Drove by Retribution

532 44 3
                                        

Life

Napatayo ako sa higaan ng may marinig na tunog ng sasakyan at dali-daling tumingin sa labas ng bintana ng kwarto pero agad na lang akong napatago ng makita si Ate na dali-daling binuksan ang gate.

Napatingin ako sa orasan at nakitang alas dose na ng gabi.

Muli akong tumingin sa labas kung saan nakasakay na si Ate sa sasakyan at minaneho papasok ng garage.

Baka galing na naman ito sa boyfriend niya.

Napailing na lang ako at bumalik sa higaan.

Sabing ayoko sa lalaking 'yun!

Ilang beses ko na siya gustong pagsabihan pero nauuwi na lang sa inis dahil ayaw niyang makinig kagaya na lamang nung isang araw ng makita ko ang boyfriend niyang may kasamang babae na sobrang iksi ng suot na palda sa isang iskinita ng sinubukan kong pumunta sa eskwelahan niya.

Sobrang lapit pa nung babae kung makahawak habang ang boyfriend naman ni Ate ay naka-akbay at tumatawa pa!

"Ate, 'yung boyfriend mo." Simula ko ng tumabi ako sa sofa dito sa living room.

"Ano na naman ba 'yan, Fron?" Tanong niya habang ang mata ay nasa palabas.

"Nakita ko siyang may kasama kahapon," seryosong pahayag ko.

Nakita kong natigilan siya pero bigla na lamang siyang tumawa na ikinakunot ng noo ko.

"Ba't ka tumatawa? Ate, he's clearly cheating! Tama nga 'yung naririnig ko na babaero siya!"

"Dahil lang sa may kasama siyang ibang babae, it's already cheating? Maybe it's his friend or something. Calm down, Fron."

Naiinis na napabuga ako ng hininga at napatayo na sa sofa. "Friend? May magkaibigan bang halos magyayakapan na? Hindi ba dapat didistansya siya sa ibang babae dahil boyfriend mo na siya?"

Magsasalita na sana siya ng tumunog ang telepono niya para sa isang tawag. Nang makita ko siyang ngumiti ay nagpupuyos na umalis na lang ako roon.

Sino pa ba ang tatawag sa kanya kundi ang gago niyang boyfriend?

Sa isiping iyon ay bumalik na lang ako sa pagtulog.

Bahala na nga malaki na siya.

Pero kinabukasan ay hindi namin kasama si Ate sa almusal.

"Dad, nasaan si Ate po?"

Wala akong natanggap na sagot kay Dad habang seryoso itong sumisimsim sa kape. Kaya si Mom naman ang tinanong ko pero parehong ding walang sagot dahil tila tulala si Mom habang nakatingin sa kawalan.

Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain at may planong personal na bisitahin si Ate sa kwarto.

Kakatok na sana ako ng kwarto ng marinig ko ang pagtawag ni Mom.

"Po?"

"A-Ano... I think you shouldn't bother your sister for a while, Fron."

Hindi ako sigurado pero parang kabado yata si Mom dala na rin ng panlalamig ng kamay niyang nasa aking braso.

Nalito naman ako. "Bakit po?"

"She's studying. Alam mo naman ang Ate mo, masyadong sineseryoso ang grades niya. Her semester exam is coming near."

I know that but...

"Okay po," sang-ayon ko na lang.

But 4 days had passed, hindi ko na muli pang nakita si Ate. Kaya sinubukan kong kumatok sa kwarto niya habang nag-iingat na maabutan nina Mom at Dad.

OS #2: Driven by RetributionWhere stories live. Discover now