"Hello po, nakilala niyo na po pala si Nanay." ngiting sambit nito. "Ako na po diyan," tukoy sa pagtulak ko sa poso.


"Mabuti pa, Lena. Ikaw na ang humalili." sambit ng nanay niya.


I swallowed and let Lena take my place. I don't know what's keeping me here; I'm just having a hard time seeing the old woman struggling as she washes clothes.


"Pwede ko po kayong tulungan, sigurado po kasi akong marami kayong gagawin." I respectfully said.


Tumingin sa akin ang ginang, mukha itong ilang sa akin at nahihirapan ngumiti. Pero nakita kong napaisip siya, lumingon ang kanyang mga mata sa loob ng bahay nila. Kita ko ang magulo at maputik sa loob.


"Sigurado ka ba, hija? nahihiya din naman ako sa nobyo mo." sambit nito.


"Ayos lang po," ngumiti ako sa kanya para kumbinsihin ito.


Lena's mother nodded and thanked me. She stood up and seemed to be having difficulty, so I helped her stand. She turned around, and then I sat where the lady sat.


"Mukha po kayong mayaman, ate. Marunong po ba kayo?" Nahihiyang tano ni Lena.


"Oo naman... tinuruan ako ng manang ko." I smiled at her.


I understand her since their clothes might get ruined if I'm not skilled, but I'm used to this. Manang has been teaching me things my parents don't know.


"Di po kayo lumikas kagabi? di ko po kasi kayo nakita," she softly asked.


Pagkatapos kong magbanlaw ng damit, basa kasi ang mga damit baka may duming dumapo kung di muna babanlawin. Tinapon ko ang tubig mula sa malaking palanggana.


"Nanatili na lamang kami sa apartment, ayos naman ba kayo?" I worriedly asked.


"Agad naman po kaming na tulungan nina Kuya Kred. Dahil po sa katigasan ng ulo namin, nahirapan po kami sa paglikas dahil sa malakas na hangin. Buti nga po agaran ang kilos nila Kuya kaya na ligtas kami." Kwento nito na may kaunting kalungkutan sa boses niya.


"Why are you sad? I mean bat ka malungkot?" I asked awkwardly.


"Malungkot lang po ako sa sinapit namin. Ang daming nasiraan ng bahay, di naman po kami mahihirapan magsimula dahil tutulungan naman po kami nina Kuya Craig na matagal na po nilang ginagawa. Medyo nahihiya na rin po kami." mahabang salaysay niya.


I was about to speak to comfort her but a voice interrupted what I was about to say.


"Nahihiya? wala ka nun, Ebba."


Sumulyap ako sa lalaking nagsalita at dun nakita ko ang mapaglarong ngiti ni Davis habang nakatingin kay Lena. Ebba? is that her another name? Kita ko ang pagkakunot ng kilay ni Lena sa sinabi ng lalaki.


"Kaysa naman sayo, walang hiya." She irritatedly said to Davis.


Naiwas ang pagtingin ko sa kanila na may kalituan sa aking mukha. Tumingin ako sa berdeng mata na pagmamay-ari ni Craig, pinagmamasdaan ako nito ngunit di ko mabasa ang nilalaman ng kanyang isip.


I gasped when he grabbed my hand, releasing the shirt, and pulled me away from him.


"Davis, ikaw na maglaba." he seriously said without looking his friend.


Napalunok ako sa klase ng tingin niya kagaya kung gaano niya ko tignan kagabi.


"Eh? ako?" Tinuro pa ni Davis ang kanyang sarili.


Sinful Women Series 1: Dangerous ChainedWhere stories live. Discover now