"I'm sorry Sir but we only entertain clients who were able to book their appointments. Come back-" 

"Miss, can I just talk to Atty. Win? Tell him it's something important.." ani Bright

"Every client is important to Atty. Hernandez, Sir. So I suggest you make an appointment."

Impit na napapikit si Bright sa frustration. Hindi siya pwedeng bumalik sa opisina na wala siyang nagawa man lang para makausap si Win. Sakto namang tumunog ang telepono niya kaya nagpasya si Bright na bumalik na sakanyang sasakyan.

"You're not here?" Si Joss sa kabilang linya.

Bright opened his car and sat frustratingly, "Yeah. I.. I'm here at Hernandez & Mondreal Law Firm. It was very hard for us to secure a slot so I'm trying my luck." mahinahon na sabi nito kay Joss

"Are you able to secure a slot then?" madidinig ang pag-asa sa boses ni Joss

"I'm... yeah." pagsisinungaling ni Bright.

All these years, Joss was always the one that made sure that Bright's okay, that everything's gonna be alright.. And Bright thought that this time, it's his turn to do everything for Joss.

"I'm just waiting to be called." dagdag pa ni Bright

"Thank you so much, Bright. Thank you. I owe you this one. I love you." punong puno ng galak na sabi ni Joss.

"Anything for you, Joss." ani Bright atsaka natapos ang tawag.

Napasubsob si Bright sakanyang steering wheel. Ngayon, hindi na talaga siya pwedeng umalis na hindi nakakausap si Win. Bright waited for a couple of hours, hindi na siya nakapag-lunch. Wala siyang plano, susubukan niya lang ulit na kausapin si Win kahit pa sa break time nito.

"Sir, hindi po talaga pwede. Kailangan niyo po talaga mag-book ng appointment." ani receptionist

"Miss, lunch break niya naman siguro diba? Kahit konting oras lang, please desperado na talaga ako eh." pagmamakaawa ni Bright

"Hindi nga po pwede, Sir. Please po, kung hindi po kayo makakausap ng maayos tatawag na po ako ng security."

Laglag ang balikat na bumalik si Bright sakanyang sasakyan. Wala na talaga siyang maisip na idadahilan. Hanggang sa naisipan niyang hintayin nalang si Win na makalabas. Paniguradong sa pagkakataon na 'yon ay makakausap niya na ito.

"Hoy, anong kanina ka pa nandyan sa tapat ng law firm ni Win?" ani Love sa kabilang linya. Magka-text kasi sila ni Bright at inanyayahan ni Love ang kaibigan para sa food tasting ng kasal pero sinabi nga ni Bright na kasalukuyan siyang nasa law firm ni Win.

"Yeah.. I'm sorry, hindi kita masasamahan. Promise I'll make time next time. Kailangan na kailangan ko lang kasi makausap si Win." napapasabunot na si Bright sakanyang buhok.

"Oh my G! Is this getting back together?"  Eksaheradang sabi ni Love

"Sira! Hindi ganon! Alam mo naman yung nangyari sa Papa ni Joss diba? Joss really wanted the best lawyer for his father that's why.."

"Sobrang in the eyes of the public nga 'yang kaso ng Papa ni Joss, parang araw araw may update sa balita." Love sighed, "So Joss asked for Win specifically?"

"Yes." tipid na sagot ni Bright

"And are you okay with it?" si Love

"Para kay Joss kakayanin ko, Love."

Love sighed. She really can tell how genuine Bright's feelings for Joss. Buong akala niya hindi na muling magmamahal ang kaibigan niya kaya naman sobrang saya niya na nakatagpo parin siya ng katulad ni Joss.

"Eh ano na bang ganap mo dyan? Malapit na mag gabi oh, sigurado ka bang makakausap mo pa si Win?"

"Susubukan ko siyang hintayin na lumabas."

"Sigurado ka ba dyan? Bakit hindi mo nalang kasi sabihin sa receptionist na gusto mo siyang kausapin?"

"Ilang beses ko na sinasabi Love! Irita na nga sakin si ate girl." napairap si Bright sa kawalan.

"Sinabi mong ikaw si Bright Andres?"

"Uh.. hindi. Sabi ko lang I'm a potential client-"

"Eh kaya naman pala! Sabihin mo lang 'yang pangalan mo, tignan mo wala pang isang minuto magkukumahog yan lumabas." tumatawang sabi ni Love

"Parang hindi naman niya gawain yan.." Bright said with sarcasm.

Natahimik si Love sa kabilang linya, "Galit ka parin ba sakanya?"

"Bakit naman napunta dyan ang usapan? It's been years.. Tapos na ako sa kabanatang 'yon ng buhay ko." ani Bright.

Matapos ang tawag ni Bright at Love ay sinubukan muli nito na kausapin ang receptionist. Halos gusto na siyang irapan ng receptionist ng makita siyang papasok muli.

"Sir, hindi nga po-"

"Just tell Win that Bright Andres is waiting for him here." taas noong sabi ni Bright na para bang may kung anong kapangyarihan ang ngalan niya.

Parang gusto siyang tawanan ng receptionist.

"Sir. Last na po ito. Make an appointment and then come back po." the receptionist said with finality.

Napatayo ang receptionist ng makita ang lalaki sa likuran ni Bright. Napatingin din si Bright.

"Good evening, Atty. Mondreal." bati ng receptionist sa lalaki na kakapasok lang at may dalang suit. Nasa kaliwang braso naman nito ang kanyang coat.

"Any problem here?" Atty. Mondreal looked at the receptionist and then Bright. Nanliit ang mata nito ng makita si Bright. Si Bright naman ay umiwas ng tingin.

"Nagpupumilit po kasi si Sir na kausapin si Atty. Hernandez. Sinasabi ko naman po na kailangan niya pong mag-book ng appointment." sumbong ng receptionist. Bright scoffed.

"Parang kasalanan ko pa ako na nga 'tong kliyente." bulong ni Bright pero narinig ni Atty. Mondreal kaya napangiti ito.

"Nasa taas pa si Win?" tanong nito sa receptionist

"Opo, Atty."

"Would you like to come with me?" tanong ni Atty. Mondreal kay Bright. Muntik ng yakapin ni Bright ang kaharap!

"Of course! Yes!" galak na sabi ni Bright. Tinignan niya ang receptionist at inismiran.

Pagpasok sa elevator, hindi mawala ang ngiti sa labi ni Bright. Buong akala niya talaga ay uuwi siyang luhaan.

"By the way, I'm Nani Mondreal." pakilala nito kay Bright. Agad na inabot ni Bright ang kamay ng lalaki.

"Bright Andres." aniya

Nani smiled as he looked at Bright. Para namang naiilang si Bright sa paraan ng pagtingin sakanya ni Nani. Tumunog ang elevator hudyat na nasa tamang palapag na sila.

Huminto si Nani kaya napahinto rin si Bright. Minwestra ni Nani ang pinto sa dulo ng hallway.

"That's his office. Just knock three times and then enter." Nani reminded. Tumango tango si Bright. Iyon na ang huling sinabi ni Nani bago ito pumasok sakanyang opisina.

Dahan dahan na naglakad si Bright papunta sa tapat ng pinto ni Win. Kinakabahan siya sa hindi malamang dahilan. It has been years. Kilala pa kaya siya nito? Anong una niyang sasabihin? Parang nagulo lahat ng salita sakanyang utak.

Bright. Remember what you're here for. You're here for Joss. Tandaan mo yan.

Ilang beses na paalala ni Bright sakanyang sarili bago tuluyang kumatok ng tatlong beses.

"Come in." Rinig niyang sabi ni Win sa loob.

Bright finally opened the door and there he saw Win standing while holding a folder in his hand. Hindi maipaliwanag ang itsura ni Win ng makita si Bright na papasok sakanyang opisina.

Maybe This Time Where stories live. Discover now