Chapter 28

19K 163 4
                                    

Ash POV

Ininvite ko sila Ate Keith at Ate Kath dito sa bahay. Gusto ko din mag thank you sa pag aalaga nila sakin nung na hospital ako.

Sinabi ko din sakanila na kung hindi busy si Kirby ayain din nila para sumama.

Maghahanda lang ako ng konting dinner food for us. Nagluto lang ako ng pork steak, afritada and carbonara.

"Cous ano oras pupunta sila Ate Keith?" Si Tiffany na kababa lang galing room niya.

"Ate Kath told me 7pm daw. Siguro by 8pm nandito na sila." sagot ko

Tumingin naman ako ng orasan namin at 6pm palang pala.

May 2hrs pa pala bago sila dumating.
Tinakpan ko muna yung mga niluto ko at pumuntang sala at tumabi kay Tiffany.

Nanunuod na naman siya ng A Walk To Remember. Siguro mga 100 times na namin tong napapanood and hindi talaga siya nagsasawa panoorin 'to.

Mejo kasisimula palang niya at naka focus talaga siya sa pinanunuod niya.

Maya maya pa eh bigla siyang nagsalita.

"Cous. Wala ka pa bang ibang naalala ulit?" Seryosong tanong niya pero ung mata niya nasa pinanunuod niya padin.

"Hmm as of now since nung lumabas ako ng hospital wala talaga eh. Pero cous netong mg nakaraang araw may isang muka ng lalaki akong nakikita pero hindi masyadong klaro." Sabi ko sakanya

Sa totoo lang pagkalabas ko ng hospital lagi akong may napapanaginipan na lalaki. Parang familiar yung boses niya sakin. Kaso di ko makita yung muka niya kasi masyadong blurred.

Napatingin naman sakin bigla si Tiffany at pinause yung pinanunuod niya.

"Talaga? Ano yung physical appearance niya cous? I mean anong napag usapan nyo pag napapanaginipan mo siya?" Sunod sunod na tanong niya.

"Wala naman cous. Actually pag napapanaginipan ko siya magkasama lang daw kami. Parang sobrang close nga daw namin sa isa't isa. Nagtataka nga ako kasi hindi naman si Jake yung lalaki. And sobrang familiar ng boses daw niya sakin." Kita ko sa muka ni Tiffany yung pagka gulat at naguguluhan.

"Cous what if pala may lalaking matagal ng may gusto sayo pero di mo siya nabigyan ng chance dahil naka focus ka lang dati kay Jake na akala mo e mahal ka? Yung lalaking mag sasacrifice at handang gawin ang lahat for you para sa ikasasaya mo? Tapos bigla mo na siyang maalala ngayon. Anong gagawin mo? Bibigyan mo ba siya ng chance?" Tanong ulit niya.

"Hindi ko alam Tiff. Kasi una sa lahat pakiramdam ko hindi pa kumpleto buong pagkatao ko. Gusto ko muna sa ngayon na maalala ko na lahat ng nawalang alaala ko. May mga gabing umiiyak ako kasi iniisip ko na kelan ba ibabalik sakin yung mga ibang alaala ko na nawala? Kasi baka yun yung way ko para gumaan yung bigat at lungkot na nararamdaman ko. Para mahanap ko yung kapatawaran sa puso ko at hinahangad kong kapayapaan." Seryosong sagot ko sakanya.

This time naluluha ako. Tumutulo yung luha ko ng tuloy tuloy.

Ang bigat sa pakiramdam kasi. Ilang taon na ang lumipas pero pakiramdam ko may kulang pa rin. Hindi ako buo.

Niyakap naman ako bigla ni Tiffany.

"Cous mag pray lang tayo. Naniniwala akong malapit na bumalik yung alaala mo. Wag kang mag alala nandito lang ako. I always got your back." Pag cocomfort niya sakin.

Sobrang thankful ako kasi nagkaroon ako ng pinsan na kagaya ni Tiffany.

Simula ng maaksidente ako hanggang ngayon she never leave me. Halos siya na ang tumayong ate ko na kahit mas matanda ako sakanya ng 2 years.

"Sana nga Tiff. Sana talaga. Gusto ko ng mabuo yung sarili ko." Tanging nasagot ko nalang sakanya.




To be continued...

Sex Tutorial (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon