan pero okay na rin, mukhang highlight nga talaga nila rito ang magandang hardin na nakita ko kanina dahil sinunod talaga nila rito ang pangalan........... pero bakit may love?

"May date po ba kayo ngayong gabi ma'am?" Magalang na tanong nong lalaki. Akmang sasagot na sana ako kahit may kagulohan sa isip ko.

"Bakit mo tinatanong?" Singit ni Vien. Halata ang pagkairita sa boses nito.

Kinakabahang nagbaba ng tingin ang lalaki.

"Amh... Sir, every weekend nights, this restaurant is exclusively for couples, lover or pairs only. Kaya tinatanong ko po si ma'am kon' sino ang ka-date niya kasi may free picture taking kami don sa may booth namin." Magalang na imporma nong lalaki staff sabay turo sa may gilid kung saan ka kukunan ng picture.

"Ikaw po ba ang date ni ma'am, sir?" Kapagkuway tanong nong lalaking sumalubong sa amin kay Vien.

"Yes I am." Nagmamalaki sa sariling sagot ni Vien. May ngiti itong di basta-basta mapupuknat at ang mga mata nito ay kumikislap sa kasiyahan.

"No his not." Ingos naman ni Darren sabay tabi sa akin at hinawakan ako sa may siko ko na ikinasalubong naman dalawa kong kilay sa gitna habang nakatitig lang sa kaniya. "I'm her date." Seryosong dagdag nito.

Ilang segundo ay may naramdaman din akong humawak sa kabilang siko ko at bahagya akong hinila papalapit rito pero hindi naman iyon hinayaan ni Darren na mahila ako.

"I'm her date." Seryoso at may pagka-paynalidad sa sabi ni Acerdel na siyang nakahawak sa kabilang siko ko ngayon.

Pilit kong hinihila ang magkabilang braso pero sa bawat hila ko mas humihigpit lang ang pagkakahawak nila. It hurts me.

My Phenomenal Bodyguardजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें