Chapter 4 - Troubled Preggy

Start from the beginning
                                    

May lahing tsismoso kasi ang isang 'tong unggoy na 'to kaya may alam siya sa mga bagay bagay gaya nito.


At dahil nga curiosity kills the cat nga, hindi ko napigilang mag wonder kung sino ba 'tong asong nag-hahanap sakin. May kung ano kasing feeling na 'di ko ma describe eh.


"Should I block him or let him find his way through you?" He leaned on his chair at pabirong nagtanong.


"Sino ba kasi yan, Drew?" Naiinis na tanong ko "Pag 'di mo ko sasagutin ng maayos naku manghihiram ka talaga ng mukha ng asong kalye!" 


Sinagot niya lang ako ng malakas na tawa at tumayo papuntang pinto. 


"Oliver Quir de Vill." kinindatan niya ako bago pinihit ang pinto at tuluyan ng lumabas.



[Phyn Javier's POV] 


Hola! Ako nga pala yung pinakagwapo saming mga magkakaibigan. Hot and Rich - ika nga nila. Pamilya kasi namin ang isa sa mga biggest companies sa hospitality industry, same as Kratz, pero 'wag ka! Mas gwapo ako! Namana ko pa 'to sa kalolo-lolohan ko. Iba kasi talaga basta gwapo ang lahi, kakambal talaga ang yaman at swerte!


"Uy! Kanina pa tayo hinahanap ni Quir, lagot na naman tayo nito!" sambit ni Xantus Heethz na ngayo'y nakatayo na sa pinto ng kwarto kung saan kami nagtitipon.


"Takte! Kailangan pa ba natin hintayin sila Max at Drei?" Usad ni Vhone habang tumutungga ng alak.


"Tara na uy! Gwapo ako pero takot ko lang dun kay de Vill!" utal niya pa na parang nanay na sinusuyo ang mga anak. Psh! Bagay ah.


"Xannie babe, wala atang plano ang isang 'to! Mag-ququality time muna tayo habang nasa daan." Pabirong sambit ko nang tumayo ako at sinundan ng kindat. Napatawa ako ng mahina ng nakita ko siyang nandiri ng panandalian pero nakisabay naman sa trip. Psh. Kung 'di ko lang kababata tung isang 'to, aakalain ko na talagang iba samin 'to.


"Sige Phynnie, sanay na rin naman yang si Vhone, mabangasan ng mukha." Pang-aasar niya pa kay Vhone na ngayo'y masamang naka tingin sa kanya.


"At least naman, may output oy! Kitams niyo 'to?" pinakita niya ang braso niya "Itong muscles na 'to, di lang habulin ng chicks, ito kaya ang pinaka-pinagkakatiwalaan ni bossing!" 


Agad namang binatukan ni Xantus si Vhone dahil sa pinagsasabi niya. Halatang takot 'tong isang 'to kay Oliver eh. "Sabi ng-" hindi natuloy ang sasabihin sana ni Xantus ng tumunog ang kanyang phone na agad naman niyang kinuha.


Sinamaan niya kaming dalawa ni Vhone ng tingin bago niya sinagot ang tawag.


"Yo, bo-"


[DO YOU WANT TO DIE?] rinig na rinig ang ma-otoridad na boses ng lalaking nasa kabilang linya na siyang nakapagpatayo ng maayos ni Vhone na kani-kanina lang ay puro daldal.

The Mafia Boss' WifeWhere stories live. Discover now