O22

270 24 8
                                    




⊱ ─── { YUI } ─── ⊰





Ang tanging nararamdaman ko ngayon ay sakit.



Sakit mula sa aking sugatan na puso. 



Kung kailan ay gumagaling na. . . bigla nanaman susugatan ang aking pinaka-kawawang puso, ang mundo ko ay biglang huminto at namulat sa katotohanan. 



Akala ko'y siya na ang taong magpapasaya sa'kin, Ang taong magtatagal sa'kin habang buhay hanggang sa kamatayan subalit mukhang malabo na.



Ang tiwala at pag-mamahal ko sa kanya ng buong puso't ay nawarak na ng pinong-pino gaya ng dati nung ako'y may nararamdaman pa kay Sunoo.



kung ito'y isang panaginip lamang pakiusap lang at gisingin nyo na agad ako, hindi nakakabuti ito sa aking puso. Gisingin nyo'ko sa bangungot na ito, gusto kong imulat ang aking mga mata ngunit ayaw.



takot na akong umibig ulit.



Tuwing ako'y umiibig, palagi akong nasasawi.



Ako naman mahihirapan, hindi sila.



pinag-lalaro lang nila ang aking damdamin.



pero masaba bang umibig?



Hindi na ba ako sapat?



Ano ba ang mga pagkukulang ko kung bakit wala nagtatagal sa akin?



pangit ba ako?



kapalit-palit ba ako?



Kill joy ba ako?



or wala talaga akong pag-asang magmahal sa taong hindi na pwede para sa'kin.




Marahil may iniibig na si Jungwon sa ibang babae sa kalagitnaan ng aming relasyon, siguro baka hindi siya nakuntento sa'kin dahil ang dami kong pagkukulang para sa kanya. 



"Sigurado ka ba na ikaw ang ama ng bata na 'yon? " kalmado kong tanong sa kanya, hanggang ngayon ay pinipigilan ko pa din ang aking sarili na wag munang umiyak sa harapan niya. 

𝐋𝐈𝐓𝐎 ⌒ sunoo ✓Where stories live. Discover now