Hindi Man Ako

15 1 0
                                    

Hindi man ako ang pinakagwapo,
Na lalaking nakilala mo,
Sinta, ang natatangi kong pangako,
Pag-ibig ko sa'yo ay hanggang dulo.
——
Hindi man ako isang lalaking perpekto,
Sa ugali ko at sa pisikal ay may depekto,
Mahal ko, ang puso kong iniaalay sa'yo,
Sintatag ng mamahaling bato at ginto.
——
Hindi man ako ang lalaking pinapangarap mo,
Sa panaginip at sayong diwa ay siyang naglalaro,
Makasisiguro naman ang iyong isip at puso,
Gagawin anuman upang maging marapat sa'yo.
——
Hindi man ako ang unang lalaking minahal mo,
Sa puso at pagkatao mo ay umangkin nang todo,
Tipan ko sayo hanggang sa wakas ng mundo,
Ako ang iyong magiging huli, ikakasal ako sa'yo.

Mahal Kita, Hana.

Blue Riddle
4/15/21
1:12 AM

HeartStruckTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon