Where did I go?

14 8 0
                                        


I was about to go to sleep when I heard a few kids singing outside. Bumangon ako sa kinahihigaan para bigyan sila ng pamasko. Mamayang alas dose na rin ang bisperas ng pasko pero wala naman akong kasama sa bahay kaya matutulog lang ako.

"Thank you po, Ate Sapphire!" sabay-sabay na sabi ng mga bata nang maibigay ko sa kanila ang pamasko. "Merry Christmas po, Ate." sabi pa nila.

"Merry Christmas. Mag-ingat kayo ha." sambit ko bago sila lumakad papunta sa kalapit na bahay. Hindi ko pa agad sinarado ang pinto ko at pinanood pa muna sila. I hope they're enjoying it. That's a memory that they can always look back everytime Christmas is coming.

I decided to go back to my room, itutuloy ko na ang tulog kong naudlot. Patay na ang mga ilaw sa loob ng bahay, wala rin naman akong christmas lights sa labas kaya hindi na problema iyon. Wala na rin sigurong mangangaroling sa bahay na wala ng bukas na ilaw.

Ibababa ko na sana ang phone ko na kaninq ko pa hawak sa side table pero may natanggap pa akong notification sa twitter. I was mentioned by a reader. Yes, I write stories online, and some of my other books were already published. My pen name is Blue Gem because of my name and I call my readers as gemstones.

@diamondNiMiss 

@miss_ bluegem may christmas gift ka  po ba sa'min? HAHAHAHAH 

I chuckled after reading the tweet. I do have a gift. But I want to surprise them. I wrote a flash fiction for them and will upload it tomorrow as my Christmas gift for them.

@miss_bluegem

Ninang niyo ba ako?😭😭 anyways, meron, inaanak.

Pagkatapos kong mag reply sa tweet ng isang reader ay nag sunod-sunod ng notifications ng mga retweet ng reply ko. Nababasa ko ang tuwa roon, napangiti na rin tuloy ako. Pagkatapos kong basahin ang ilan sa mga retweets nila ay mag scroll na ulit habang nakahilata sa bed ko.

Bigla kong nakita ang tweet ng isa sa mga kaibigan ko. She was in an amusement park with her family. I can sense that they were so happy because of those smiles. Kumpleto sila roon, samantalang ako, mag-isa na nga tapos hindi pa masaya.

Nakakainggit. I miss my parents. Wala ba talagang visiting hours sa langit? 

Pinagpatuloy ko ang pag-s-scroll. Hindi ko alam kung bakit paulit-ulit akong nakakakita ng amusement park dito sa twitter. The same amusement park where my friend was. Is this a sign na dapat akong pumunta doon bukas? Pero para saan naman? Would I be happy if I go there? E, baka nga mahilo lang ang ako sa rides. Wala rin naman akong kasama dahil baka busy pa rin si Eleanor bukas, ayaw ko naman abalahin pa. She should be celebrating with her family.

I put aside my phone and lie down straight on my bed. I stared at my ceiling. Akala ko, matutulog ako. Bakit may iniisip na ako ngayon? 

Nang hindi ako makapag-isip ng maayos ay bumangon ako at hinablot ang jacket ko roon sa cabinet bago dumiretso palabas ng bahay. Hawak ko ang wallet at phone ko habang lumalakad mag-isa sa daan na ang tanging liwanag lang ay mga ilaw sa poste. Baka kailangan ko ng fresh air para makapag-decide ng mayos. Hindi ko talaga kasi alam kung pupunta ako. Kahit may sasakyan ako, mahal pa rin ang gas. Ilang kilometro rin ang layo ng amusement park sa lugar ko. Basta, magastos! 

Naglalakad na ako ngayon papunta sa malapit na convenience store. Pagdating ko roon ay naaubutan ko si Manang Carmen na nakilala ko na dahil madalas ako rito. Nakaupo siya sa may counter at nang makita niya ako ay binati niya ako ng maandag gabi. Ngumiti lang ako sa kaniya at lumakad na dahil bibili ako ng ice cream. 

Where did I go?Where stories live. Discover now