Crossing

883 25 6
                                    

"Crossing"

I'm Olivia Gabriel, 19 years old na at nasa pangalawang taon sa kolehiyo sa kursong business administration. Sa edad kong ito ay kinakatakutan ko parin ang pagtawid ng magisa sa kalsadang maraming nagdadaang sasakyan, hindi ako tumatawid hanggat wala akong kasabay minsan nga nalelate pa ako dahil don.

Ang boarding house ko ay walking distance lang, minsan nagtatricycle nalang ako upang maiwasan ang pagtawid, uwian na namin at kahit dalian ko ang paglalakad ay lagi akong nahuhuli sa mga taong tumatawid at laging naiiwan magisa

"Kainis! bat ba ang hirap tumawid magisa!" napadyak ako dahil sa inis

"Halika sabay na tayo" nagulat ako ng may magsalita sa gilid ko

Tinitigan ko siya, gwapong binata! sa tingin ko ay kaedad ko lamang siya, naka  pants at black tshirt lang ito

"Sige!" masayang tugon ko

Dahil may kasama na ako sa pagtawid ay maayos akong nakarating sa kabila, humarap ako sakanya at kita kong seryoso itong nakapamulsa

"Salamat!" ngumiti ako ngunit ganun parin ang reaksyon niya, ng tumango siya ay tumalikod na ako at diretsong umuwi

Simula ng araw na iyon ay araw-araw na niya akong sinasabay sa pagtawid, naging hassle-free na ang pagpasok ko. Simula ng magkita kami ay hindi ko pa siya nakikitang ngumiti at tipid lang kung magsalita

"Anong pangalan mo? nagaaral kaba? san ka nakatira?" Hindi ko na napigilan at sunod-sunod na nagtanong

"Nathan" simpleng sagot niya saakin--- hindi na ako nagtanong ulit dahil baka magalit siya

Lumipas ang ilang bwan at patuloy siya sa pagsabay saakin sa pagtawid, minsan lang rin kami magusap ngunit bakit pakiramdam ko nagugustuhan ko na siya? hindi ko rin alam kung saan siya banda nagtutungo dahil pagkahatid niya saakin ay mabilis siyang nawawala

Bago ako umuwi ay bumili muna ako ng trenta pesos na kwek-kwek, balak ko siyang ilibre ngayon pasasalamat sa pagsabay niya saakin

Hindi pa ako nakakalapit sa tawiran at tanaw ko na agad ito, nagtataka ako bakit hindi siya nagpapalit ng damit, palaging ang itim na t-shirt ang suot niya ayoko namang tanungin dahil baka maoffend pa siya

Masaya akong lumapit sa pwesto niya, hindi niya ako nilingon at para bang alam na niya agad na ako yun, naglakad siya kaya sumunod ako

"Teka! wag ka munang umalis, dito muna tayo may binili ako ohh!" masaya kong pinakita ang kwek-kwek at palamig sakanya

Umiling ito kaya napasimangot ako "Sige na! hindi ko ito mauubos" pamimilit ko

"Hindi ko sinabing bumili ka" napairap ako sa masungit niyang tugon

"Dito muna tayo" pagmamakaawa ko

Ngumiti ako ng tumango siya, nagtaka ito ng umupo ako sa kalsada paharap sa mga sasakyang nagdadaan, gabi na at kaunti nalang ang nagdadaan

"Upo ka kain tayo"  tahimik itong sumunod sa utos ko, ang bawat taong dumadaan ay napapatingin saamin siguro ay nagtataka bakit kami nakaupo sa gilid ng kalsada

Pansin kong hindi nito ginagalaw ang bigay ko ngunit hindi ko na pinuna pa

"Matagal na tayong nagkikita pero tahimik ka parin, bakit palagi mokong sinasamahan?" tumingin siya saakin at ngumisi, ang pogi talaga! mistiso, matangos ang ilong at matangkad pa

"Hindi ako kasing daldal mo, darating ang araw hindi na kita masasamahang tumawid kaya dapat matuto kang magisa" seryosong tugon niya

"Ganun ba?, ano palang address mo? para pasyal din ako minsan" pasimple kong singit, gusto kong higit pa siyang makilala

"Hindi muna kailangan malaman, gabi na umuwi kana" tumayo ito kaya nataranta ako
Kung hindi ko pa masasabi ang nararamdaman ko ngayon ay hindi ko na alam kung kailan pa ako magkakaroon ng lakas ng loob ulit

"May sasabihin ako" mabilis kong sabi, mariin niya akong tinitigan at humalukipkip

"G-GUSTO KITA!" muntik pang umurong ang dila ko ngunit nasabi ko rin, matapos kong sabihin ay napapikit ako dahil sa hiya

Napamulat ako ng maramdamang ginulo niya ang buhok ko, nanigas ang katawan ko ng lumapit siya at magaang yakapin ako, bakit parang hindi ko ramdam? parang hangin lang na dumampi sa katawan ko

"Ako rin gusto kita pero hindi pwede, umuwi kana at gawin ang assignment mo" nakaramdam ako ng kilig lalo na ng halikan niya ang noo ko,

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakita ko siyang ngumiti

Matapos niya akong bitawan ay napatalikod ako dahil sa kabang nararamdaman, para akong hinahabol ng mga kabayo dahil sa bilis ng tibok ng puso ko. Mabilis akong naglakad palayo sakanya ngunit natigilan ng may sabihin pa ito

"Masaya akong makilala ka, paalam!" sabi niya---nangunot ang noo ko at agad na pumihit paharap sakanya ngunit tulad ng dati ay wala na agad siya

Kinabukasan ay walang Nathan na nagpakita pati na sa mga sumunod na araw, gusto kong umiyak dahil hindi na siya nagpapakita.

"Iha, matagal na kitang napapansin" may matandamg lalaki ang lumapit saakin

"Bakit po?" nagtatakang tanong ko

"Akala ng mga driver rito at ng ilang dumadaan ay nababaliw kana dahil nagsasalita kang magisa" nababaliw? anong sinasabi ng matandang ito?

"Po? baka po nagkakamali kayo, matino po ako" ilang kong pagliwanag

"Palagi kang nagsasalitang magisa na parang may kausap ka, tumatawa karin kahit wala kang kausap, at sa pagkakatanda ko ay tinatawag mo siyang Nathan" para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi ng matanda

"Si Nathan po kilala niyo po ba siya? palagi ho siyang tumatawid rito, siya pa nga ang naghahatid saakin, yung mistiso na gwapong binata po?" pagpapaliwanag ko

"Ha? Pero wala kang kausap iha, palagi kang magisa" napailing-iling ako sa sinabi niya, impossible!!

Paanong hindi nila nakikita si Nathan??? Ano bang nangyayari!!!!

Nagpalinga-linga ako at ng madako ang tingin ko sa posteng may magkadikit na poster ay halos madapa ako makalapit lang dito, bakit nandito si Nathan??? luma na ang tarpaulin na ito at halatang ilang taon ng nakasabit

"Justice for Nathan Castillo" basa ko sa nakasulat

Isa-isang nagsilaglagan ang luha ko, hindi ko maintindihan! bakit may ganitong nakasulat sa larawan niya?!

"Naku iha! dalawang dekada ng patay yan, nasaksikan ko pa nga kung paano kunin ang bangkay niya diyan sa gitna ng kalsada, ang sabi ay pinagbubugbog ng grupo ng mga kalalakihang kasali sa frat" halos wala na akong maintindihan sa sinasabi ng matanda kundi ang katotohanang patay na si Nathan

Bakit ko siya nakikita at nakakausap? yun na ba ang pamamaalam niya? bakit ganun??? minsan na nga lang ako magkagusto tapos malalaman ko sa patay pa?

"NATHAN ANG DAYA-DAYA MO! BAKIT MO HINAYAANG MAHULOG ANG LOOB KO SAYO! ANG DAYA MO!"

Napasalampak ako sa kalsada at umiyak ' saglit lang tayong nagkakilala pero hindi ko pinagsisishang nagkakilala tayo kahit na sa ganitong sitwasyon,sana sa susunod na buhay ay magkilala tayo sa panahong buhay kapa'

#OneShotStory
#Workoffiction
Photo not mine
Credits to the real owner

One Shot Stories CompilationWhere stories live. Discover now