(MAD LOVE) XIV: TOUCH-ME-NOT

4.2K 326 306
                                    

A/N: You can check my Facebook Group, Marple Dame Stories, to read MAD LOVE free (even with no data)

⚈ ̫ ⚈ OY! Magbasa at Mag-vote. ⭐

✖ - ✖ - ✖ - ✖ - ✖

Avery was biting her lower lip nervously. Her feet can't keep still, jumping on her position.

The sound the elevator is making is not helping either to ease the knot she's feeling on her stomach. Namamawis ang mga palad niyang nakasilid sa bulsa ng suot na jacket.

Katabi niya sa loob ng elevator ay si Elaine na pareho niya ay hindi rin nagsasalita.

Avery glimpsed at her sister-in-law at the shiny surface of the door infront of them. Bakas sa mukha nito ang pagkabahala.

Napalunok siya ng buo sabay tumingin sa floor indicator sa taas. 'Shit... ba't ang tagal naming makarating sa basement? Diyos ko... l-luluwa na ang puso ko sa kaba!"

"Avery—"

"Wah!!!" hiyaw niya sa gulat sabay dama ng dumagundong na dibdib. "Y-Yes?"

"About earlier—"

Sakto namang bumukas ang pinto ng elevator. Nang makita sila ni Margaret na noo'y naghihintay sa nakaparadang kotse'y sumigaw ito. "Ava! Elle!"

Pilit na ngumiti si Avery at dali-daling lumabas sa bagon. "M-Marga!"

Nang makalapit ang prinsesa'y pinaglipat-lipat nito ang tingin sa kanilang dalawa. "What took you so long? Iniwan niyo akong mag-isa! Like... literal na mag-isa rito! Matatakutin pa naman ako."

"S-Sorry," hingi niya nang paumanhin.

"At ikaw?" Binalingan nito si Elaine. "Sinadya mong mag-overtime, 'no, para makatakas!"

Elaine crossed her arms and scoff. "But why are you here?" Ngumisi itong nakataas ang isang kilay. "I strictly told you, No Following Me."

Pinamulahan nang hiya si Marga. "H-Hindi, a. Nagtaka l-lang kami k-kasi tumawag sa amin ang unang ka-blindate mo na h-hindi ka pa raw sumisipot sa restaurant."

"Yeah... with matching outfits?"

Napayuko ang dalawa sa pawang itim nilang mga kasuotan.

"And the binoculars." Elaine looked at the gadget hang 'round Marga's neck.

Sumipol nalang ito nang hindi na makaisip ng palusot. Nahalata nito ang pananahimik ni Avery. "Oy, okay ka lang?"

Sasagot na sana siya nang makita ang pagkabahala sa asul na mga mata ni Elaine. Pilit nalang siyang ngumiti at tumango. "O-Oo. T-Talagang nag-overtime s-si.... Elaine..." Her voice trailed off upon remembering the scene she arrived at. Kung hindi pumitik si Marga sa harap ng mukha siya'y hindi siya matatauhan. "I-Iyon nga... nadatnan ko siyang may tinatapos na trabaho."

Marga looked at Elaine. "So, is this unfinish business done already?"

Ewan ba nila Avery at Elaine, pero parang may dobleng kahulugan ang inosenteng tanong na iyon ng asawa ni Isaiah.

Sabay na tumango ang dalawa.

Napabuntong-hininga nalang si Marga. "Paano ba iyan? Ang ingay pa naman ng Viber ko dahil hingi nang hingi nang updates sila July? Anong isasagot ko?"

Nang hindi na kumibo si Avery ay si Elaine na ang sumagot. "Sabihin mo pinag-overtime ako ng amo ko. A-And we'll re-sched the blind date."

Natahimik ang tatlo nang tumunog ang cellphone ni Avery. Sinagot niya ang tawag. "Isaac?"

Paper HeartsWhere stories live. Discover now