21 - Field TRIP

155 12 1
                                    

TAEHYUNG KIM POV.

Alas dos ako nagising, sabagay maaga naman akong natulog. Agad akong nag-luto ng umagahan at nagpa-init ng tubig dahil malamig ang tubig kapag madaling araw.

Naalala ko nanaman ang nangyari kahapon, ayoko na sanang alalahanin pa pero, rent free talaga sya sa utak ko. Ang paghalik at pagbuhat sa akin ni Jungkook. Aaminin ko nakaramdam ako doon ng kilig.

Habang nag-sasaing at nag-papa init ng tubig, nilagay ko na sa travel bag, pero yung travel bag ko naman na bagpack. Bumili ako ng iba't ibang snack pati nadin ang mga chichiryang nakalagay sa lata.

Nag-almusal na ako at hinugasan muna ang mga hugasin. Pagkatapos ako nilagay ko na sa dram ang mainit na tubig para maligamgam.

Pinalantsa ko ang aking PE uniform, need din ng id para makapasok sa bus. Kinuha ko nadin ang dalawang tubler na nilagay ko sa ref.

Binalot ko ng towel ang pagkain ko mamayang lunch.

Habang nagtatali ako ng sapatos agad naman tumunoga ng cellphone kong naka charge, nagdala din pala ako ng power bank baka kasi malowbat yung phone ko doon.

Jisoo:
Ngayon lang ako nagising!! Hayop nayan, anong oras ba ang meet up sa school?

Kakasend lang ng teacher namin ng announcement sa group ng section namin, hindi nanaman nag basa ang bruha. Sinabi ng 5:20 dapat nandoon na sa school.

Me:
Sipag mo talagang magbasa ng announcement sa gc natin hano? 5:20 am dapat naandoon na daw. Kaya wag makupad kumilos ha?

Pinagpatuloy ko ang aking mga ginagawa, pinuno ko muna ang batsa ang dram sa banyo ko. Hindi muna ako gumagamit ng shower dahil malamig nga ang tubig. Pinatay ko na ang aircon at ref.

Kinuha ko nadin ang cellphone ko at susi ng bahay bago lumabas ng bahay. Nag-tricycle nalamang ako dahil wala pang jeep na bumabyahe alas tres ng madaling araw.

"Salamat ho," Ani ko kay manong driver at pumasok na sa gate ng school.

Mabibilang mo pa lamang ang mga estudyanteng kasama sa field trip. Ang sabi kasi sa akin ni Max umabot sa limang daan ang sumama sa field trip bukod sa hindi kana mag eexam plus points pa each subject.

Nakita ko si Max na may hawak nanamang papel. Nais ko ding humingi ng sorry sa kanya sa nangyare mabuti nalamang at yung mga taong nandoon kahapon ay hindi kasama sa fieldtrip.

"Good morning Max, pasensya kana sa nangyare kahapon ha? Ganyon lang talaga ang ugali ni Jungkook." Hingi ko ng tawad sa kanya.

Alam ko namang mabilis sya magpatawad dahil mabait si Max, sobra.

"Okay lang yun Taehyung, strikto talaga ata ang boypren mo," Ani nito at ngumiti sa amin.

Boyfriend? Ni minsan hindi ko naman alam na naging kami ni Jungkook. Baka nagkakamali lamang ng pagtingin ito si Max.

"Dami mong dala ah" Ani ni Max at tumawa.

Oo nga marami akong dala puro pagkain ito, share kami ni Jisoo basta ano kapag meron ako dapat meron din sya, ganun daw kasi yung friend.

"Food ito lahat," Saad ko at pumunta sa gilid ng covert cort para umupo. Ibinaba ko muna ang aking bag dahil nakaka-ngawit sa balikat.

Me:
Nandito na ako sa school Jisoo, ano ng ginagawa mo?

I text Jisoo, para naman hindi na sya pumunta sa bahay ko. Minsan kasi napunta sya sa bahay ko para sabay kaming pumunta sa school, nag-aarkila sya ng taxi.

Kidnapped By The BillionaireWhere stories live. Discover now