Prologo

100 6 6
                                        

☠WELCOME TO SEASON 6☠


Prologo

Kat

"Push Kat."

Ang sakit, ang sakit sakit. Hindi ko akalain na ganito pala ang pakiramdam ng panganganak. Ang sakit sakit, parang mahahati at mapupunit ang katawan ko. Basang basa na din ang mukha ko ng luha dahil kasabay ng pag ire para malabas ang anak namin ni Logan ay ang hindi ko mapigil na pagiyak. 

"Ahhh!" Sigaw ko pagkatapos ay napahagulgol ako. It really hurts. There's an intense pain in my body.

"Shhh!" Pagpapatahimik sa akin ni Michael na nasa ulo ko banda nakapuwesto at busy tumingin sa paligid hawak ang isang baril.

"She can't stop it! She's hurting!" Sigaw ni Logan kay Michael na nagpapatahimik lang naman sa akin.

Hindi ko kayang hindi mapasigaw sa sakit, kinakagat ko na ang damit ni Logan na hinubad niya at itinakip sa bibig ko para hindi ako mag ingay pero napapasigaw talaga ako sa sakit. Halos maputol ko na din sa pagkakapiga ang kamay ni Logan sa sobrang higpit ng hawak ko.

"Focus on pushing not screaming." Madam Archimedes instructed me softly, sinunod ko pero kapag nararamdaman ko ang sakit napapasigaw at hagulgol ako. Parang hindi ko kaya.

"Push babe, you can do it." Logan whispered softly near my ear pero parang nabibingi ako sa sakit. Hindi ako mapakali, the pressure and intense pain makes me cry so hard.

"Ahh!" I pushed. I try to push, I need to deliver my baby safely and quickly.

"I can see your baby's head, you can do it Kat." Madam Archimedes voice is so soothing, I can also feel her soft touches on my bulging belly.

Hearing that made me push myself to brave this fight, kahit parang hindi ko na kaya. Umiiyak na umire ako at hindi napigilang muling mapasigaw. Feeling ko mahihimatay ako sa sakit na nararamdaman ko. All I can feel is intense pain.

"Kat," Logan whispered softly naramdaman ko din ang paghaplos ng isa nitong kamay sa buhok ko pero mas nangingibabaw ang nararamdaman kong sakit. Humahagulgol na pumikit ako at hinabol ang hininga ko.

"Kat push, you can do it." Nina coo's.

"Dumadami iyong lefters!" Rinig kong sigaw ni Louie.

I can hear them faintly talking and planning how to kill those lefters that are trying to come near us gusto ko sila lingunin pero mas naaagaw ng sakit ang buong atensyon ko, I want to make sure na okay lang ang lahat.

"Kat focus here." Madam said kaya mas nag-focus ako sa pag iri. "Don't mind them just focus."

I try to push but a wave of intense pain made me scream.

"Don't shout!" Sabi ni Michael.

"It's okay she can't help it, just focus on protecting each other ako na ang bahala kay Kathleen." Madam said.

"Sa dami ng aanakan mo bakit sa gitna ng kalsada pa." Michael said before Ieaving us.

Yes, inabutan ako sa gitna ng kalsada at gabi pa. Paalis kami kung saan kami nagtatago dahil dumadami ang lefters ng sumakit ang tiyan ko at pumutok ang panubigan ko.

Napalingon ako kay Madam Archimedes na siyang nagpapaanak sa akin, nasa tabi nito si Nina na nakaabang sa paglabas ng bata habang nakabantay rin sa paligid at may hawak na flashlight.

Nandito kaming apat sa gitna ng kalsada habang ang iba naming kasama ay nakikipaglaban sa mga lefters. Madam Archimedes is between my open thighs nasa kanan ko si Logan hawak ang mga kamay ko while Nina is on my left side readying a white towel and holding a flashlight. Ready na kami sa panganganak ko may mga gamit na hinanda na din sa Logan pero hindi namin inaasahan na sa ganito ako aabutan ng panganganak. Hating gabi at maraming lefters sa paligid.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 14 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Left (Season 6): SurviveMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon