II

176 13 0
                                    

Warning: some cursing
Also another warning: I am, in fact not a nursing student. I am a dentistry student and so most of the medical jargon in here is like not 100% true

• • •

After that brief (not really) breakdown-slash-crying session, inayos ko na ang mga gamit ko at nagdesisyon na magpahinga na nga lang.

And that's how I spent the rest of the day, at some point even taking out some of my books just because I had nothing to do. And let me tell you it wasn't all that fun reading about chemistry, in fact naka-tulog ako in the end.

Dumating na ang gabi at naka-uwi na si nay Rosaria, mukhang galing siya sa isa sa mga magsasaka na nakatira sa malayo pang parte ng Manatal. Mabilis naman akong tumayo para tulungan siya sa mga dalahin niya.

"Salamat hija, ito binigyan na ako ng hapunan natin, initin mo nalang bago tayo kumain," Tumango ako at kinuha ang binigay na lalagyan ni nay Rosaria. I took some time trying to make the charcoal under the stove catch fire but after that it was smooth sailing.

"Nay Rosaria, tara na ho at kumain na tayo!" Sigaw ko habang inaayos ang pagkain sa lamesa along with the candle and cutlery.

Lumabas ang matanda mula sa kubo at umupo na.

Oh yeah, I actually need money in this place. Maybe I can sell off some of my jewelry?

Nagsimula na kaming kumain nang nagsalita ako,"Nay gaano po ba kalayo ang bayan galing dito? Gusto ko po sanang ibenta yung ilan sa mga alahas na dala ko. Halos wala na po kasi akong kasuotan na dala mula Inglatera."

"Hmmm, may karuwahe naman sila Mateo. Babayaran na lang natin sila. Masakit ba sa balat ang suot mo ngayon?" Nagaalalang tanong ni nay Rosaria.

"Ay hindi po, nag-aalala lang po ako kasi yung dala kong damit ay baka hindi babagay dito at pagtinginan ako ng mga tao hehe," I chuckled apologetically.

"Ganoon ba?" Natatawa naman na sagot ng matanda. "Kung pagtitinginan ka man nila ay dahil sa dayuhan mong kasuotan at hindi naman sa itsura mo mismo. Sa kagandahan mo ba namang iyan."

"Nako hindi po," I shook my head and waved my hands no. "Katunayan nga po sa Inglatera madalas akong pagsungitan ng mga iba kong mga kaklase dahil sa itsura ko eh." Kind of true, we all did tease each other about our haggard looks because hello it's hell week and defense week. But it was all in good nature. Tsaka isa pa, the only reason I'm probably going to look better than women here is my face is used to a regimen, fuck. Anong mangyayari sa mukha ko kapag naubos na dala kong pang skincare? Time to look for natural alternatives I guess.

"Ganiyan talaga ang mga tao, kung ano ang naiiba sa kanila ay kay dali nilang tuksohin, huwag mo nang isipin ang mga dayuhan na iyon hija. Tunay naman talaga na may itsura ka," Ngumiti sa akin si nay Rosaria.

"Ay, shucks. Thank you po," natawa na lang ako. "Ang ibig ko pong sabihin ay, salamat po."

Matapos kaming kumain ay sinamahan ako ni nay Rosaria sa bahay nila Mang Mateo, yung may-ari ng karawahe na pinampapasada din ni manong sa siyudad ng Malolos buti nalang at sa malapit na bayan lang kami pupunta, dala-dala ko na rin ang mga alahas na gusto kong ibenta. Halos mga binigay ni Mama ang mga iyon tapos yung iba mga gawa nung kaklase ko na nagpapatulong sa pagbebenta for her small business, kumuha lang ako ng konti sa stash ko at iniwan ko yung the rest sa bag ko. Okay, before you judge. I got a shit-ton of jewelry in my bag because: first, tinulungan ko yung kaklase ko sa negosyo niya at second dinala ko yung mga bigay ni mama kasi usto daw niya ng inspo sa mga gagawin niya. HINDI PO AKO NANG-HOLDAP NG JEWELRY STORE BAGO AKO MASAGASAAN OKAY?!

Through Time And Trials [Heneral Luna + Goyo]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon