She would learn later that Ranjo was a medical representative. Not to mention that he looked like it in white long-sleeved polo and necktie and black slacks and leather shoes.


Iyon ang simula ng pagkikilala nila. Inalok ito ni Nayumi na sumama na sa mesa nila yamang nag-iisa lang ito sa kabila ng matinding pagtutol sa mga mata ni Yaya Adora.


Ranjo was charming and with a good sense of humor, ipinagpilitan nito na ito na ang magbayad ng kinain nila. At nang maghiwalay sila'y ibinigay nito sa kanya ang sariling calling card. At nang atubili siyang ibigay ang telepono niya ay deretsahan nitong itinanong iyon.


One meeting led to another. Sa ikatlong pagkikita nila ni Ranjo ay deretsahang nagkomento si Yaya Adora.


"Hindi ko gusto ang lalaking iyon, Nayumi," nakasimangot nitong sabi.


"Yaya!" she exclaimed, laughing at the same time. Sanay na siya rito. Lahat ng manliligaw niya ay kinikilatis nito. "Mabait at magalang iyong tao. Ano ba naman ang maipipintas mo?"


"Iyon mismong wala akong maipipintas," sagot nito. "He is too perfect. Hindi na totoo ang ganoon. Parang aral na aral ang bawat kilos."


She rolled her eyes. "Dahil wala kayong makitang kapintasan kaya iyon mismong bagay na iyon ang iniaayaw ninyo? Oh, God!" Hindi niya malaman kung matatawa o maiinis. Ilang sandali muna silang nagpaikot-ikot sa shopping center bago niya niyaya ang yaya na umuwi na.


Sa buong panahong pagkikilala nila ni Ranjo ay hindi nito alam ang tunay niyang pagkatao. Hindi iyon isang bagay na madaling sabihin. At ipinipilit ni Adora na tuwing nagde-date sila ay kasama ito na ipinakilala niyang tiyahin.


Kahit minsan ay hindi nagpakita ng iritasyon o pagtataka si Ranjo na lagi na'y kasama niya si Adora. Hindi rin ito nagtatanong o nagmungkahi kayang mag-date naman sila nang wala siyang chaperone. Tila ba tinanggap na nitong naroon lagi si Yaya Adora tuwing magkikita sila.


Nitong huling dalawang date nila ay atubili siyang pinagbigyan ni Adora na mag-drive mag-isa sa kakapilit niya. Naiilang siyang nag-uusap sila ni Ranjo habang nakikinig si Adora.Hindi niya maitatangging nag-e-enjoy siyang kasama ito. Nararamdaman niyang nahuhulog ang loob niya rito. At wala mang deretsahang mga salita ay alam niyang may mutual understanding sa pagitan nilang dalawa.


"Gabi na para makipagkita ka pa sa lalaking iyon, Nayumi," ani Adora na nasa puno ng hagdan at hinihintay ang pagbaba niya.


Nayumi sighed impatiently. Ipinagpatuloy ang pagbaba. "Ano ka ba naman, Yaya? I'm nearly twenty-two, not two years old. I can take care of myself."


"Bakit kailangang sa gabi ka makipagkita sa kanya?""Yaya, I've been dating since I was sixteen. Minsan ay inaabot ako ng hatinggabi pero hindi ka nagrereklamo, kung paanong hindi rin nagrereklamo sina Papa at James."


"Dahil kilala naming lahat kung sino ang kasama mo. Wala akong ideya kung anong uri ng pagkatao mayroon ang Ranjo na iyan, Naya. Nakilala mo lang siya sa bar isang buwang mahigit pa lang ang lumipas."


Unti-unti nang namumuo ang iritasyon sa dibdib niya. "Okay, para lang mapayapa kayo, I'll be home before eleven. At sa Paradiso Bar sa Monica Hotel kami magtutungo. See? It's one place you would surely approve," she said sarcastically. "Alam nating pareho na hindi alam ni Ranjo na pag-aari ng mga Navarro ang Monica Hotel. O kung alam man niya, hindi niya iyon iuugnay sa akin. Napakaraming Navarro sa buong lupa. And I can only hope the employees won't recognize me."


Kumunot ang noo ni Adora. "Bakit sa Monica Hotel? Hindi ako makapaniwalang kaya kang dalhin doon ng lalaking iyon."


She groaned impatiently. "Hindi dahil isang med rep si Ranjo ay hindi na niya ako kayang dalhin sa isang five-star restaurant, Yaya. And I have this feeling na ngayong gabi magtatapat si Ranjo. Nagpa-reserve siya ng mesa sa Paradiso Bar." Iglap na naglaho ang iritasyon at nahalinhan iyon ng isang nangangarap na ngiti.


"Nayumi, mag-isip-isip ka. Hindi ka seryosong nakipag-boyfriend sa panahong nag-aaral ka para lang mapunta sa isang tulad ng lalaking iyon."


"Don't start again, Yaya," she warned, naglaho ang ngiti. Nababagot na siya sa pare-parehong dialogue nito tuwing may date sila ni Ranjo. Sinulyapan niya ang relo sa braso. Alas-singko y media na. "Alas-siyete ang usapan naming magkikita. I don't want to be late."


"Huwag kang magpadalos-dalos ng pasya. Marami naman sanang nanliligaw sa iyo, magagandang lalaki rin naman at kilala nating lahat ang uri ng pamilyang pinagmulan. Hindi ko maintindihan kung bakit ang Ranjo na iyan ang pinatulan mo."


"At lalo namang hindi ko naiintindihan ang disgusto ninyo sa kanya, Yaya. Kung ugali ang pag-uusapan ay wala ka namang maipipintas, 'di ba? It must be because he's poor. Iyon lang ang dahilang maaari kong isipin." Sinisikap niyang kontrolin ang iritasyong unti-unting umaahon sa dibdib. Ipinagpatuloy niya ang paglakad patungo sa pinto.


"Binabawalan kitang makipagkita sa lalaking iyon, Nayumi."


"My God!" bulalas niya. Napatitig dito nang husto. "Hindi kaya lumalampas na kayo sa dapat ninyong panghimasukan?" Naniningkit ang mga matang hinarap niya ito.


"Mula pagkabata ninyong dalawa ni James ay sa akin na naatang ang tungkulin na mangalaga sa inyo. Lalo ngayong nasa Amerika sina James at Chantal at nasa Alta Tierra naman si Alvaro."


"Well, I appreciate what you are doing. Pero wala kayong karapatang pagbawalan at sikilin ako sa gusto kong mangyari nang walang matibay na dahilan maliban sa mahirap ang lalaking ito." She frowned at the old woman. "Hindi ko gustong isiping sa tagal ng panahong inilagi ninyo rito ay nagiging matapobre kayo. Daig pa ninyo ang Papa!"


"Makinig ka sa akin, Naya," patuloy ni Adora nang humakbang siya patungo sa malaking pinto. "Hindi si Ranjo ang tamang lalaki para sa iyo. Hindi ko mapapayagang makipagkita ka sa kanya ngayon!"


Napahinto sa paghakbang si Nayumi sa marahas na paghawak ni Adora sa braso niya. Nilingon niya ito kasabay ng pagwaksi sa kamay nito. She was shocked by the vehemence in the old woman's voice. Noon lang ito gumamit ng ganoong tono sa kanya.


"Alvaro will never approve of this man. Sasabihin ko sa kanyang paimbestigahang mabuti ang pagkatao ng lalaking iyon!"


****Go YAYA Adora. Pigilan si Nayumi hahahaha -Admin A *********************

Kristine Series 24 - Ivan Henrick (UNEDITED)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon