. . . ⇢ 95 ˎˊ˗

Magsimula sa umpisa
                                    

sunoo
dalawang kaibigan natin ang dahilan joy

sunoo
pwede ka naman magtago kung ayaw mo talaga siyang makita

joy
sighs

joy
okay lang

joy
charot hindi talaga okay

joy
pero susubukan ko

joy
and how about jungwon pala?

joy
na-contact niyo na ba?

sunoo
hindi pa rin siya ma-contact, kahit nga parents niya ay wala ng update sa kanya kaya yung manager ang tinatawagan pero sabi ng manager okay naman daw si jungwon

joy
hindi nila nakakausap si jungwon?

sunoo
hindi

sunoo
pero hiningi na ni mrs. so ang number nung manager kaya siya na ang tatawag para kausapin si jungwon

joy
sa tingin mo uuwi si jungwon?

sunoo
after what happened to francine? oo naman

sunoo
i just feel bad for them

joy
life is so cruel

joy
ako na yata ang sunod

sunoo
gaga don't say that

joy
hindi seryoso, mas gusto ko na lang na ako ang sumunod kasi pakiramdam ko wala na kong halaga sa mundong to

joy
i know ang selfish kasi hindi ko man lang iniisip ang parents ko at kayo pero kasi.. without him? habang buhay na kong magiging mag-isa na kahit nandiyan naman kayo, hindi pa rin sapat

joy
hindi na yata ako magmamahal ng iba maliban sa kanya

sunoo
joy

sunoo
gusto mo siomai?

joy
alam mo? TANGINA MO

sunoo
ano na naman?

joy
ewan ko sayo

sunoo
ewan ko din sayo

-♡️-

"hello—"

"where's jungwon? i need to talk to him."

"and who are you?"

"i'm his girlfriend's mother."

"sorry but—"

"give the damn phone to him, t-this is important!"

natigilan ang manager sa biglaang pagtaas ng boses ng babaeng nasa kabilang linya, hindi lang 'yon dahil maririnig mo rin ang munti nitong paghikbi at panghihina sa kanyang boses kahit sumigaw pa ito.

nasa kalagitnaan sila ng practice ngayon dahil napaaga ang debuting date nila at next month na 'yon kaya kailangan nila mag-practice ng todo. mamaya din ay may vocal lessons pa silang gagawin at saglit lang talaga ang pahinga.

ngunit ganun pa man, pumunta pa rin ang manager kay jungwon na ngayon ay tutok na tutok sa kanyang repleksiyon sa salamin, seryosong pinagmamasdan ang bawat galaw niya.

"yang jungwon."

napahinto si jungwon nang marinig niya 'yon, maging ang ibang trainees ay nakuha din ang atensyon dahil doon. sinenyasan lang siya ng manager na lumapit at ganun ang ginawa ni jungwon. napakunot ang noo niya nang ilahad ng manager ang phone sa kanya.

"someone's calling you, your girlfriend's mother."

bahagyang nanlaki ang mga mata ni jungwon at agad kinuha ang phone mula dito, hindi na napansin ang masungit na tingin ng kanilang manager dahil nagkaroon ng sagabal sa pagpapractice nila.

lumayo si jungwon mula sa karamihan at itinapat ang phone sa kanyang tainga. "tita!"

nakangiti si jungwon ngayon dahil inaasahan niyang kaya tumawag si mrs. so ay dahil gusto siyang makausap ni francine. ang tagal na din kasi nilang hindi nagkakausap at hindi niya pa nasasabi ang dahilan kung bakit.

"j-jungwon.."

otomatikong nawala ang ngiti sa labi ni jungwon matapos marinig ang panginginig ng boses ni mrs. so, gumuhit sa mukha ng binata ang pag-aalala at may parte na din sa kanyang unti-unting nakakaramdam ng kaba.

"tita? may.. may nangyari po ba..?"

"pupunta si francine diyan sa japan—" hindi na natapos ni mrs. so ang sinasabi niya dahil biglang nag-react si jungwon, muli na naman siyang napangiti at mahahalata ang pag-excite sa kanya.

"parating na po ba siya? teka, siya lang po ba mag-isa? may alam po ako kung saan siya pwede mag-stay."

matagal na hindi nakasagot si mrs. so at humugot ng malalim na hininga. "h-hijo.."

"po?"

"francine.. couldn't make it."

biglang nakaramdam ng kaba si jungwon at hindi na siya halos makapagsalita. nararamdaman niya na rin ang panginginig ng kanyang mga kamay. ngunit ganun pa man, pinilit niyang pakalmahin ang sarili.

be positive, won.

"w-what do you mean by that? hindi siya nakarating kasi naubusan ng ticket? stranded sila? walang byahe papuntang japan?"

hindi sumagot si mrs. so.

"tita.." halos pabulong na sinabi 'yon ni jungwon.

"nag.. nag-crash ang eroplanong sinasakyan niya.."

that's it, hindi na napigilan ni jungwon at unti-unti na siyang napaupo. nabitawan niya na rin ang phone pagkaupo niya at hindi pa rin ang napuputol ang tawag kung kaya't lalo lang siyang nadurog sa sunod niyang narinig.

"lima ang patay.. i-including my daughter.."

the real tragedy. enhaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon