. . . ⇢ 97 ˎˊ˗

Start from the beginning
                                    

pero wala sa sariling katinuan si heeseung, madilim ang aura niya ngayon at gusto niya na lang patayin ang lalaking gumawa kay julie lahat ng 'yon. ang lalaking dinumihan at pinahirapan ang babaeng pinakamamahal niya.

"damon."

"julie and i talked-"

hindi na natuloy ni damon ang salita niya nang kaagad siyang napaupo sa sahig sa lakas ng suntok na sumalubong sa kanya mula kay heeseung. at bago pa man si damon makaangat ng tingin ay panibagong suntok na naman ang tumama sa kanya hanggang sa magsunod-sunod 'yon.

"stop, please stop." akmang tatayo si julie para awatin sila pero pinigilan siya ni sunghoon. "what? gusto mo bang mapatay ni heeseung si damon!? let me go!"

hindi na napigilan ni sunghoon ang kapatid niya at kaagad pumagitna kila heeseung at julie. si heeseung na akmang muling susuntukin si damon ay napahinto nang makita si julie sa gitna nila, his eyes softens.

"julie."

agad niyakap ni julie si heeseung ng mahigpit upang pakalmahin ito. "heeseung, please stop. baka mapatay mo si damon at makulong ka. please, ayokong mawala ka ulit sa'kin.."

"but people like him must disappear from this world."

"i know and he apologized earlier but i didn't forgive him kasi gusto ko muna siyang makitang magsisi sa mga ginawa niya kaya sabi niya bukas din ay susuko na siya sa mga pulis. so let the law handle this, hm?"

tumango si heeseung. julie is right, batas na ang bahala kay damon. karma na rin ang babalik sa kanya sa lahat ng kanyang ginawa.

"really, huh?" napatingin sila kay sunghoon na nakatingin kay damon na puno ng pasa at sugat ang mukha. "sisiguraduhin naming mabubulok ka sa kulungan."

at kahit nahihirapan, unti-unting tumango si damon saka tumingin kay julie. "o-only for julie.."

-♡️-

"oh- sorry!"

mae bowed her head after bumping into someone. pero nag-angat din siya ng tingin nang wala siyang marinig mula dito. pagka-angat niya ay nagulat siya dahil ngayon niya lang ito nakita muli.

"jungwon?"

namumugto ang malalalim nitong mga mata nito, gulo-gulo ang buhok at makikita pa ang mga natuyong luha sa mukha nito. halatang kakaiyak lang at hindi na nag-abala pang mag-ayos para lang makarating dito agad.

"nasaan sila?"

pabulong ang pananalita nito, walang enerhiya, hinang-hina. itinuro lang ni mae ang pintuan papunta sa likuran kung nasaan ang lamay at ang kanilang mga kaibigan.

tumango lang si jungwon at naglakad papunta doon, bagsak ang balikat. nakasunod lang ang tingin ni mae sa binata, naaawa para dito saka napabuntong hininga at sumunod dito.

"mae buti nandito ka na, magdadasal na daw-" hindi na natuloy ni ni-ki ang sinasabi niya nang mapansin niya ang kasama ng dalaga.

maging ang mga naroroon ay napansin din ito. sila joy at sunoo ay kaagad tumakbo papunta kay jungwon, sumunod din si julie at binigyan ng mahigpit na yakap si jungwon.

"jungwon.."

"kambing!"

"gaga."

iyon na lang ang nasabi ng tatlo habang si jungwon ay hindi man lang gumagalaw. naka-fix lang tingin niya sa unahan kung nasaan ang nakapatong ang jar at sa tabi nito ay larawan ni francine.

napansin 'yon ni julie kaya agad niyang hinila sila joy at sunoo. nagtaka pa ang dalawa pero napansin din nila ang dahan-dahang paglalakad ni jungwon papunta kay francine.

the real tragedy. enhaWhere stories live. Discover now