Onirus by szhan06

Magsimula sa umpisa
                                    

" Sh8t kang nilalang ka ah.." Sinipa-sipa n'ya ang gabay ng tulay. Nakainom siguro 'tong tanod na 'to. Ang lakas ng sapi.

Hindi ko na s'ya pinansin kahit magiba na ang tulay, ipagpapatuloy ko na ang naudlot kong gagawin. Ito na. Sa wakas............

Binukas ko ang dalawang kamay ko na parang lilipad tsaka hinayaang ihulog ang aking katawan.

"Nak ng..," napamura  s’ya.

Tena naman ‘tong  taong 'to. Nahawakan n'ya ang magkabilang balikat ko kaya hindi ako bumagsak. Hindi ko inaasahan ang ginawa n'ya at binuhat ako pabaliktad ng sira-ulong tanod.

“Bitawan mo ako,"nagwawala kong sabi. Tinayo n'ya rin ako at mabilis na hinaklit ang kwelyo ko.

"Lumayas ka rito. Sa iba ka magpakamay," naniningkit n'yang sabi.

Kwinelyuhan ko rin s'ya. "Hindi mo 'to pag-aari. At pwede ba bitawan mo ako."

“Kung gusto mo talagang mamatay kayang-kaya kong ibigay sayo 'yon. Basta wag lang sa lugar na 'to. Sisirain mo ang pinaghihirapan ko.”

“Gag* mo pala eh. Sinong magpapakamay? Hoy sira-ulong tanod. Maliligo ako kaya lumayas ka na. Dalawang araw na akong walang ligo kaya lumayas ka na."

Mabilis n'ya akong binitawan. " Tss..kaya pala amoy bulok," sabi n'ya. " Maligo ka sa inyo. Bawal maligo rito."

“At sinong may sabi? Ikaw?" napailing ako. " Tsupi na. Hindi inyo ang lugar na 'to. Sakop 'to ng lugar namin.."

Napahawak s'ya sentido at napapikit ng mata. Sumakit siguro ang ulo sa akin. Bahala s'ya sa buhay n'ya.

"May karaptan akong magbawal sa kahit saang lugar dito. Wag mong ubusin ang pasensya ko at talagang makakatikim ka sa akin......"

Splaaaassssshhhhh.....

“Wooohhoooo!" sarap ng tubig. “Lamig," sigaw ko. Hindi ko alam kung anong pinagsasabi nong tanod basta tumalon na lang ako habang nagdradrama 'yong bangag na tanod. Bwahahahaha..

“Sinabi ng..."

Tinaas ko ang isang daliri ko sa kanya sabay ngisi kahit alam kong malabo n’yang makita dahil sa dilim. Mamatay s'ya sa kakamura.

Sumisid na ako. Dito ako naliligo. Bata pa lang ako dito na ako tumatalon para maligo lalo na pag may problema ako. Hindi naman ganun kataas mula sa tulay kaya hindi ako mamamatay. Kahit gusto ko na talagang mabawian ng buhay ay hindi ko rin kayang gawin.  Bakit?

Konsensya. Hindi ko alam kung bakit meron ako no'n eh mandurugas ako. Wala na akong pamilya. Ang mga kamag-anak ko ay hindi ako tinuturing na kapamilya kaya bakit ko pa sila ituturing? Sanay na akong mag-isa.

Nagulat ako nang may mga kamay na humawak sa akin. Nasa ilalim pa rin ako ng tubig at nagpupumiglas. Ang walangyang tanod pala. Balak ba n'ya akong lumurin? Tss.

Hinila n'ya ako pataas.

“Ano bang problema mo," sabi ko na pasigaw at naghahabol ng hangin.

Nakatingin lang s'ya sa akin at kunot ag noo. Maya-maya pa naramdaman ko ang pagkapa n'ya sa harapan ko.

O////O

Wapak!

Sinapak ko ang pangahas na tanod pero parang walang naramdaman.

“Sira-ulong manyak ka. Papatayin kita," malakas na sabi ko at galit na galit.

“Potek..babae nga. Akala ko totoy," bulong n'ya.

Aba't....alam kong mas pagkakamalan akong totoy dahil sa payat ko na walang umumbok kahit isa sa akin at sa gupit kong maiksi na parang sa lalaki. Kaya lang bastos eh. Kapain ba ako. Tss.

Your One-ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon