Tumigil sa pag t-text si Kuya Griffin lara tignan ako, "Sige, dun ka na. Ako na bahala dito."

"Okie," tumayo na ako at pinagpag 'yung kamay ko para matanggal 'yung mga crumbs galing sa pandesal.

Naglakad ako papunta sa kwarto ni Kuya Griffin at Asher. 'Di tulad samin ni Ate Sky, share ng kwarto si Asher at Kuya. Iisa lang ang kama kaya naman naglalatag lang si Asher ng foam sa sahig. Ewan ko ba, pero kahit ganun ay gustong gusto ko dito kina Asher.

Nadatnan ko ang bestfriend ko sa kama, nakahiga at nagti-text. Naka bihis na siya. Suot suot niya 'yung paborito niyang board shorts tapos 'yung pulang sportsfest t-shirt namin noong third year kami.

"Hindi ko na kamo mahanap 'yung ganyan ko," sabi ko sakanya habang nakatingin doon sa t-shirt niya. "nawala nung nag-swimming tayo sa baloy."

"An'tawag sa'yo?" sagot niya ng 'di tumitingin. Humikab siya, "Mag latag ka nga, inaantok ako."

Lumapit ako at hinawakan 'yung buhok niya, "Patuyuin mo muna 'to oh."

Humikab ulit siya at hinawi 'yung kamay ko bago umupo at hilain 'yung electric-fan papalapit sakanya.

"Latag ka na bes," pag ulit niya bago mag pout.

Nag crouch down ako para mahila 'yung foam na nasa ilalim ng kama tapos inilatag 'to. "Akin na mga unan mo."

Nanatili siyang naka upo sa pwesto niya habang nakatutok sa ulo niya 'yung electric-fan. Medyo lumingon siya sa likod niya para kunin 'yung unan at dantay niya tapos inihagis niya 'to doon sa may foam.

Humiga na ako at ginawang unan 'yung dantay niya bago kunin 'yung phone ko para tignan kung may text ba ako. Nung nakita kong wala, nilingon ko si Asher na nagpapatuyo parin.

"Bes, pa-fb."

"Ha?"

"Pa-fb."

Inangat niya 'yung ulo niya at sinuri ang kwarto bago sumagot, "Ayun 'yung iPad sa ibabaw ng drawer oh."

Bumangon ako para kunin 'yung iPad bago bumalik sa pwesto ko at dumapa. "I-log out kita haー ay account 'to ni Tita."

"Sige, i-out mo na."

Ni-log out ko na 'yung account ng mama ni Asher para mai-log out 'yung account ko. "Uy, two messages... from Henry aaaand James."

"Ano sabi ni James?"

"Wait, bagal ng net e." Kunot noo kong hinintay na bumukas 'yung message ni James. Makalipas ilang segundo ay nag-load na din ito. "Aids, punta tayong... nag-aaya siyang mag remy kasama sila Ralex. Pero kaninang tanghali pa 'to e. Reply-an ko teka."

"Remy? Umuulan."

"Oo nga e.."

JAMES: Aids, punta tayong remy. Sama sila Ralex

ADRIANNA: uy, ngayon ko lang nakita. sorry! tsaka umuulan. lol

"Ba't ikaw inaya? Ako hindi?" reklamo ni Asher.

"Pangit ka daw kasi."

"Ah, ayos ah."

"Nye nye."

Hindi na sumagot si Asher kaya naman naging busy na ako sa pagbabasa ng kung ano ano sa newsfeed ko. Sarap sanang manood ng mga shini-share na videos pero ang bagal ng internet. Aabutin ako ng siyam siyam bago makapanood ng isang vine.

Hindi nagtagal ay tumayo na si Asher sa pwesto niya at iniikot 'yung fan para maitutok sa pwesto ko.

"Huy 'wag mo tapat sakin," nakasimangot na reklamo ko. "malamig!"

Medyo inusog niya ng kaunti 'yung electric-fan bago dumampot ng kumot at ihagis sakin. Medyo tumagilid ako para mabuksan 'to kaya naman nakita ko si Asher na tumayo sa may paanan ko.

Hinawakan niya 'yung magkabila kong ankle, pataas ng pataas papunta sa binti ko kaya naman agad na nagsi taasan mga balahibo ko. Humiga siya sa tabi ko at nagtama ang mga mata namin.

"Gusto ko kamo 'tong shorts mo," aniya bago hilain 'yung dulo ng puti kong shorts na may floral design.

"Pakasalan mo."

Tinignan niya ako at inilukot niya 'yung ilong niya kaya naman napatawa ako. Nakahiga siya sa side niya, nakaharap sakin. 'Yung ulo niya naka suporta sa kanang kamay niya.

Ibinalik ko 'yung atensyon ko sa iPad at niyakap 'yung dantay hanggang sa ito na ang naging suporta ng baba ko.

Nung sumulyap ako kay Asher, nakita kong bumalik na siya sa pagti-text. Muntik pa akong matulala dahil sa kagwapuhan niya sa ganung anggulo. May kung anong umikot sa tyan ko at umakyat papuntang dibdib ko kaya naman bumilis ang tibok ng puso ko.

"Kamusta si Whitey? Patay na?"

Sinimangutan ko siya at tumingin nalang ulit sa screen ng iPad, "Buhay pa."

"Aw, sayang."

Napa irap na lamang ako at hindi na sumagot. Baka mahalata niyang nanginginig ako dahil sa sobrang lapit niya sakin.

Maya maya, naramdaman kong hinalikan niya 'yung ulo ko kasunod ng tunog ng pag iinat niya. Kinuha niya 'yung unan niya at initabi 'to malapit sakin bago humiga. At dahil naka dapa ako, kitang kita ko 'yung mukha niya at ang paninitig niya.

"Tingin tingin ka jan."

Naramdaman ko 'yung kamay niya sa buhok ko. Hinawi niya 'to at iniipit sa likod ng tenga ko. Sabay naramdaman ko ang pag bangon niya, kasunod ng paghalik niya sa may bandang sentido ko.

"Ano ba," mahinang sabi ko bago itulak 'yung mukha niya palayo. Nginitian niya lamang ako at bumalik na ulit sa pagti-text. "Baliw."

Natahimik nanaman kami. Hindi na ganoon kabilis ang tibok ng puso ko, normal na 'to pero may kakaibang init akong nararamdaman sa dibdib ko.

Maya maya ay nakaramdam na ako ng antok kaya naman napa hikab ako. Binitawan ko na 'yung iPad at nilingon na si Asher na sobrang concentrated sa pagti-text niya.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko pero lumapit ako kay Asher at hinalikan siya sa pisngi.

Napatingin siya sakin at nagtama ang mga mata namin kaya naman nagwala nanaman ang puso ko sa dibdib ko. Lalo na nung ngumisi siya, napangiti din ako sa kilig.

Ibinalik niya ang atensyon niya sa cellphone niya. Nilakasan ko ang loob ko at inilagay 'yung daliri ko sa pisngi niya para mai-trace 'yung mukha niya. Nung umabot ako sa kilay niya at lumapit ako at hinalikan 'yung noo niya.

Nang tignan ko ulit siya, nakita kong nakatingin na ulit siya. Sobrang lumakas ang tibok ng puso ko nung ngumuso si Asher saakin.

Walang isip isip, hinalikan ko siya.

STASG (Rewritten)Where stories live. Discover now