First and Last Chapter.

11 2 1
                                    


"Aemie anak kakain na! Malalate ka nyan ang bagal mo kumilos." Sigaw ng mama ni Aemie sa kanya.
"Nandyan na!" Sagot nya.
Nang matapos syang kumain, nagpa alam sya sa kanyang mama para pumunta sa school.
Grade 1 palang si Aemie. Mag isa syang pumapasok sa school dahil malapit lang naman ang paaralan.
Nang makarating sya sa paaralan nila, May humarang sa kanya at hinila ang bag nya dahilan upang masira ang bag nya.
Kinuha na lamang nya ang nalaglag na bag at tumuloy na sa loob ng silid aralan niya.
Tumabi sya sa mga kaibigan nya at nanahimik lang sa gilid.
Ang mga kaibigan nya ay nagdadaldalan sa kanyang tabi.

Si Aemie ay laging biktima ng mga bully.
Ang mga kaibigan nya ay hindi totoo sa kanya. Dumidikit lamang ang mga ito dahil alam nilang mayaman si Aemie.
Kasama nya ito hanggang sa umabot sila ng high school.
Hindi na nya kaklase ang mga ito ngunit nasa iisang paaralan parin sila.
Tahimik lamang si Aemie, hindi sya lumalaban kapag binubully sya.
Naranasan nyang matapunan ng pagkain sa loob ng canteen, saktan kapag uwian, ingudngod sa putik at marami pang iba.
Lagi syang pinag iinitan ng grupo ni Andrei.
Si Andrei ang pinaka mayabang sa school nila. Lagi nyang biktima ay si Aemie. Kasama ni Andrei ang mga kaibigan na sila Althea, Balong, Miles, at Troy. Laging magkakasama ang mga ito.
Isang araw, mag isa lang si Aemie at nakasalubong nya ang grupo ni Andrei.
Liliko sana sya para maiwasan nya ang mga ito ngunit huli na at nakita na sya ng mga ito  agad syang hinawakan ni Balong at Troy. Wala na syang nagawa dahil hindi na sya maka galaw.
Pinunit ni Althea ang kanyang uniform at sinakal naman sya ni Miles. Habang ginagawa ito, ay nagtatawanan pa ang magbabarkada.
Sinuntok naman sya ni Andrei dahilan upang manghina sya.
Nang magsawa na ang mga ito sa kanya, ay iniwan na lamang ito sa gilid habang hinang hina.
Umuwi ng bahay si Aemie habang hinang hina.
Nang maka uwi sya, sinalubong sya ng kanyang yaya at automatic na may dala itong gamot sa mga sugat nya.
Matagal nang sinasabi ng yaya nya na isumbong na nya ito sa mga magulang nya upang mahinto na ang dinaranas nyang hirap. Ngunit ayaw ni Aemie pumayag.
Kinuha nya ang dala ng kanyang yaya at umakyat na sa kanyang kwarto.
"Kahit sabihin mo wala rin silang pake alam." Yan ang katagang iniwan nya sa kanyang yaya bago sya tuluyang umakyat sa silid nya.

Lumipas ang mga araw na umuuwi si Aemie ng may pasa. Hirap na hirap na ito sa kanyang dinaranas. Gusto man nyang magsumbong ngunit, alam nya rin naman na hindi sya pakikinggan ng kanyang mga magulang nya.
Mas pinipili nya na lamang na manahimik at tiisin ang mga sugat at pasa sa katawan. Alam nya rin sa sarili nya na ginagamit lamang sya ng mga kaibigan nya.
Nung una ay umiiyak ito gabi gabi ngunit di nagtagal, nasanay na ito at tila walang emosyong nararamdaman.

Isang araw, gabi na sya naka uwi dahil sa dami nyang ginawa. Habang pauwi, nasalubong nya ang grupo nila Andrei. May dala ang ilan sa kanila ng tali. Biglang may sumulpot sa likod nya at tinakpan sya ng panyo at nawalan na ng malay.

Paggising nya, nasa kagubatan na sya at tanging mga lampara lang ang ilaw.
Naka tali ang kamay nya at mga paa.
Nang iangat nya ang ulo nya, nakita nya ang mga kaibigan ni Andrei at si Andrei mismo.
Lumapit ang mga ito sa kanya.

Hinawakan ni Andrei ang mukha nya at pinagmasdan nya ito. "Maganda ka pala Aemie."
Lumayo ito sa kanya at umupo. Lumapit ang dalawang babae at pinagpupunit ang damit ni Aemie.
Nang mapagod ang dalawa, sumunod naman sila Troy at Balong. Hinalikan sya ni Troy sa kamay pataas sa kanyang braso.
Hinihipo naman ni Balong ang kanyang binti. Nagpupumiglas si Aemie. Pinipilit syang alisin ang tali ngunit masyado itong mahigpit.
Nang magsawa ang dalawa sa kaka halik at kakahipo, ipinasok sya sa isang silid kasama si Andrei.
Alam na ni Aemie ang mangyayari kaya naman, mas nilakasan nya pa ang pagpupumiglas at paghiyaw.
Kahit gaano pa kalakas ang sigaw nya ay wala paring saklolo ang dumadating.
Sa kwartong yun, doon naganap ang madilim na bangungot ni Aemie.
Matapos gawin ang nais sa kanya, ikinulong sya sa bahay na yun at iniwan.
Isinara ang lahat ng maaring daanan.
Mag isa na lamang si Aemie at iyak ng iyak.
Gumawa sya ng paraan upang makatakas.
Nang makatakas sya, agad syang umuwi.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 10, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Miss PsychopathWhere stories live. Discover now