01: Sweet Sixteen

5 0 0
                                    

“Happy birthday, Ate Anne!” sigaw ng kapatid ko, dahilan upang bigla akong mapabangon mula sa aking mahimbing na tulog.

Dahan-dahan kong binuksan ang aking mga mata at saglit na pinagmasdan ang luma at butas-butas na wooden ceiling. Matapos ang ilang segundo ay mariin kong tinitugan ang aking nakababatang kapatid na lalaki. Nakatayo siya sa tabi ng aking kaba habang may hawak-hawak na maliit na bento cake.

Ngumiti ako at agad na tumayo para halikan ang noo niya. Simula noong namatay ang aking mga magulang ay si Travis na lang ang natitira kong pamilya. Nakikitira lang kami ngayon sa bahay ng isa sa mga kaibigan ng tatay namin.

Hindi ko na maalala kung anong hitsura ng mga magulang namin. Apat na taong gulang pa lang ako noong namatay sila. Si Travis naman, sanggol pa lang noong mga panahon na ’yon. Hanggang ngayon, wala pa ring nakakaalam kung paano sila namatay.

“Hindi ka na dapat nag-abalang bumili pa niyan, Travis,” wika ko sa aking kapatid habang hinahaplos ang kaniyang malambot at itim na buhok.

“Ate, may naipon naman ako sa allowance na binibigay ni Mayor. ’Wag kang mag-alala, minsan ka lang naman mag birthday, eh,” sumbat naman nito sa akin.

Napangiti na lamang ako at bumuntong hininga. Wala kaming pera, umaasa lang kami sa pa-allowance ng Mayor ng bayan namin kasi mga iskolar kami. Kung wala iyon, malamang nasa ilalim na kami ng tulay ngayon.

Itong kaibigan ni papa na may-ari ng tinitirhan namin ngayon ay sugapa sa pera. Madalas din kaming abusuhin nito pagdating sa gawaing bahay. Kung hindi namin magawa nang maayos ang mga inuutos, nananakit naman.

Isa pang problema ang anak niyang babae na kasing-edad ko rin. Si Aelinor. Hindi ko alam kung anong ginawa ko sa kaniya para tratuhin ako na parang basahan. Buti nga hindi masyadong napapagalitan itong kapatid ko. Ayaw kong maranasan niya ang ginagawa ng mga amo namin dito.

Kung buhay lang mga magulang namin, hindi namin mararanasan ang ganitong kasamaan.

Napaluha na lamang ako. “Kainin na natin ito. Baka makita pa tayo ni Tiya Bruha, pagalitan pa tayo.”

Inaya ko ang kapatid kong kainin ang bento cake na binili niya para sa akin. Bilog ito at kulay baby pink na may nakasulat na “Happy Birthday, Ate!” Hindi pinapalagpas ni Travis na wala akong cake sa kada birthday ko. Apat na taon lang agwat namin sa isa’t-isa. Magtwe-twelve years old na rin siya next month.

Habang kinakain namin patago ang cake ay narinig ko ang maaarteng yapak ng heels ni Aelinor. Alam kong patungo siya rito kaya agad kong isinara ang styrofoam ng cake at itinago ito sa ilalim ng unan kong lumang-luma na.

Nang bumukas ang pintuan ng aking kwarto, agad na pumasok si Aelinor nang walang paalam. As usual, she was in her best attire kahit nasa bahay lang naman. Pareho silang mag-ina. They may look good on the outside, but their insides are badly rotting.

Halos magkasing-tangkad lang kami ni Aelinor. Pareho rin kami ng edad. Mahaba at unat ang brunette na buhok nito. Maliit ang kaniyang mukha at matangos ang ilong. She has doe-shaped eyes and plump pink lips. Hindi ko nga alam kung ilang layer ng lip gloss ang nilalagay niya sa labi niya kada minuto. Ang kapal din ng kilay niya. Kasing kapal ng pagmumukha niya.

Tinignan niya ako nang masama na parang may ginagawa akong hindi kaaya-aya sa kaniya. Lagi naman siyang ganiyan, eh. A very entitled brat.

“I saw what you hid behind that shitty pillow,” she asserted, sabay turo sa unan ko.

Naglakad si Aelinor papalapit sa kama ko at hinila ang unan. Pinigilan ko siya, pero nang makuha niya ang cake ay agad niya itong tinawanan.

“Really, Anne? Every year ka na lang ba magce-celebrate with your super cheap cake?” she mocked, then shifted her gaze to my brother sitting beside me. “At ikaw, hindi ba inutusan ka ni mommy ko na pakainin ’yong mga pusa? Anong ginagawa mo sa kwarto ng ate mo?”

Kinagat ko ang ibabang labi ko sa inis at agad na tumayo.

“Huwag mong pagsalitaan ng ganiyan ang kapatid ko,” mariin kong wika kay Aelinor. Tumingin ako sa cake na hawak niya at sinubukang kunin mula sa kaniya. “AKIN NA NGA ’YAN!”

Tawa siya nang tawa, habang ako, nahihirapang kunin iyong cake. Naiiyak na ako kasi binili ito ng kapatid ko para sa akin. Ngunit pinigilan kong tumulo ang luha ko kasi ayaw kong magmukhang kaawa-awa sa harap ng babaeng ito.

“AELINOR! AMIN NA!”

Napatigil ako nang maramdaman kong may dumapong malamig sa mukha ko.

Aelinor shoved the cake right upon my face.

“Ayan! Haha! Iyong-iyo na ’yang cheap mong cake! By the way, linisin mo ’yong kwarto ko mamaya. Maligo ka muna!”

Narinig ko ang mga yapak ni Aelinor palabas ng kwarto ko. Hindi ko na napigilan. Unti-unting tumulo ang luha ko sabay nang paghulog ng cake mula sa aking mukha.

“Ate, okay lang. May susunod pa naman na taon eh. ’Di bale, bibilhan kita ng cake na mas malaki. Iyong gusto mo na vanilla ba ’yon?”

Niyakap ko si Travis nang mahigpit habang tinatanggal ang icing sa mukha ko.

“Sorry. Sorry, Travis,” I apologized in a brittle voice. Naaawa ako sa amin, lalo na sa kaniya. “Sa birthday mo, ako naman ang babawi. Dadalhin kita sa amusement park.”

Nagliwanag ang mukha ni Travis. Abot tainga ang kaniyang ngiti. “Promise mo ’yan, Ate ah!”

I nodded my head in response. Halos limang taon na rin kasi noong huling punta namin ng amusement park. Wala kasi talaga kaming pera. Iyong perang pang rides sana, iniipon na lang namin pang baon.

“HOY, ANNE! MAY SULAT KA! BUMABA KA NGA RITO! TANGHALI NA ANDIYAN KA PA RIN SA KWARTO MONG BATUGAN KA!” Sigaw ni Tita Bruha.

I immediately wiped my face with a clean tissue and rushed downstairs para tignan kung ano ’yong sulat na sinasabi nila. Ni minsan, hindi ako nakatanggap ng sulat. Kanino kaya ito galing?

May babaeng matangkad at balingkinitan na nakatayo sa door entrance namin ngayon. Nasa bente anyos siguro siya. Nagtataka ako kasi purple ang mga mata niya. In fairness, kung ano-anong contact lens na ang naiimbento. Isa pa, puti ang buhok ng babaeng ito at sobrang puti pa ng kutis. Naka-dress rin siya ng kulay purple na abot hanggang tuhod.

Nakangiti siya sa akin, na para bang kanina pa niya ako hinihintay.

Bago pa man ako makapagsalita ay inunahan na niya ako.

“Hello, Miss Eclair. I am Professor Phoebe Topkin from Luna Academy. Pinapabigay ito ng headmaster sa iyo," she said in a gentle voice as she handed me a strange looking envelope.

Agad ko itong inabot mula sa kaniya. Ang weird. Kulay green ito na nabalot sa mga dahon. TUNAY na dahon at hindi iyong mga sticker sticker lang. Nang mabuksan ko ito ay wala namang nakasulat.

Huh?

“I’ll get going. Tomorrow, I will be back to fetch you up here,” muling sambit ni Professor Phoebe.

Wala akong maintindihan. Wala rin akong nasabi.

Tumakbo ako agad sa taas patungo sa kwarto ko, pero hinarang ako ni Aelinor. Papansin talaga kahit kailan.

“What’s that? Parang first time na may bumisita sa ’yo rito ah. Nagsusumbong ka ba sa mga tao sa labas?”

She attempted to steal the envelope from me, but I hid it behind me and immediately ran inside my room. Ni-lock ko na ang pinto para hindi na siya makapasok.

“Ano ’yan, Ate?” tanong ni Travis habang si Aelinor naman ay pilit na buksan ang pinto.

Binuksan ko muli ang envelope at dahan-dahang lumabas ang mga letra gamit ang pulang ink.

Pleasantries!

Chrysalis Anne Eclair, we greet you a happy birthday. This day marks a very special day for children like you. Thus, we would like to invite you to be a part of our Academy. Luna Academy is a prestigious and special school for peculiar children. We will be taking you tomorrow with us. Don't worry, you don't have to pay anything because you are our scholar. Just prepare yourself.

Eclair, you are one of us.

May the moon bless you.

Luna Academy.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 03, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Luna Academy : School of Werewolves Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon