Nag cross arms ako pinangkitan ko sila.

"Anong tingin n'yan? Bakit kayo ganiyan makatingin?" I asked them frowning.

But to my surprise, bigla silang mga nag hiyawan.

"Gago! Talagang mananalo tayo!"

"Pretty Faye!"

"Wala na! May nanalo na!"

"Ganda palang panalo na, paano pa kaya sa pagkanta?! Edi sumobra na!"

"Panalong panalo na!"

"Miss, pwede kabang ligawan?!"

Putangina.

I was about to speak when suddenly the speaker rang and someone spoke.

"Good day, CHU students! Please proceed to gymnasium because we are about to start. Representatives of each section of Highschool and Senior High are required to go backstage. Thank you."

Luh, bilis naman! Charot, muntik na nga pala akong ma-late hehe.

"Tara na Faye, hatid kana namin sa backstage ng gymnasium." Nakangiting usal ni Trace.

Tumingin ako sa kaniya at nakangiting tumango.

***

Here we are representatives backstage of the gymnasium at mga nakaupo kaming lahat.

I see others who are nervous and others who are just chill like me.

Yabang talaga.

Wala kaming mga numbers dahil tatawagin nalang kami sa mga pangalan namin kapag kami na ang kakanta.

At sabi sa'min kanina mga Senior High ang uunahin tapos highschool na, pababa.

Rinig na rinig ko ang hiyawan na nagmu-mula sa labas, hindi pa nga nagsi-simula, naghi-hiyawan na.

Napailing nalang ako.

"A pleasant day to everyone. I know some of you are excited to see their representatives sing. Ngayon, tatanungin ko kayo mga bakla," Rinig kong saad ng host na bakla. "Handa na ba kayong lahat?!" Tanong niya.

Lumakas ang hiyawan nang mga estudyante at may naririnig pa akong sinisigaw ang mga pangalan ng mga representative nila at may narinig pa akong sumisigaw ng pangalan ko kaya bahagyang napalingon sa'kin yung ibang mga kasama ko sa loob samantalang si Chloe, inirapan ako.

"Omg, yes!"

"Oo, bakla!"

"Chloe! Chloe! Chloe!"

"Go! Go! Katrina!"

"Go! Faye! I love you daw sabi ni Chase!"

"Bobo! We love you nga daw! Kulit ng atay mong gago ka!"

"Galingan mo, Mrs. Gonzales!"

Napangiwi ako sa mga naririnig ko. Sarap tapalan nang tape ang mga bunganga ng mga walanghiya.

"Omg kayo, handang handa na nga! Magsimula na nga tayo mga bakla dahil excited na din ako!" Sigaw ng host.

Sure akong gwapo din 'tong baklang host na 'to.

***

Huli ba akong tatawagin? H'wag naman sana.

Katulad ng sabi ko kanina, nauna ang mga Senior High at ngayon Highschool naman.

Battle of the Past (Seule Fille Series #1) Where stories live. Discover now