Chapter 24

24.4K 218 11
                                    

Tiffany POV

Halos di ako mapakali sa nangyari kay Claire.

Hindi ko alam gagawin ko.

Naiiyak ako. Natataranta nung nakita ko siyang bumagsak nalang bigla sa sahig.

Dinala din namin siya kagabi dito sa hospital para makasigurado kami sa kalagayan niya.

Nagbabantay ako sakanya kasama ko si Kirby na nasa tabi niya at nakatitig habang nakahawak sa kamay ni cous.

Bakas sa mata ni Kirbs ang pag aalala niya sa pinsan ko.

*KNOCK.KNOCK.KNOCK*

Biglang pumasok yung Doctor ni Claire.

Tumayo naman agad ako para kausapin siya.

"Hi Doc kamusta na yung pinsan ko? Bakit hanggang ngayon hindi pa din siya nagigising?"

"According sa mga test namin sakanya okay naman siya. Kaya siguro hindi pa siya nagigising ngayon dahil sobrang dami niyang iniisip. Na i-stress siya ngayon. Pero Ms.Sanchez ang importante ngayon anytime pwede ng bumalik yung mga nawalang alaala niya sakanya." sabi ni Doc.

Natuwa naman ako sa nalaman ko. Na kahit papano nawala yung pag-aalala ko kay Claire.

"Mabuti naman Doc at walang ibang nakitang findings sa pinsan ko. Natutuwa din ako malaman na babalik na ulit ung mga nawala niyang alaala." umiiyak ako umiiyak ako sa tuwa.

Isa ako sa magiging masaya pag bumalik yung alaala ng pinsan ko. Lalong lalo na kapag naalala na niya ulit ang barkada lalong lalo na si Kirbs. T____T

"Don't worry magigising din si Ms.Frei. She need to rest lang sa stress na meron siya. I need to go Ms.Sanchez may patient pa ko sa kabilang room. If you need something or pag nagising na si Ms.Frei you can call me anytime." tumango lang ako at umalis na siya ng room.

Katahimikan ang bumalot sa loob ng kwarto pagkalabas ni Doc.

Nilapitan ko naman si Kirbs.

"Kirbs. Uwi ka na muna. Kelangan mo din ng pahinga baka mamaya ikaw naman ang magkasakit dyan. Ako na ang bahala kay cous." Hindi niya ko pinansin. Nakatulala lang siya kay cous na parang wala siyang naririnig at bakas padin sa mata nya ang pag aalala.

Tinapik ko siya para mapansin niya ko at nagulat pa siya.

"Ha? May sinasabi ka ba Shane?" tanong niya na halatang di niya narinig ung sinabi ko kanina.

"Sabi ko kako umuwi ka na muna at baka ikaw pa ang magkasakit. Gusto mo ba pag gising ni cous ikaw naman yung makita niyang may sakit?" sabi ko sakanya.

"I'm good Shane. Okay lang ako. Gusto ko nasa tabi niya lang ako pag gising niya." pamimilit niya.

Hindi ko naman siya masisisi eh.

Bago mangyari yung incident kay Claire andyan na si Kirbs na patagong nagmamahal sakanya.

"Pero Kirbs simula kagabe ka pa walang kain at walang maayos na tulog." simula kagabe na dinala namin si Claire hindi na siya umalis sa tabi neto. May time na nakikita ko siyang nakakaidlip na pero maya maya magigising na ulit siya at nakatitig kay cous.

"Okay nga lang ako Shane. Ikaw umuwi ka na muna. Magpahinga ka muna at maligo para makapag bihis ka muna." tigas din ng ulo ng isang 'to eh. -___-

"Fine. Pero bago ako umalis bibili muna ko ng pagkain mo dito tatawagin ko din sila Ate Kath and Ate Keith para may kasama ka dito." tumango lang siya at bumalik ang tingin kay Claire.

Nag ayos muna ko ng bag ko at tinawagan ang kambal niyang kapatid.

*Ringing...*
Ate Keith♥️

Ang tagal naman sumagot ni Ate Keith. -_-
Apat na ring pa bago niya sinagot ang tawag ko.

[Hello?] Halatang nagising siya sa tawag ko.

"Hi Ate good morning! Pwede bang pumunta kayo dito sa hospital? Uuwi muna kasi ako para makapag bihis muna din ako. Kapatid niyo kasi eh ayaw umuwi gusto niya lang daw nasa tabi ni Claire hanggang magising si cous." Di nako nagpaligoy-ligoy sakanya.

[Okay no problem Tiff. Gising ko lang din si kambal. Mag prepare lang kami then we will go there na. Ingat ka sa pag uwi.] sagot ni Ate Keith at nag end call na usapan namin.

"Kirbs alis na ko ha? Don't worry magpapadeliver ako ng food mo dito para makakain ka naman." bilin ko sakanya

"Sige Shane ingat ka sa pag uwi." walang energy nyang sagot.

Tumingin muna ko kay cous bago umalis.

Cous sana pagbalik ko gising kana madami na kaming nag woworry sayo...


To be continued...

Sex Tutorial (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon