"No Nolan, hindi ka nagkulang sakin... Ako ang nagkulang sayo bilang girlfriend mo. Don't ever blame yourself dahil mas lalo lang ako na gu-guilty kung 'yan ang iniisip mong dahilan ng paghihiwalay natin," Sabi ko sakanya kaya bumuntong hininga siya at tumango.

"Okay, if that's what you want. Stop crying, alam mo namang ayokong nakikita kang umiiyak..." Pagpapatahan niya sakin kaya pinakalma ko na ang sarili ko, pero nandoon parin ang sakit na nararamdaman sa puso ko. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko pero bigla ko na lamang siya yinakap ng mahigpit, nag babaka sakaling maibsan ko ng kahit kaunti ang lahat ng sakit na naramdaman niya ng dahil sakin noon.

Dahan dahan ko rin naman naramdaman ang pagyakap niya sakin pabalik. Napapikit ako habang dinadama ang yakap niya, ito ang unang beses na yinakap ulit namin ang isa't isa pagkatapos ng paghihiwalay namin.

"I have to admit, I miss hugging you like this. I hope we can still be atleast friends, Zole. Kahit 'yon manlang sana, huwag mo na ipagkait sakin," Hiling niya. Humiwalay naman ako sa yakap at tinignan siya ng may ngiti sa aking labi.

"Oo naman, doon din naman talaga tayo nagsimula noon diba? As friends, bestfriends..." Sagot ko at napangiti rin naman siya sa sinagot ko.

Sa totoo lang, hindi ko alam kung tama ba ang desisyon kong pagpayag na maging mag kaibigan kaming dalawa. Pwede nga ba talaga 'yon? Na maging mag kaibigan ang dalawang taong may relasyon noon? Wala naman sigurong masama hindi ba? Pareho naman na kami may ibang kinakasama, at wala rin naman na talaga kaming balak na magkabalikan pa.

Siguro, sa tamang panahon ay maipagtatapat ko na sakanya ang totoong dahilan kung bakit ko siya hiniwalayan. I hope that he will forgive me for all the lies that I told him.

"Masakit pa ba ang paa mo?" Tanong niya at umiling naman ako.

"Kukuha lang ako ng wheel chair, iuuwi na kita para mas makapag pahinga ka ng maayos sa bahay niyo," Sabi niya at tumango na lamang ako. Iniwan muna niya ko saglit at kasunod ng pag alis niya ay ang pagpasok naman ni Valentina.

"Ayos lang po ba talaga kayo Ms. Zole? Pwede naman po na pumunta muna tayo sa Doktor niyo sa hospital para mas matignan ang paa ninyo?" Alok niya pero umiling ako.

"I'm really okay Valentina. Tsaka hindi tayo pwede dumaretso doon ng kasama si Nolan, malalaman niya ang tungkol sa sakit ko pag ginawa natin 'yon," Sagot ko at napa buntong hininga siya.

"Hanggang kailan niyo po ba balak itago sakanya ang totoo?" Tanong niya at napaiwas ako ng tingin. Hanggang kailan nga ba Zole? Alam ko namang hindi ko habang buhay maitatago sakanya ang tungkol sa sakit ko, he will eventually find out about it sooner or later.

"Huwag ka mag alala Valentina, naghahanap lang ako ng magandang tyempo kung kailan ko ipagtatapat sakanya ang katotohanan. Sa ngayon, ayokong masira ang pagkakaibigan na hiniling niya sakin... Ipangako mo Valentina, hinding hindi mo ito sasabihin sakanya, nagkakaintindihan ba tayo?" Paniniguro at dahan dahan naman siya tumango na ikinakampante ko. I know na mapagkakatiwalaan ko si Valentina, she cares for me and I also care about her.

"Huwag po kayo mag alala Ms. Zole, hindi ko po sasabihin kay Sir Nolan ang mga nalalaman ko. Pero sana po, dumating na ang tamang panahon na masabi niyo na sakanya ang lahat," Sagot niya at napangiti naman ako at tumango.

"Salamat, Valentina..."

Natigil na kami sa pag uusap ng bumalik na ulit si Nolan hila hila ang wheel chair na kinuha niya. Inalalayan niya ko paupo sa wheel chair.

"Salamat nurse sa pag asikaso sakin," Pasasalamat ko sa nurse at nginitian naman niya ko.

"Nako Ms. Zole walang anuman po, trabaho ko po na asikasuhin ang mga tao dito sa opisina. Tsaka hindi nga po ako halos ang gumamot sa inyo eh, si Sir Nolan po talaga..." Sagot niya at tumingin kay Nolan. Medyo natawa naman ako at napailing iling.

"Your right actually. Pero salamat parin, Valentina ikaw muna ang bahala dito sa opisina habang nagpapagaling ako, okay?" Paalala ko kay Valentina at kaagad naman siya tumango.

"Can we go ahead now?" Tanong ni Nolan kaya tinanguan ko na lamang siya at tinulak na niya ang wheel chair ko palabas ng clinic.

Nakarating kami sa parking lot at kaagad dumaretso kung saan niya pinarada ang kanyang kotse. Mukhang bago nanaman ang kotse niya, hindi ito ang kotseng ginagamit niya noon.

"What happened with your old car?" Tanong ko at napataas naman siya ng kilay sa aking tanong.

"Nasa bahay, ito lang na trip-an ko gamitin ngayon. Why? Did you miss my old car?" Tanong niya at ngumisi sakin ng nakakaloko. I chuckled and shook my head.

"Hindi noh, ikaw talaga maayos pa naman ata yung luma mong kotse bumili ka pa ng bago. Gastador ka parin talaga noh?" I said and crossed my arms on my chest.

"Bihira ko na gamitin ang kotse na 'yon, it reminds me of you everytime I use it," Paliwanag niya kaya napayuko naman ako. Dapat pala hindi nalang ako nagtanong.

Inalalayan na niya ko pasakay sa passenger seat at kaagad naman niya sinarado ang pinto pagkapasok ko sa loob. Umikot na siya papuntang drivers seat at sumakay narin.

He started the car engine and I saw with my peripheral vision that he took a glance to me pero hindi ko na 'yon pinansin. He sighed heavily at nagulat ako ng lumapit siya sakin at mabilis na hinablot ang seatbelt at sinukbit iyon sa akin. Mabilis niya 'yon ginawa kaya nanatili na lang nakanganga ang bibig ko sa sobrang pagkagulat.

"Tsk, palagi mo parin nakakalimutan mag seatbelt? Too bad, I'm not allowed to kiss you anymore..." He said kaya mas napatingin ako sakanya ng nanlalaki na pati ang mga mata.

We have a deal before na everytime nakakalimutan kong mag seatbealt ay hahalikan niya ko. He still remembers that huh?

"N..Nolan, you shouldn't talk about our past already... So stop mentioning them, please?" I said. Napawi naman ang ngisi sa labi niya at napabuntong hininga. He looked away at humawak sa manibela ng kanyang kotse.

"I'm sorry, your right I shouldn't have mentioned that." Paghingi niya ng sorry at pinatakbo na ang kanyang sasakyan.

"So, anong nangyari sa factory kanina at nagmamadali kayo ni Valentina pumunta 'don?" He change the topic.

"May nag report daw kasi sa HR na may dalawang empleyado na nag aaway kanina sa factory, nabasag kasi ang isang crate ng wines na ready for shipment at nagsisisihan sila kung sino ang may kasalanan. That's why we rushed towards there and we forgot to change our shoes," Pagkwento ko. I heard he sighed while slightly nodding his head.

"Did you fire both of them?" Tanong niya at umiling naman ako.

"Aksidente naman ang nangyari, tsaka alam ko kung gaano ka importane sa kanila ang trabaho nila. I just reminded them na huwag na sila ulit mag aaway para maiwasan din na magkagulo sa factory," I said.

"Mabuti naman at naayos niyo kaagad ang gulo, but please be extra carefull next time Zole. Paano kung hindi lang simpleng tapilok ang nangyari sayo kanina? Your parents will be worried about you," Paalala niya. I sighed heavily and nodded.

"Opo sorry na, hindi na mauulit. Para ka talagang si Dad kung umasta," Sagot ko and he chuckled.

"I hope we can meet again, pag bumisita siya ulit dito to check on you..." He said at napangiti naman ako.

"Sure, don't worry babalitaan kita kung kailan siya uuwi ulit dito. His still currently at the states focusing on our business," I explained.

Kaya rin hindi nakilala ni Dad si Nolan noon ay madalas nasa kompanya ito at pumupunta din sa America for our business transactions.

Ilang minuto ang lumipas ay nakarating na kami sa bahay ko. Napansin din namin ang isang sports car na nakaparada sa tapat ng gate namin. Hindi ako pwedeng magkamali, I'm sure that it's Alexie's car.

"Who owns that car?" Tanong ni Nolan habang nakakunot ang noo.

"I..It's Alexie's car. I think his inside right now," I said at nagkatinginan naman kaming dalawa.

Loved Behind the SunWhere stories live. Discover now