Ganda ko no ?

97 3 0
                                    

Beatrice's POV

Lumipas ang ilang buwan nang walang masyadong mahalagang nangyayari. Well ano pa ba ang bago?. Aasarin nya ako tapos magagalit ako tapos kakantyawan kami ng mga ugok nyang kaibigan. Haayy buhay.

Pero sa totoo lang nasasanay na ako eh. Yung tipong pag wala yung presensya nyang mapang-asar naprapraning ako. Ughhh. Naaalala ko na naman yung nangyari kahapon >_<

Flashback

Thanks God it's friday! Finally medyo makakarelax na rin ata ako.

" Pinapasabi ni Kai (Kaizer) na may practice tayo bukas sa soccer . Be there at exactly 7AM " sabi ni Ethan na sabay kindat pa.

Spell flirt? Walang iba kundi E T H A N tss.

Time check. It's already 9AM . Holy crap! Late na ako! Lagot na naman ako kay Ms. Sungit ngayon! Aish pahamak talaga >_<

Takbo.takbo.takbo

Nakikita ko na ang pinto ng liwanag ^o^

*SCRETCHHHH* tunog ng pinto yan. Wag umangal.

" Miss Reyes! You're really getting into my nerves! How many times do I have to tell all of you na ayokong may nalalate sa klase ko!? " ayan na. Sabagay menopause na kasi tsktsk.

" Sorry Maam " with paawa effect *o*

"Sitdown! " Hay salamat!

Mauupo na sana ako ng mapansin kong bakante ang upuan sa tabi ko. In short, upuan ni Kaizer. Teka asan na yun?! Naku pag yun na late eh hindi pinapagalitan tas pag ako porket babae gaganunin lang? Psh.

30 minutes na ang nakalipas pero wala pa ring unggoy na dumadating.

Ano ba Beatrice. Focus okay? Bat mo naman iisipin yung unggoy na yun? Sge ka pag ikaw napagalitan ni Ms. Sungit lagot ka. - bulong ko sa sarili ko.

Ano ba kasing nangyari sa kanya? Hindi ako concern okay? Gusto ko lang malaman. Kahit ganun yun grade concious din yun. Impossibleng lumiban sya ng walang dahilan.

" HOOOYYY! "

" AAAYY KAIZER REYES !! " kailangan manggulat?! Saklap ng buhay sa lahat ba nmn ng mabibigkas ko eh. Full name nya pa kainis !

Nakita ko si Ethan na ang laki ng ngisi. Teka napanu to? Nauntog ba to?

" O-ooyy . Bakit?! " patay malisya ko.

" Fuentabella " he said while smiling.

Ano raw?

" Aanhin ko yang Fuentabella na yan? " pagtataka ko.

" Middle name ni Kaizer. Para sa susunod na pagnasaan mo sya at magulat ka uli. Alam mo na talaga full name nya. " mapang-asar nyang sabi.

End of flashback

Alam mo yung word na NAKAKAHIYA? Yun un ehhh >_< Baka isipin ng mokong na yun na sya ang laging iniisip ko Eh totoo nmn diba? Aish tahimik konsensya! Hindi ko hinihingi opinyon mo okay? Sungit tss.

Time Check 6:50 AM na pala. Kaya naglakad na ako papuntang field. May practice kami ngayon diba? At dahil may practice naka short lang ako ngayon, jersey short and jersey blouse yung fit at rubber shoes. Naka ponytail ang mahaba at kulot sa dulo ko na buhok.

Pagdating ko sa field ay nakita ko na sila. Yung ibang members tapos ang apat na hunk daw tss.

" Ganda naten ngayon Beatrice ah " pambobola ni Mico.

" Nahawa kana ba kay Ethan, Mico? " I said while laughing.

" Hoy Kai. Uso naman itikom ang bigbig no? Try mo. Laway mo eh tumutulo " saway ni Ethan.

At tumpak! Naka-nganga nga sya. Kaya nilapitan ko sya at bumulong.

" Ganda ko no? " At sya? Ganito lang ang mukha nya O____O

The Four Hunks and MeWhere stories live. Discover now