Chapter Thirty-One

663 36 15
                                    

Prosecutor

"Bright?" punong puno ng gulat ang tono sa boses ni Win. Wala sa sarili niyang nailapag ang folder na hawak niya.

Dahan dahan na sinara ni Bright ang pinto pagkatapos ay pormal na humarap kay Win. Ngunit sa looban niya ay sobrang bilis ng tibok ng puso niya sa kaba.

"Good evening, Atty. Hernandez." pormal na pahayag ni Bright.

Pinaupo ni Win si Bright sa sofa ng opisina ni Win. Mataman na nilibot ni Bright ang paningin niya sa kabuuan ng opisina ni Win habang si Win naman ay hindi magkanda-ugaga sa pagtimpla ng kape ni Win sakanyang pantry. Habang hinahalo niya ang kape ay siya namang pagtunog ng kanyang phone.

From: Nani

You should thank me.

Hindi pa naintindihan ni Win ang tinutukoy ni Nani sa text. Atsaka niya lang ito naintindihan ng may sumunod pang text.

From: Nani

Tama na ang ilang taong pagiging duwag, Win. Siya na ang lumapit sayo ngayon.. Don't waste your chance..

Napabuntong hininga si Win ng mabasa ang text ni Nani. Inayos niya muna ang sarili atsaka nilagay sa tray ang kape na hinanda niya para kay Bright.

Naabutan naman niya si Bright na matamang nililibot ng mata ang kabuuan ng opisina. Nilapag ni Win ang kape sa harap ni Bright.

Hindi na nilagay pa ni Win ang tray sa pantry. Hinayaan niya nalang ito sakanyang tabi at naupo siya sa harapan ni Bright. Walang makikitang emosyon kay Bright, taliwas naman sa maliliit na ngiti ni Win. Hindi siya makapaniwala na nasa harapan niya ngayon si Bright. Ngunit hindi niya alam na mapapawi rin ang saya niyang iyon..

"I don't want to beat around the bush, Atty. Hernandez." panimula ni Bright

"Don't be so formal. Win nalang.." Win smilingly said.

"But I am here as your client, Atty. Hernandez." seryosong sagoy ni Bright. Nawala ang ngiti ni Win.

"It was so hard to book an appointment and so I tried my luck today.. I know I sound and act so desperate but I really need your help."

Umayos ng upo si Win. "I will do my best to help."

"It's.. my boyfriend's father." ani Bright. Win blankly stared at Bright. Ilang minutong prinoseso ng utak niya ang sinabi ni Bright, hanggang sa tuluyan siyang napabalik sa realidad.

"Ohh.." si Win. And so Bright explained everything to Win. Dinala rin ni Bright ang mga papeles na kakailanganin para sa unang hearing ng Papa ni Joss.

In the middle of their conversation, while Win was scanning through the papers.. Hindi na nito napigilang magsalita.

"So it's you.." mapait na ngumiti si Win.

Napatingin sakanya si Bright. "Huh?"

"Kailan pa naging kayo?" hindi inaalis ni Win ang paningin sa mga papel pero parang wala naman siyang naiintindihan sa mga nakasulat rito.

Hindi sigurado si Bright kung dapat niya ba iyong sagutin. But at the end he still answered, "2 years ago."

Bright wasn't sure kung saan patungo ang pag-uusap kaya agad na siyang tumayo. Nilapag niya ang calling card at humarap kay Win.

"My executive assistant will contact about your meeting with Joss' father. I'm really grateful and thankful that you accepted this case." tumingala si Win at tinignan si Bright.

"Good night." ani Bright atsaka tumalikod.

"Do you love him?" napahinto si Bright sa paglalakad ng bigla siyang tanungin ni Win. Nagpasya siyang huwag na humarap at sagutin ang tanong nito.

Maybe This Time Where stories live. Discover now