Chapter Six

637 39 20
                                    

Number

"Hello, there." Win smiled. Ngayon lang nasipat ni Bright ang suot nitong black pants at black long sleeves sa loob ng brown coat nito. Syempre hindi mawawala ang kwintas nitong suot suot.

"Win! Omy, I can't believe it's really you!" napatingin si Bright at Win sa babaeng biglang lumapit kay Win. Napairap si Bright. Kung kailan naman siya na ang kausap ni Win atsaka naman may naki-singit.

"Order sir?" the bartender asked Bright. Parang bigla ay nabura siya sa eksena dahil busy na si Win kausapin ang babae.

"Yung hindi masyadong matapang." sagot ni Bright. Tumango ang bartender.

Ilang minuto na ang lumipas ay hindi parin natatapos si Win na makipag-usap sa babae. Naka-dalawang baso na rin si Bright ng alak na tinimpla ng bartender para sakanya.

"Hellooooo! Pwedeng ako naman?" sabat ni Bright na ikinagulat ni Win at ng babae.

"Ako kasi yung kausap niya kanina diba, tapos walang hiya kang sumingit?!" inis na sabi ni Bright. Hindi nakakatulong na medyo tinatamaan na siya ng alak.

The girl scoffed, "Excuse me?!"

"Oh edi dumaan ka!" ani Bright at nilahad ang daan. Impit na napatawa si Win.

"Shane, uhmm. Actually he's right. We were about to talk when you talked to me." si Win, natatawa parin habang nakatingin kay Bright na nakakunot ang noo.

"Tsss. You can just say it nicely! Anyways, it was nice talking to you, Win." paalam ng babae pagkatapos ay bumeso kay Win at inirapan si Bright.

"It was nice talking to you, Win.. Nye nye nye.. Arte." Bright mocked. Muling natawa si Win.

"Anong nakakatawa?" Si Bright ng makitang tumatawa ang katabi.

"You're drunk already?" hindi makapaniwalang sabi ni Win.

"Of course not." pagsisinungaling ni Bright kahit ang totoo ay medyo tipsy na siya. Paano ba naman, kanina pa sila nag-uusap nung babae!

"I'm Win Hernandez, by the way." Win offered his hand in which Bright accepted.

"Bright Andres." atsaka naghiwalay ang kamay nila.

"Ngayon lang kita nakita dito ah, first time mo?" Win asked. Tumango si Bright.

"Yeah. Ikaw naman mukhang suki na dito." ani Bright. Malamang every Mondays ba naman nandito siya.

"Hmmm, you can say that. Mainly because Mondays are my only available days to oversee."

"Oversee?" takang tanong ni Bright.

"Oh, I'm a shareholder of this bar." parang nawala ang amats ni Bright sa narinig. Kaya naman pala parating nandito at kilala siya ng halos lahat ng tao.

Hindi man lang nabanggit sakanya ni Love ang tungkol rito.

"Ohhh, how come? Studyante ka palang right?" si Bright. Nangunot ang noo ni Win.

"How.. did you know?" atsaka lang napagtanto ni Bright ang nasabi.

"Uhmm.. Of course. Sino ba namang hindi makaka-kilala sayo, Win Hernandez." ngiting sabi ni Bright.

Ako. Hindi kita kilala, kung hindi mo lang sinaktan at pinaiyak ng malala ang bestfriend ko, hindi kita makikilala. Bright thought to himself.

"Hindi ko na pala kailangan magpakilala pa sayo kung ganon. You already knew so much about me." Win smirked.

"Hmmm, not very much. But.. I'm willing to know more about you." Bright said. Trying his best to flirt with Win. Hindi niya alam kung gumagana ba.

Maybe This Time Where stories live. Discover now