"I arranged everything there. You will have good food, bed, room and--"


"Grabe mahal na hari, unfair ka pala" sarkastikong saad ko at napakunot ang noo nya. Tinaas ko ang dalawa kong kamay at tinapik ang balikat nya.


"I don't need your special treatment" nginitian ko sya at napairap din nang lagpasan sya. Binuksan ng kawal ang pinto at bumungad ang sunod sunod na flash ng camera.


Nakangiti lang ako sa kanila at tinaas pa ang mga kamay na nakaposas para kumaway. Sumakay ako sa sasakyan ng pulis at mabilis lang iyong nakapunta sa kulungan.


Nakangisi ako sa camera ng picture-ran ako para sa mug shots. Kung ano ano pang pose ang ginawa ko kaya napapailing nalang ang mga nando'n.


"Pasok na ho mahal na Prinsesa" saad ng General pagkatapos nyang tanggalin ang posas sa kamay ko.


"Wait" saad ko at kinuha ang phone ko saka tinignan ang mga pictures ko na pinicture-ran ni Aiden.

Pumili ako ng mga picture simula nung nasa palasyo ako at pati yung nasa mug shots ko saka pinost sa IG na may caption "New achievement unlocked"


"Oh. Don't let anyone use that, kay?" saad ko kay Aiden at tumango lang sya. Wala paring kaemo-emosyon.


Chineck na nila ang mga gamit ko at wala naman silang nakitang kakaiba kaya hinila ko na yung maleta.

Binibigyan pa nga nila ako ng mga bathroom essentials pero di ko na kinuha dahil meron naman akong mga dinala at isa pa. Bakit ako gagamit ng mga gano'n!?


"Ang mahal na Prinsesa!"

"Totoo nga ang balita!"

"Dapat syang ihiwalay satin"

"Baka dito sya gumawa ng gulo"


Naririnig ko yung mga bulong bulungan ng mga taong nadadaanan ko na nasa loob ng selda nila.

"Ang ganda mo mahal na Prinsesa!" sigaw nung isang babae

"Huy ako lang 'to" pabiro kong saad.


"Dito ho ang selda nyo mahal na Prinsesa" pumasok ako sa isang maliit na kwarto pero may sariling banyo.

Mag-isa lang ako sa loob at may sariling kama. Malinis naman katulad ng ibang selda pero parang ito ang pinakamalinis dahil may plastic pa ang cushion ng kama, siguro pinagawa iyon ng hari, ang unfair pero buti naman.



"I-ito ho ang inyong damit mahal na Prinsesa" tinignan ko ang pastel beige na ternong pants at short-sleeves button up top.


"P-pero pwede nyo naman hong bukas na ito suotin" saad pa nya at tumango naman ako.

"Ge, alis ka na" saad ko at mabilis syang umalis.


Humiga ako sa kama at tinitigan ang kisame. Napabuntong hininga ako at pumikit.


Base sa nakita ko kanina. Nasa kaliwang section ang office ng mga pulis at nasa kanan ko naman ang mga selda. Pumasok ako sa banyo at humarap sa salamin. May shower dito kaya hindi ko na kailangang magipon ng tubig. Chineck ko ang salamin kung double sided ba iyon pero mabuti nang hindi.

Tinaas ko ang isa kong kamay at kinuha sa buhok ang isang pin. Pinaghiwalay ko iyon at may hologram na lumabas.


Map iyon ng kulungan kung nasaan ako. Hinanap ko kung saan mismo ang pupuntahan kong lugar. Mabilis kong kinabisado ang lugar saka lumabas ng banyo.

Lucresia: We All LieWhere stories live. Discover now