"Ba't ka pa mag-oorder diyan? May pagkain naman kayo ni Tamara dito," tanong ni Chad.

"Apparently, the brat's plans are working well. Sabi niya kailangan kong ipakita sa lahat na nagpapaimpress ako sa kanya," may halong inis na saad ni Evo.

"I get it," natatawang saad ni Chad saka nagpatuloy, "tatawagan ko ang in-charge sa cafeteria. Sasabihin ko sa kanya na ipapadala na lang dito sa opisina ang bill mo."

"That's good, uhm, Chad," saad ni Evo saka muling nagtanong, "hindi ko alam kung anong pagkain dapat ang pipiliin ko."

Bahagyang napatawa si Chad saka sinabi kay Evo kung anong pagkain ang dapat niyang i-order. Siya na rin ang gumabay kay Evo sa kung ano ang gagawin pagkatapos niyang mamili. Kinabahan naman ang lahat na nasa cafeteria dahil ito ang unang beses na mismong ang CEO ng kompanya ang bumisita at bumili ng pagkain sa kanila.

"O-okay na po 'yan, sir," saad ng cashier na halatang nagpapa-cute kay Evo, "itinawag na po ni sir Chad ang tungkol dito."

Tango lang ang ginawa ni Evo saka maingat na kinuha ang kanyang tray. Hindi naman mapigilan ni Tamara ang matawa nang makita niya ang hitsura ni Evo. He looked like a high school freshman na naninibago sa kanyang paligid.

"Why are you smiling?" tanong ni Evo nang umupo siya sa harap ng Tamara.

"Welcome to my world, Mr. McTavish," Tamara teased.

"After this, you will have to fit in to my world also," saad ni Evo.

Nagkibit balikat si Tamara. Hindi man sila matatawag na mayamang-mayaman, hindi naman sila ganoon kahirap para hindi siya maging pamilyar sa mga social functions at banquets na tinutukoy ni Evo.

Evo sighed as he looked at his food. He can't believe that he let Tamara talk him into this. Siya dapat ang nagpaparusa kay Tamara pero parang siya ang pinaparusahan.

'Once I get through this part, this woman will be sorry that she put me into this,' sa isip ni Evo.

Pansamantalang nagdalawang isip si Evo na isubo ang kanyang pagkain pero nang matikman niya ito, hindi siya makapaniwalang masasarapan siya.

"I can't believe that a less than a hundred-peso meal would taste this good," saad ni Evo saka isinubo ang pangalawang kutsara ng pagkain.

Natuwa si Tamara dahil pakiramdam niya nakaranas ng first time si Evo kasama siya.

"Masarap ang adobo ni aling Nene," saad ni Tamara.

"Aling Nene? Is she chef of this cafeteria?" tanong ni Evo.

Natawa si Tamara saka sinabing, "Hindi naman kailangan ng chef itong cafeteria. It only needs a cook."

"How do you know the cook?" tanong ni Evo.

"Bata pa lang ako, dinadala na ako ni daddy dito. At that time, he was still the purchaser of the cafeteria. So habang naglilista si daddy ng mga kakailanganin dito sa cafeteria, pinapanood ko naman si Aling Nene na nagluluto," kwento ni Tamara.

He didn't know how it felt to come with his father to the office. Maraming iniintindi ang kanyang ama kaya wala itong panahon upang isama siya sa trabaho nito. On the other hand, hindi naman siya interesado sa pinaggagawa ng ama niya noon. All he knew is that his father is earning big amount of money and that he travelled a lot. Ito ang dahilan kung bakit halos isang beses na lang sa isang buwan sila nagkakasama o nagkakausap.

"So, what's your plans tonight?" tanong ni Evo.

"Wala, bakit? May lakad ba tayo?" balik na tanong ni Tamara.

The CEO's Temporary Brideजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें