"Haisxt! Ewan!!!"

Matapos naming patahanin si Cassy agad kaming bumaba ni Jace sa kotse. Nagpatulong kami sa mga katiwala para magdala ng mga gamit namin.

Napakalawak ng lupain ng mga Smith. Malayo ang mansion sa gate at dadaan ka pa sa mapunong daan dahil medyo nakatago ang bahay(pic on top #1).

Medyo nag iba din ang ayos ng mansion. Noon purong puti lang ang pinta nito pero ngayon meron na siyang dilaw na accent(pic on top #2). Mas gumanda pa ito lalo.

Huminga muna ako ng malalim bago kami pumasok sa loob ng mansion. Jace hold my hand habang karga niya si Cassy.

"Ready baby?" Tanong niya kay Cassy.

Tumango lang ang anak ko.

Ako hindi niya tatanungin? Kanina pa nga nangangatog yung mga tuhod ko eh.

Nang makapasok kami sa loob bumangad agad samin ang maaliwalas na pakiramdam. Napakatahimik ng mansion at halos hindi mo na makakasalubong ang mga taong nakatira dito. Parang tulad lang ng dati.

"Jon nasaan sina Lolo?" Tanong ni Jace sa katiwala.

"Nasa garden po Sir kasama ang Mommy at Daddy niyo." Sabi nung Jon at dinala na ang gamit namin sa kwarto.

"Lets go." Sabi sakin ni Jace.

I just nodded.

Nakita namin nag uusap sina Lolo Gerard sa Garden( pic on top #4) habang umiinom ng tea. Habang papalapit kami sakanila mas lalong bumibilis ang tibok ng puso ko.

Ibinaba ni Jace si Cassy sa pagkabuhat at lumapit sa mesa kung saan sina Lolo. Nanatili lang kami ni Cassy na nakatayo sa likuran.

"Lolo." Jace called.

Lumingon si Lolo kay Jace. Nakita ko ang gulat sa mga mata niya ganun din sa Mommy aat Daddy ni Jace.

"Jace anak." Napatayo si Tita at agad na niyakap si Jace.

"I missed you anak." Sabi ni Tita na nangingilid ang mga luha.

"I missed you too Mom." Jace replied.

Napangiti ako sa nakikita ko. Mukhang matagal ng hindi nakabalik dito si Jace.

"Lo..." lumapit sa Jace kay Lolo Gerard.

"Im sorry." Sabi ni Jace at niyakap si Lolo.

Ngumiti si Lolo at tinapik si Jace sa likod.

"Its been a long time apo." He said.

"Mabuti at naiisipan mong umuwi." Seryosong sabi ni Tito.

Napayuko na lang si Jace. Mukhang magkagalit sila.

"Y-yeah dad."

"I went home... with my family." Jace.

Napakunot silang lahat sa sinabi ni Jace at napatingin sa direksyon namin. Napalitan ng gulat ang mga mukha nila. Naramdaman ko din humigpit ang yakap ni Cassy sa binti ko.

Dahan kaming lumapit ni Cassy sa kanila.

"L-olo." I utterly said.

Hindi ko makita ang mga reaksyon nila dahil bahagyang nakayuko ako. Nagulat na lang ako ng bigla akong niyakap ni Tita.

"My ghad Mhaddison! Where have you been?! We were so worried." Sabi ni Tita.

"Sorry po." I began to cry.

"Mhaddison." Tawag ni Lolo.

Lumapit ako sa kanya.

He hugged me.

Status: Its COMPLICATED (Completed)Where stories live. Discover now