I

269 15 0
                                    

Warning: some cursing

• • •

"Hija, gising ka na ba?"

Those are the words that welcomed me to consciousness.

Nang imulat ko ang mga mata ko, ang unang nakita ko ay ang bubong ng isang kubo. Inikot ko ang paningin ko and saw a modest nipa hut. From my view, I can see a table and some chairs whereupon sat an old lady, I didn't immediately panic seeing as the old lady looked harmless enough.

"Mukhang gising ka na nga. Kaya mo bang bumangon hija?", tanong ng ginang sa akin.

Sinubukan kong sumagot pero nahirapan ako dahil sa pagkatuyo ng lalamunan ko. I mimed drinking water to the old lady at binigyan naman niya ako ng isang baso ng tubig na nasa tabi lang niya sa lamesa. Mabilis ko namang inubos ang tubig at binigyan ng ngiti ang matanda.

"Salamat po. Sino ho ba kayo? At asan po ako?", tanong ko habang inililibot parin ang aking paningin. From the open window, I can see other small nipa huts and I can hear the faraway chattering of people as well as the sound of livestock and birds. When I looked down, nakita ko na nakasuot sa akin ang isang terno na baro't saya. Kulay brown ang saya at kulay puti naman ang nakasuot na pang-itaas sa akin. Nako, sino kaya ang nagpalit ng suot ko? At anong trip nila at pang-oldies ang isinuot sa akin?

"Ang pangalan ko ay Rosaria, manggagamot ako rito sa Manatal," sagot naman ni Nay Rosaria, hindi naman sa feeling close pero nasanay na ako na tawagin ng nay, tay, kuya at ate ang lahat ng nakikilala ko, that way hindi na sila ma-offend if ever they don't like being called manang or manong.

"Manatal?" Nagtataka kong tanong. "Saan po sa Manila iyon?"

"Maynila? Anak, nasa Bulacan ka, sa Pandi," nagtatakang sagot ni Nay Rosaria.

"Ho? Paanong-", napatigil ako sa pagsasalita nang maramdaman ko ang pagsakit ng ulo ko. I touched my head gingerly as I winced in pain because of the sudden pounding in my head. The last thing I remember is that truck, with its horns blaring loudly and the glaring headlights blinding me as I waited for impact.

"Nako anak. Mukhang hindi pa maayos ang kalagayan mo," tumayo ang matanda at pumunta sa likod ng isang partition, I heard the sound of a metal kettle and the old lady appeared, holding a cup. Inabot naman sa akin ang dala niyang tasa na mukhang may lamang tsaa ng kung ano man.

"Makakatulong yan sa pagtanggal ng sakit ng ulo mo 'nak, inumin mo na habang mainit pa."

Inamoy ko ang tsaa at naamoy ang luya mula dito, since it smelled like normal ginger, ininom ko nalang ang tsaa at tumingin kay nay Rosaria.

"Luya ho ba ito?", tanong ko at pagkatapos kong makalahati ang laman ng tasa ay nilagay ko muna sa lamesita sa tabi ng higaan.

"Oo hija. Nakakatulong sa pag-ibsa sa maraming karamdaman ang luya, isa na rito ang sakit ng ulo," ngumiti ang matanda at tumayo para bumalik ulit sa likod ng partition, pagkabalik niya ay may dala na din siyang ginger tea for herself. "Oo nga pala, bago ang lahat, maari ko bang malaman ang iyong pangalan?"

"Josephine po pangalan ko nay Rosaria," sagot ko naman.

"Josephine? Mukhang pangalan ng banyaga. Saan ka ba galing anak at napadpad ka dito sa Manatal?"

"Hindi ko rin po alam paano ako napunta dito sa Manatal, ang huling naaalala ko ho ay pauwi ako mula sa eskwelahan at muntikan akong masagasaan," I sighed and looked down on my lap. "Pati ho ako hindi ko maintindihan."

"Eskuwelahan? Ibig mo bang sabihin ay paaralan? Aba nag-aaral ka pala," tuwang sinabi ni nay Rosaria.

"Opo, nursing po ang kurso ko. Matapos ang apat na taon na paghihirap malapit na rin akong makapagtapos sa wakas."

Through Time And Trials [Heneral Luna + Goyo]Where stories live. Discover now