"Ang guwapo-guwapo mo, Zeirode. Manang-mana sa ninong!" Sabay halakhak ni Sathel.

Nandito kami ngayon sa sala at karga-karga ni Sathel ang anak ko. Natawa naman kami ni Clara dahil paulit-ulit na lang namin na naririnig ang ganiyang mga sinasabi niya.

"Kamukha mo si Mommy. Buti hindi mo naging kamukha 'yong tatay mong mang-iiwan, 'no?" aniya.

Napailing na lang ako sa sinabi niya. Kung alam mo lang ang tunay na nangyari, Sathel. Ako ang lumayo sa kanila para sa katahimikan ng buhay namin ng mga anak ko.

I don't need them in my life. Magiging komplikado lang ang lahat kung mananatili akong malapit sa kanila lalo pa't may mga anak na ako.

I sighed. Hindi kami tumitigil at sumusuko sa paghahanap kay Zreandra. Kahit ang mga bahay-ampunan na posibleng mapapad ang anak ko ay inisa-isa na namin pero bigo pa rin kaming mahanap si Zreandra.

Hindi ako susuko hangga't hindi ko nakikita ang anak ko. Alam kong itinago lang anak ko at may posibilidad na nasa ibang katauhan na ito.

"MOMMY! Are we going to work again?" Napangiti ako nang yumakap sa baywang ko si Zeirode.

Kahit limang taon pa lang ang anak ko ay hindi maikakaila na matangkad siya. Kanino niya pa ba mamamana 'yon?

"Yes, baby! I'm glad that you're awake now," malambing na sabi ko at pinisil ang makabila niyang pisngi.

"Aray! Stop kurot my psingi po! I'm not a baby anymore!" He pouted.

He's so cute! Kahit nandito kami sa Spain ay pinagtuunan ko ng pansin ang pananalita niya ng Filipino.

"You're still my baby kahit lumaki ka na, okay?" I smiled as I caressed his cheeks. "Kayo ni Zreandra, baby ko kayo kahit mas malaki na kayo sa 'kin."

Zeirode's mood suddenly changed by the mention of his twin. Kahit sa murang edad niya ay naintindihan niya agad ang nangyari tungol sa kaniyang kambal. Hindi naman ako natutuwa na naintindihan niya dahil alam kong nasasaktan siya. Nawalan siya ng kapatid.

"We can still find her, right?" malungkot na tanong niya.

I kissed his forehead. "Of course, baby. We will look for your sister."

"Want ko na pong lumaki para ako na ang maglo-look sa kaniya." Nakanguso pa rin siya.

I smiled. "We can still look for her kahit hindi ka pa malaki, okay?" He nodded. "Just stay beside me, Rode."

He hugged me. "Of course, Mommy! I won't leave you. I won't let the bad guys take me away from you po."

I smiled as I tightened my hug on him. Hindi man sabihin sa akin ni Zeirode, alam kong gustong-gusto na niyang makita ang kaniyang kapatid, and it hurts me knowing that we couldn't still find my daughter.

Bumalik na rin ako sa pagma-manage ng The Neri Spain nang magtatlong taon si Zeirode. Lagi ko rin siyang isinasama sa opisina dahil binigyan ko na rin ng trabaho si Clara sa hotel maliban sa pag-aalaga sa anak ko na agad naman niyang tinangggap.

"Tito Guwapo!" Napailing na lang ako nang marinig ang pagtawag ng anak ko kay Sathel.

"Inaanak kong guwapo!" bati naman pabalik ni Sathel at nilapitan kami sa lobby.

Puro talaga kalokohan ang itinuturo nitong si Sathel sa anak ko. Pati ba naman ang pagtawag sa kaniya ay naging 'Tito Guwapo' na?

Kumawala naman sa pagkakahawak ko si Zeirode at mabilis na sinalubong ang paglapit ni Sathel. Nang maglapit ang dalawa ay agad naman na binuhat ni Sathel ang anak ko. Napangiwi pa nga siya kaya napangiwi rin ako. Alam ko kasing mabigat na si Zeirode kaya hindi ko na rin siya nabubuhat.

The Billionaire's Unexpected Twins [Editing]Where stories live. Discover now