13 - Proxy

5.7K 326 85
                                    

"Grabe na teh! Ang gwapo talaga ni Jungkook!"

"Wag ka ngang mang-agaw diyan. Asawa ko yun at nagmamahalan kami!"

"Akin siya! Dun ka na sa totoong bias mong si Jimin. Hayaan mo na kaming maging masaya ni Jungkook."

Mahina akong napatawa mula sa cubicle na kinaroroonan ko dahil sa mga narinig. Kaya minsan ang saya ring tumambay sa comfort room lalo pag stressed na ako sa mga ginagawa ko.

May mga times na dito ko naiisipang magpalipas ng oras kapag ayoko pang bumalik sa trabaho.

And for some reason, lagi kong naaabutan ang chikahan ng dalawang BTS fans na 'to. Sa pagkakaalam ko taga-Graphics department sila. Pati tuloy ako updated na sa mga ganap ng BTS.

Makalipas ang ilang segundo ay unti-unting humina ang ingay kasabay ng pagsara ng pinto hudyat na nakaalis na yung dalawa.

Akmang lalabas na ako ng cubicle nang bigla ko namang marinig ang boses ni Ms. Sonia na kakapasok lang sa CR.

"Tell me.. is the board still giving you a hard time?"

Pipihitin ko na sana pabukas ang pinto ng cubicle upang batiin siya. Ngunit, natigilan ulit ako nang ma-realize kung sino yung kasama niya.

"What do you expect? They're just doing that 'cause they keep sucking up to my father."

Parang ang awkward naman kung bigla nalang akong lalabas habang nag-uusap sila. Tsaka hindi ko rin feel batiin yung kasama ni Ms. Sonia.

Wala akong ibang nagawa kundi mag-eavesdrop nalang sa conversation nila. Wish ko lang na sana huwag akong mahuli.

"I know that, Reiko. So what's your plan? Tatanggapin mo ba yung offer ni Chris? But I have to say, the guy is kind of a douchebag. It's so obvious that he's trying to get into your pants!"

Sino naman kaya yung Chris na yun? At anong offer yung sinasabi ni Ms. Sonia?

"Of course not! Kahit gaano pa kalaki ang offer niya, I have high standards for LBV. And besides, I'm already working on my proposal for DC." Rinig kong giit ni Ms. Reiko.

Nice! May prinsipyo. Yan ang isa sa mga hinahangaan ko kay Ms. Reiko kahit pa kinulang siya pagdating sa magandang ugali.

Hindi siya basta-basta kung mamili, mapa-advertisers man yan or brand partnerships. Sinisiguro niya talaga na aligned yung values ng company sa vision ng La Belle Vie. Ganun siya ka-passionate sa pagbuo ng magazine na ito.

For her, it's always quality over quantity.

"The meeting with DC will be in a few days, right? Want me to accompany you?"

"Only if you're available. But thanks for asking, Sonia." Tumaas ang kilay ko dahil dun.

Aba't tingnan mo nga naman! Kaya rin naman pala niyang magpasalamat kung gugustuhin. Sa mga piling tao nga lang talaga siguro.

"No worries. So.. lunch out later?" Tanong ni Ms. Sonia habang nangingibabaw ang tunog ng umaagos na tubig mula sa faucet.

"Maybe next time. I think I'll just eat in my office. I still have a lot to do kasi." Pagtanggi nung isa sa paanyaya ni Ms. Sonia.

"Alright then. Let's go?" Maya-maya pa'y narinig ko na yung mga yabag nila papalayo hanggang sa tumahimik na ang CR.

Nakahinga na rin ako ng maluwag at tuluyan nang nakalabas ng cubicle. Quota na ako sa mga nasagap kong usapan ngayong araw.

*******

Kunot-noo akong nagta-type sa computer ko. Hindi ako makabuo ng kumpletong sentence dahil kada isang salita binubura ko kaagad. Mukhang hindi na gumagana ang utak ko.

Miss Devil (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon