"Alpha told you na off limits dito?"

"Hindi po," umiling siya. Wala naman ito sinabi sa kanya. She was kind of given an all access pass in the place lalo na at madalas naman siyang mag-isa. "Eh, kwarto na po niya yan eh. Kanya lang po yan kaya di talaga ako pumupunta."

"Oh." Tumango-tango ito at naglakad papalapit uli sa kanya. "Delta also said na Alpha listens to you."

Mukhang nagkwento na si Delta ng tungkol sa kanya sa nanay nito. Marci can only imagine kung ano ba ang makukwento nito gayong isang araw lang naman silang nagkasama talaga and she was just mostly cooking and listening to Delta's stories.

"Sa akin po?" Napaisip siya kung ano ang ibig sabihin nito tapos naisip niya na baka dahil dun sa pagliligpit nito nung time na andito si Delta. "Hindi ko naman po siya inuutusan talaga. Siya lang yung nag-volunteer. Promise po."

"And also, sabi ni Arthur, nagkaroon ka daw ng problema nung dumating ka dito sa Manila." Sabi nito. Imbes na tumuloy sa kwarto ng anak ay bumalik na lang ito sa sala. May matinding background check na bang naganap sa kanya? Things like these happen on TV shows as well.

Nakasunod lang talaga siya sa ginang like her life depended on it. Ayaw niyang may masabi ito sa kanya lalo na at alam nito na nakikitira siya sa bahay ng anak nito. She had all the rights to be questioning and suspicious about her.

"Opo, may nakapasok po sa tinitirhan ko. Tinulungan po ako ni Alpha at Arthur. Kaya din po ako nakikitira dito. Si Alpha lang po talaga kasi ang kakilala ko dito noon." Marci explained. Hindi na muna niya binanggit ang unang pagkakakilala niya sa lalaki. That topic would need a lot of time to explain. "Pero naghahanap na po ako ng trabaho para makalipat na po ako. Natagalan po kasi yung mga requirements ko kaya medyo na-delay ang pag-aapply."

"Where are you originally from?" Umupo ito sa mahabang couch, mukhang napagod na din sa paglilibot. "Umupo ka nga hija, mangangalay ang leeg ko if I need to talk to you while you're standing up."

"Sorry po," and she immediately sat down. "Taga- Masbate po ako. Hinahanap ko po kasi yung kakambal ko dito sa Maynila kaya ako andito."

"Taga-Camarines Sur ako." Tumango-tango ito, as if satisfied sa sinasabi sa kanya.

Sitting down, mas nakita ni Marci ang ginang ng maayos. Although she feels kind of strict ay maamo ang mukha nito. May pagkakahawig din ito kay Alpha pero mukhang sa ama nito mas nagmana ang binata since mas matapang ang features ni Alpha kaysa sa ina.

As they talked, mas gumaan ang pakiramdam ni Marci. Madaming tanong at kwento ang ginang and she genuinely enjoyed talking to her. Hindi na nga niya namalayan na pasado alas kwatro y media na pala dahil napasarap na ang pakikipag-kwentuhan niya dito. It was like they found a common ground by coming from the same region.

"Magagalit po ba kayo kapag sinabi ko na ipagluluto ko muna po si Alpha?" Tanong niya sa ginang.

"Ipagluto?" Nagtatakang tanong nito.

"Opo sana." Nag-aalangan siyang sabihin iyon baka di nito gustong nauunahan but she had to say it. "Hindi naman po ganun katagal yung lulutuin ko."

At least bago siya umalis ay may huling pa-thank you siya kay Alpha. Ang laki ng naging tulong nito sa kanya. Feeling din naman niya ay kaya pa niyang mag-survive sa perang meron siya. Hindi naman kasi siya hinayaan ni Alpha na gumastos talaga since he kept on insisting that she was his guest.

"Anong lulutuin mo?"

"Sinigang po na hipon at Humba." It was an odd combinatin pero kasi hit or miss nga magluto para kay Alpha kaya she tries a variety of dishes na magkalayo ang lasa.

San Vicente 3: Illustrious Where stories live. Discover now