Wala naman akong maiambag sakali. I can't relate with what they are all talking about. Wala rin akong ideya tungkol sa love life ni tita dati.

She only gave me few informations like I should not let myself be attached to someone as long as he's a maritime student. As in talagang iyong marino na bumubuo ng pangarap sa eskwelahang pinag-aaralan ko ngayon. She's got a big problem with those kind of students.

Siguro dahil sa past.

I respect that. Wala naman akong balak na alamin pa iyon. I don't need also to be attached to someone.

Pagkatapos kong kumain ay sandali lang akong nanatili roon. Iyong mga kaibigan ni tita ay may ibinigay sa aking mga souvenirs galing ibang bansa. Halos lahat ay journal notebook at saka mga gamit na related sa cruise ships.

I liked everything they gave me. Saka si tita, dahil papaalis na papuntang Switzerland, inabutan din ako ng regalo.

She gave me a huge replica of the largest cruise ship of Royal Carribean International. It's a wood version. Napasama iyon sa lesson namin kaya alam ko.

I now have few ideas about cruise ships.

"Mag-iingat ka lagi rito, Alaine. Naku, alam mo na, ha? Uuwi ako next year. Tawag ka lang sa akin kapag may kailangan ka at!" tinapik niya ang balikat ko, "iyong bilin ko, ha? Please, Alaine. Huwag sa marino, okay?"

Tumawa ako sa pinapaalala niya. Desisyon kong mag-aral sa JBLFMU. She asked me before at pumayag naman siya sa gusto ko.

Ngayon, halos luhuran na niya ako para lang hindi magkagusto sa isang magmamarino.

"Yup, tita. Makakaasa ka sa akin."

"Good. Don't pressure yourself and don't mind what my friends told you. Huwag kang maniwala sa mga ma-issueng babaeng iyon. Talagang lagi akong puntirya, eh," reklamo niya pero natatawa.

I only nodded at her response. Ayoko rin namang kusang magtanong sa kanya dahil nasa kanya na iyon. Hindi naman ako masyadong kuryuso kaya ayos lang.

Umalis ito nang sumunod na araw at hinatid ko siya sa airport. Kasama niya mga kaibigan niya kaya sigurado naman akong memorable na naman flight nito.

I wave my goodbye at her the moment she carried her bags and went inside the airport.

Isang mahabang pagbuntong hininga ang ginawa ko nang matantong sa iilang buwan ay mag-isa lang ako sa bahay niya. Sobra ang pagtiwala niya sa akin kaya pati bahay niya, pinagkatiwala niya sa akin.

I don't mind about it. Sinasanay niya kasi ako kaya ngayon ay nasanay na nga.

Tumalikod na ako saka bumalik doon sa parking lot ng mga van. Sa sobrang init ng panahon, hindi ko na naisip pang magdala ng payong. I was about to go somewhere to find myself some drinks when Four appeared out of nowhere.

Huminto ako sa paglalakad nang mapansin ito sa isang food stall na naroon. Kumakain ng takoyaki habang nakasuot ng shades, nakadutdot sa cellphone niya. He's also wearing a jacket that matched all his black outfit.

Dahil sa busy ito, hindi niya ako napansin sa gilid niya. Sinubukan ko na munang i-eksamin ang mga galaw niya pero tumagal lang yata ng ilang segundo iyon at hindi nga niya ako napapansin.

Bakit ako umaasang papansinin niya? Eh sa nakasuot siya ng shades! Bakit niya ako makikita ng agaran?

"Four?" Napapikit ako nang sambitin ko iyon.

Four. Ang sarap banggitin ng pangalan pero ang loob ko, parang sinilaban na ng apoy sa kakaisip.

I hate to admit but I felt myself having this likeness of mentioning it. Lalo na nang alisin nito ang shades at itinaas nito ang tingin sa akin at nagtama ang mga mata namin.

Wildness of the Calm Seas (CSM Series 1)Where stories live. Discover now