"Putangina! Namumula tenga ni Chase oh!"

"Hoy Chase niyo kinikilig!"

Ay totoo ba? Palihim kong tiningnan si Chase at nagulat ako dahil nakatingin din siya sakin.

Napunta ang tingin ko sa tenga niyang namumula. Gago? Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya at napakagat labi, hindi ko alam kung tatawa ba ako o kikiligin.

"Ay wait! Kapag hindi nasagot yung tanong o nagawa yung dare, may consequence ha," Nakangising sabi ni Ryuu. Tiningnan niya ako at tinaasan ko siya ng kilay. "Faye, ikaw naman ang magpa-ikot ng bote."

Tumango ako at sinimulang paikutin ang bote. Napangisi ako dahil kay Dwayne tumapat ang nguso nang bote.

Napakamot siya sa kaniyang batok.

Tinaas ko ang kamay ko. "Ako magtatanong." Nakangiting sambit ko.

Tumingin ako kay Dwayne na kinakabahan yata dahil ako ang magtatanong sa kaniya. OMG Dwayne, kalma.

"Truth or Dare?"

"Truth."

Ay sayang! Handa na sana yung dare ko e.

Napasimangot ako at ngumisi siya. Tangina mo, humanda ka sakin Alvarez.

"Do you still love my friend until now?" Seryosong tanong ko.

They all fell silent. Dwayne was stunned and I knew he wasn't expecting my question.

I don't know if my question is too personal but I really want to know if he still loves my friend.

I know and I feel he still loves Ellaine but I really want to hear and come from him that he still loves Ellaine. Gusto kong ako mismo ang makarinig na mahal niya ang kaibigan ko, gusto kong manggaling sa kaniya ang mga salitang 'yon.

Gusto ko munang marinig ang paliwanag niya bago ko ipagkatiwala sa kaniya si Ellaine.

Nakatitig ako... kaming lahat kay Dwayne at hinihintay ang sagot niya. Napayuko siya pero nanatili pa rin akong nakatitig sa kaniya.

Inangat niya ang tingin samin at nilabanan ang titig ko.

"Y... Y-Yes. Fvcking yes." He answered.

Napangiti ako nang marinig ang sagot niya at napa 'Ooohh' naman ang mga hunghang at nagsi-sigaw.

"Kung totoo nga yung comeback, comeback nga kayo ni Ellaine oh!"

"Comeback yarn?!"

"Kambak! Kambak! Kambak!"

"Waiting sa comeback!"

"Waiting sa break up!"

"Bobo ka Jacob!"

Napangiwi ako dahil sa mga pinagsa-sabi nila. Saan ba sila pinag lihi?

"H'wag na mag comeback, magbe-break din naman." Singit ni Ashton, ang pinaka bitter sa'min.

Bitter King namin yan e.

"Bitter amputa. Kumain kaba ng ampalaya?" Nakangiwing tanong sa kaniya ni Kiel na katabi naman niya.

"Oo nga! Ilan bang ampalaya ang kinain mong gago ka at ganiyan ka ka-bitter ha?" Tanong ni Zyrus sa kaniya.

Sinamaan niya ng tingin yung dalawa, "Mga tanga, nagsasabi lang naman ako ng totoo. Wala rin kwenta comeback niyo kung magbe-break din naman kayo, itigil niyo na 'yang corny niyong relasyon kung gano'n din naman."

Battle of the Past (Seule Fille Series #1) Where stories live. Discover now