Chapter 8 - Bestfriend?

Mulai dari awal
                                    

(A/N: Kung nahihirapan kayo mag imagine sa pamaypay na'to, see the picture below. hihihihi)

[Vhone's POV]

Ups! Gambar ini tidak mengikuti Pedoman Konten kami. Untuk melanjutkan publikasi, hapuslah gambar ini atau unggah gambar lain.


[Vhone's POV]


"Kopya bossing!" Sagot ko ni Oliver sa kabilang linya bago namatay ang tawag. Duty call na naman mah men!! Ang aga pero 'yan talaga buhay ng mga gwapo 'eh, lapitin ng responsibilidad!


Inutusan lang naman kasi ako ni bossing na kunin lahat ng gamit ni Miss Zhannie sa condo niya ngayon. Okay lang naman kasi gising narin naman diwa ko kahit na alasingko palang ng umaga.

"Haaaaaaay!" 'di ko napigilang mapahikab nang--

*PEEEEEEEP!!!!!*  


"F*ck!"


Agad kong pinakanan ang sasakyan nang namalayan kong kalahati na ng sasakyan ay nasa kabilang lane. Sh*t!

Tanginang mga matang 'to! Parang may sariling pag-iisip at pumipikit-pikit habang nag dadrive ako, panira talaga ng kagwapuhan 'to!

Ilang minuto lang ay narating ko na ang condo ni Miss Zhannie. Ang tayog grabe! Pero talagang high-end ang dating at ang seguridad. Sa pagkakaalam ko nga, sa pinsan niya 'to eh. Pero mas lamang parin ang sa kanila ni Phyn.


Sinaluduhan ako ng guard nang pumasok ako, may clearance na rin kasi ako dahil minsan na akong napadpad dito. Kinindatan at nginitian ko rin ang naggagandahang mga staff sa may lobby na nagpakilig sa kanila. Shucks, iba talaga basta gwapo!


Tinahak ko na ang daan papuntang elevator at pinindot ang floor kung saan nandun ang unit ni Miss Zhannie.



"Magandang araw Miss Zhannie! Siguradong kumplet-- AY!" 



"Make sure not to damage my things. Ibibitin talaga kita patiwarik." Iba talaga 'tong babaeng 'to, napaka... sadista! Hinimas ko ang daliri ko sa paa na natapakan sa matulis na sapatos ni Miss Zhannie. Ano kayang mangyayari sa bahay nila ni bossing?


"Makakaasa po kayo Miss Zhannie hehehe" Sambit ko pero hindi ito lumingon at patuloy lang sa paglakad papuntang elevator at sumakay na ito. Hindi man lang niya ako ginawaran ng tingin hanggang sa sumara na ito.


Sige lang, ganyan talaga buhay gwapo. Unahin ko nalang ang paghatid sa mga gamit ni Miss Zhannie sa bahay ni bossing Oliver, baka habulin pa ako ng bala ni bossing at magkakatotoo ang pananakot ni Miss Zhannie, mahirap na! 



The Mafia Boss' WifeTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang