. . . ⇢ 97 ˎˊ˗

Start from the beginning
                                    

"f-f-fran.."

halos pigilan na ni jungwon ang kanyang hininga nang haplusin niya ang jar at naluluhang napatitig sa larawan ng dalaga. maging ang mga naroroon na pinapanood lang si jungwon ay hindi na rin maiwasang maluha.

ang pinaka masakit na pag-uwi ay 'yung wala ka nang babalikan pa. buong akala ni jungwon, sa pag-uwi niya, madami siyang masasayang maikwekwento kay francine at makikita niya ang proud na ngiti ni francine sa kanya.

pero wala, abo na siya ngayon.

wala nang makikinig sa bawat kwento niya, wala nang mang-aasar sa kanya, wala nang paulit-ulit mangungulit sa kanya, wala nang magbibigay ng corny at cheesy na pick-up lines sa kanya at mas lalong wala nang tatawag sa kanya ng 'pres' with matching wide smile pa.

at ngayon, pakiramdam ni jungwon lahat ng mga memories nila together ay muling nanumbalik sa kanyang isipan na mas lalo lang nagbigay ng sakit sa kanya kasi alam niyang hindi na 'yon madadagdagan pa dahil wala na ang dalaga.

hindi na nakayanan nila joy at kaagad lumapit kay jungwon nang makita na lang nila itong napaupo sa labis na panghihina. ang iba ay awang-awa na rin. parang bata si jungwon ngayon na walang tigil kakaiyak.

si mrs. so ay umiwas lang ng tingin, hindi niya kayang makitang nagkakaganito ang binata. dito pa lang mahahalata mo na kung gaano kamahal ni jungwon si francine kaso wala e, kailangan mangyari 'to.

para sa ikabubuti ni jungwon.

-♡️-

julie
@liekim

julie
si jungwon?

sunoo
kasama namin ni joy, nasa kwarto

julie
natutulog na ba siya?

sunoo
no, nakatulala lang siya sa kisame

sunoo
dinadaldal nga ni joy pero hindi nagsasalita si jungwon

sunoo
hindi naman siguro naging pipi si won no?

julie
kung namatay ba si danica makakapagsalita ka pa ba?

sunoo
HOY KINGINA WALANG GANYANAN!

julie
example lang yon

sunoo
ANG PANGET NG EXAMPLE MO!!!

julie
pero sa tingin mo makakapagsalita ka pa?

sunoo
oo pero hindi agad-agad

julie
ganun din si jungwon, sunoo

julie
masyado siyang na-shock sa nangyari

sunoo
opo

julie
lumabas ka na diyan, kami naman ni joy ang magbabantay kay jungwon

sunoo
ayoko nga

julie
ah so kaya mong paghintayin si danica don?

sunoo
ha?

sunoo
wait oo nga pala kdisksiskskl

the real tragedy. enhaWhere stories live. Discover now