06 - His office

314 18 6
                                    

KIM TAEHYUNG POV.

Nagising nalang ako ng wala na ang gapos sa mga kamay at paa ko, agad akong huminga ng malalim. Sa wakas magagalaw ko na din ang ngawit kong kamay. Ang sabi nga kahapon safe daw sa kamay ni Jimin ang phone ko kaya hindi ko alam ngayon ang oras.

Bigla naman akong nakaramdam ng gutom, kumulo ng malakas ang tyan ko. Naalala ko nga pala hindi ako kumain kahapon ng gabi! Kailangan kong kumain kahit kaunti.

Agad akong pumunta sa pintuan ng paika ika dahil sa ngawit at hapdi ng nga paa ko, siguro tinaggal ito ni Jimin or Jungkook? Tama ba? Binuksan ko ito at agad naman nag-liwanag ang mga mata ko ng mapagtantu kong hindi ito nakakandado!

Napangiti naman ako at lumabas sa loob ng kwarto.

Namangha ako ng bigla dahil ang lawak ng bahay! Ang ganda dahil nasisinagan nga araw at marami ding bintana! Dream house ko ang ganitong bahay ang ganda nakakarelax sa mata!

Agad akong bumaba ng makakita ako ng hagdanan, sana naman walang tao dito o kahit anong hindi makakapag sabi kay Jimin si Jungkook na lumabas ako ng kwarto.

"Where are you going?"

Rinig kong saad ng makababa ako sa hagdanan, mula iyon sa taas at alam ko na kung kaninong boses iyon. Si Jungkook. Nanigas ang buong katawan ko ng bumaba ito sa hagdanan at niyakap ako pamula likod, agad naman nito ipinatong ang baba sa balikat ko.

"A-ano? A-ah k-k-kukuha a-ko ng pagkain oo ayun" Mahinang saad ko na alam kong maririnig din nya.

Ang bago ng pabango nya, amoy panglalaki talaga! Gentle man perfume ata ang gamit nito pangattract sa mga babae at katulad ko. Huh? Ako? Attracted? Hindi no wrong word's ang nabasa mo! Taehyung toh!! Hindi napatol sa ano sa basta!

"Come on let's eat, i know you didn't eat yesterday night" Malamang iniwan moko mag-isa doon sa kwartong malaki! 

Nauna syang mag-lakad at ako naman ay sinundan lang sya, wala rin akong alam kung saan ang pasikot sikot dito sa bahay nya? "Bahay mo ba ito?"

"Yeah," Tanging saad nya at lumapit doon sa isang katulong, agad naman tumango ang katulong.

Nagulat ako ng pinag-hila nya ako ng upuan at tsaka nya ako pinaupo. Napaisip lang ako, ang gentleman naman ng kidnaper na ito. Maginoo. Nagpasalamat nalamag ako sa kanya. Ang daming upuan dito at ang haba ng lamesa ngunit kaming dalawa lamang ang kakain.

"May kasabay kabang kumain? Tingnan mo oh ang haba ng table at ang dami ng upuan" Saad ko sa kanya. Agad naman syang napatingin sa akin. Shes!

"Nah I'm the only who eat here kapag ako lang mag-isa if my friend visit me then we're seven" So anim ang kaibigan nya? Tama ba? Pero paano kaya kung hindi dumating ang mga kaibigan nya? Isa lang sya?

Gusto ko pa sanang mag-tanong ng kung ano ano tungkol sa kanya at sa bahay nya kaso wag nalang baka pag sabihan nya pa akong 'why are you so curious' ganun. 

Naghanda na ng mga pag-kain yung katulong bale tatlo silang naghahakot ng mga pag-kain sa lamesa. Caldereta, fried chicken na lasang saging? Tapos ang dami pang iba. Pangmayayaman lang ang mga pagkaing ito, kaya nya bang maubos ang lahat ng ito kapag mag-isa lang sya?

Kidnapped By The BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon