. . . ⇢ 88 ˎˊ˗

Magsimula sa umpisa
                                    

"lagyan niyo na ulit ng label tapos 'wag mo na hahayaang ma-claim ng iba." natawa si sunoo sa sinabi niya.

napatingin si heeseung kay julie saka napangiti. "isa sa mga pinagsisisihan ko ay hinayaan ko siyang makawala sa'kin, pero ngayon hindi ko na hahayaang maulit pa 'yon."

si julie na nakatingin kay heeseung ay napangiti din. nag-iinit ang magkabilang-pisngi niya at hindi maiwasang kiligin. at ngayon, nararamdaman na ni julie na muli siyang magiging masaya.

because of you, lee heeseung.

-♡️-

lucy
@lcyicy

lucy
active ka pa ba dito?

lucy
joy?

lucy
joy, importante to please reply

lucy
look, i know may sama ka ng loob sakin pero pwede bang pakinggan mo ko ngayon?

lucy
i have something to tell you

joy
lucy?

lucy
yes it's me

lucy
pwede ba tayong magkita?

lucy
ngayon na?

joy
alam mo ba kung anong oras na?

joy
5 am na at wala pa kaming tulog

lucy
i just want to talk to you, in person

joy
kung about sa inyo ni jay yan, ayoko na marinig pa

joy
mukhang okay na naman kayong dalawa kaya congrats pero please, wag mo na ipamukha sakin

joy
bye

lucy
pero joy!

lucy
joy?

lucy
joy, hear me out. please importante to

joy
i cant, im sorry

-♡️-

ano pa bang sasabihin niya?

"joy, kami na ni jay!" panggagaya ni joy sa boses ni lucy saka napairap sa hangin.

edi kayo na.

napahinto si joy, nararamdaman niya na naman ang pagsakit ng ulo niya. but don't worry kasi hindi naman sumasakit ang ulo niya dahil may mulubhang siyang sakit, stress lang talaga siya.

"O-OH MY GHAD!"

gulat na napatingin si joy sa kanyang likuran sa biglang pagsigaw ni danica. nang tingnan niya ito ay hindi maitsura ang mukha ng dalaga, nababakas ang takot dito habang hawak-hawak ang phone niya.

"anong nangyari!?"

kaagad sumugod si sunoo papunta kay danica hanggang sa lahat ng mga kaibigan nila ay sumunod din. rinig kasi sa buong sulok ng funeral home ang sigaw ni danica at lahat sila ay kinabahan dahil dito.

inabot ni danica ang phone niya kay sunoo at tuluyang napaupo sa sahig, nanghihina. nang makita ni sunoo ang nasa screen ay unti-unti ding nanlaki ang mga mata niya at napatingin sa mga kaibigan niya.

"m-may nag-crash na eroplano kaninang 4 am.."

dahil doon ang lahat ay hindi makakilos, halos sumabog na ang dibdib sa matinding kaba dahil isa sa dalawa nilang kaibigan ang posibleng sakay ng eroplanong 'yon.

"si charlotte.."

".. at si francine."

"GUYS!"

agad silang napatingin sa may bukana nang marinig nila ang kapatid ni hera, si kyden. kaagad nitong binuksan ang TV at doon, mas lalo lang nanghina ang kanilang mga puso sa nakita.

"nakita ko siya sa social media kanina at sa tingin ko kaibigan niyo 'yan."

jake.

the real tragedy. enhaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon