Chapter 4

455 28 6
                                    


Kale Louis Alcantara

"Good morning Sir!."

Pagkapasok ko palang ng kumpanya ay agad nagsibatian at yumuko ang mga empleyadong nadadaanan ko. Tumango lamang ako bilang pagtugon at dumiretso sa may private elevator ko. Agad kong pinindot ang 50th floor dahil doon ang opisina ko bilang CEO.

Isang linggo na ang nakakalipas mula nung huling dalaw ni Kierro sa amin at tungkol naman sa anak ko ay kakauwi niya lang kahapon sa bahay ng kapatid ko at ama niya. Ako na ang naghatid dahil gusto ko ring kamustahin ang aking ina at anong pakiramdam ng kapatid ko na ngayon ay may asawa na.

Maganda ang naging pagbisita ko dahil naparami kami ng kwentuhan. Pinaghandaan pa nga ako ni mama dahil sobrang namiss niya daw ako. Wala naman akong naging problema sa kanila  kaya walang rason para hindi dumalaw.

I should move on. It's all in the past now.

At tama ang pagkakarinig niyo, ako ang may ari ng malaking kumpanyang ito. Kung iisipin ko lang noon, isa akong empleyado sa isang kumpanya bilang Head ng Production Team  pero ngayon ay naging business partner ko na.

Ilang buwan na rin ang lumipas kaya maraming nagbago. Nang panahong ang  kapatid kong lalaki na anak ni Papa at ni Daddy at kaibigan ko lang ang aking kasama, kung kailan nagbago ang lahat, na ako'y umiiyak, nagdudusa, nalulungkot , nahihirapan at naghahanap ng kasagutan kung bakit lahat nangyayari ito ay doon ko napagpasyahang puntahan ang aking tunay na ama. Matagal ko na rin siyang nakakasama kahit medyo matanda na ako ng makikilala ko siya dahil na rin sa itinago ni mama sa akin ang lahat pero natanggap ko parin siya.

Nalaman kong matagal na pala niya akong pinababantayan kahit na hindi pa niya ako nakikita ng personal ay nag utos na ito. At doon ko nalaman na isa palang miyembro ng ikatlong kasarian ang aking ama dahil nalaman kong may asawa siyang lalaki at may sariling anak. Dugo't laman nila ito at nung una ay hindi pa ako naniwala pero napatunayan ko ng ipakita nito ang mga patunay kaya naging masaya ako dahil may kuya ako.

Nung mag isa nga ako, napagdesisyunan kong puntahan siya sa may espanya kasama ang tunay niyang pamilya. Anak lang ako sa labas pero tinanggap parin nila ako ng buo ganun din ang nag iisang kapatid ko. Nang malaman nila ang nangyari ay agad nila akong pinapunta sa kanila para daw may makasama ako. Doon ko mas naramdaman ang tunay na pagmamahal ng isang magulang.

Doon ako nanalagi ng ilang buwan, iniisip kung anong mangyayari pagbalik ko sa pilipinas, kung anong pagbabago ang aking dapat makasanayan hanggang sa kinausap ako ni Daddy na kailangan na nilang bumitaw bilang CEO ng kumpanya at kami ni kuya ang papalit. 

Nung una ay hindi ko pa tinanggap ngunit ng magtagal ay tinanggap ko na rin. Napaisip akong kailangan na nilang magretiro sa pagtratrabaho at gusto nalang namin na makita silang laging magkasama at nagpapahinga nalang. Hindi ko alam kung bakit gusto na nilang magretiro eh nasa mid 40's palang naman sila. 

Mukhang may balak pa ata silang sundan kami.

Kaya ngayon, ako na ang itinalagang CEO dito sa branch namin sa Pilipinas. Isang kumpanya na kung saan gumagawa at naglalabas ng mga mamahaling mga damit, bags, shoes, sandals at mga pabango. Si kuya naman ay naitalaga sa kumpanya na nagmamanage sa aming mga hotels, malls, and restaurant locally and internationally.

Seryoso lang akong naglalakad patungo sa aking opisina ngunit nang madaanan ko ang opisina ng kaibigan ko na isa sa mga may mataas na pwesto ay dumiretso ako rito. Nakita ko itong abalang abala sa pagbabasa at pagpipirma siguro dahil sa nalalapit nanaman naming paglalaunch ng bago naming disenyo. Lumapit ako sa kanya at inagaw ang papel na hawak niya.

The HusbandWhere stories live. Discover now