Kabanata 4

5 3 0
                                    

🍂Gorge

Bumangon ako at nagdahan dahan umupo, may binda din kase ang tagiliran ko kaya di ako makakilos ng maayos.

" Ok kana ba?" Tanong ni Mich na kalalabas ng banyo, tango lang ang sinagot ko.

Naupo ito sa may couch na kaharap ko.

" Anong sabi ng doctor? Pwedi na ba ako umuwi?" Tanong ko na kinailing lang niya.

" Hindi ka pa pwedi lumabas ngayon dahil bukas kailangan linisin pa yan," turo niya sa tagiliran ko." Tapos gabi na din paniguradong hindi na tayo makakapasok sa subdivision." Dagdag pa niya.

She's right hating gabi na din kase.Mahigpit pa naman din don.

Ilang minuto wala sa aming kumibo,siguro napansiniyon ng kasama ko kaya hindi na nakapagpigil magtanong.

" Pano ka napadpad don? Don sa bar." Nagtatakang tanong sakin ni Mich.

Ngumiti ako rito." Uminum syempre," napataas kilay ito sa sagot ko.

" Yon lang ba? O si Savanna ang pinunta mo don? Sinundan mo kami no?" I nod.

" Bakit ba kase don pa kayo pumonta alam niyo naman na pwedi kayong mapahamak don. " Sabi ko, napaayos ito ng upo bago seryosong tumingin sakin.

"Iniiba mo ang usapaneh."

Umayos ito ng upo at siryusong tumingin sakin.

" Andon kanaman eh, at isa pa si Savanna ang may gustong pumonta don no,alammo naman G  na G lang." Sabi nito bago tumayo at pumonta sa may bintana at tumingin sa labas.

" Akala ko  kasama mo siya?"

Napabaling ito sakin na nagtataka." Ha? Ay alam kuna siya ba?. Iwan ko din don sa isang yon naglilihi ata sa-y..ayy i mean inaantok na daw siya. Sige matulog kana."

May itatanong pa naman sana ako,next time nalang siguro.

Kahit kailan di talaga ito matinong kausap, buti at pinagtyatiyagaan ko pa dahil siya ang nandito.

Nakita ko nalang si Mich  na mahimbing ng natutulog kaya humiga at pinikit ko ang aking mata pero hindi ako makatulog.

Hindi mawala sa isip ko ang gagong bumastos kay Savanna sa bar na yon,kung pano ito hawakan  sa bewang,mapapatay ko talaga ang h*y*p na yon.

      
🍂

Nagising ako ng makarinig akong dalawang nag uusap, napahinto ang dalawa ng makita ako ni Mich na gising na, lumapit siya at inalalayan akong umopo. Napangiti nalang ako bigla ng makita ko siya  kahit papano ay gumaan ang pakiramdam ko.

" Wag mo nga akong tingnan ng ganiya." Suway niya sa akin kaya binaling ko nalang kay Mich ang paningin ko at alam na nito ang ibig kong sabihin.

" Sige tawagin ko muna yong nurse para makauwi na  tayo." Paalam ni Mich at naglakad ito papuntang pinto susunod sana si Savanna ng pigilan ito ni Mich." Bantayan mo muna siya." Sinamaan lang ito ni Savanna at bumalik sa kinauupuan.

Kinindatan muna ako nito bago lumabas.

Gaga.

" Salamat." Sabi ko na kinairap niya.

"Dapat ba din ako mag thank you dahil sa ginawa mo?"taas kilay na sagot niya.

Kahit kailan talaga ang sungit sungit . Sige lang baby because of that mas lalo lang kitang mamahalin.

" Pweding paabot ako ng tubig, " sabi ko na ikinatass ng kilay niya.

Akala ko tatayo na ito pero umayos lang pala ito ng pagkakaupo.

" Hindi ka naman baldado diba kaya ikaw ang kumuha." Pagsusungit niya

"Please, masakit pa kase itong sugat ko. Uhaw na talaga ko please." Sabi ko pa.

Naiinis naman itong tumayo at pumonta don sa water dispenser at kumuha ng isang basong tubig at binigay sakin.

" Pasalamat ka sa sugat mo at sinusunod kita kundi kanina pa kita natadyankan diyan." She said at bumalik sa pagkakaupo.

Napangit at napa-inum nalang ako.

Muntik nang mabitawan ang baso ng uminum ako." Bakit ang init ng tubig?" Napahawak ako sa labi ko ng humapdi iyon.

" Dika naman nagsabi kung malamig o mainit ah." Pilosopo nitong sagot at ngumiti ng pike.

Nasan ang common sense nito At naging slow?

" Buti nga at kinuhaan pa kita dyan eh." Bulong nito pero dinig naman.

" Alam mo naman kase ang water dispenser ay may dalawang uri May malamig, may mainit sabi mo kase nauuhaw ka kaya kunuhaan na kita ng tubig, pareho lang naman tubig yon, imbis na thank you ang matanggap ko pag ririklamo tuloy wag kana mag utos ulit sa kin huh."

Hindi nalang ako kumibo at baka saan pa ito mapunta.

"Bakit dika nalang kase bumangon diyan. Wag ka ngang umarte , hoy... malayo sa bituka  yan kaya wag kang umarti dahil hindi ka actor ok." Hinayaan ko nalang ito sa kakadada, mas lalo lang itong puputak kapag sinagot ko pa siya.

"Nauuhaw ka pa ba?" I nod kumuha ito uli ng bago at binigay sakin, nagdahan dahan pa akong inimum iyon at buti at natural lang ang kinuha nito akala ko mainit na naman.

Bumukas ang pinto at niluwa non si Mich na sinundan naman ng nurse. Lumapit sa akin ang nurse tatanggalin niya na sana ang damit ko ng may kamay ng nauna.

Napangit nalang ako at ang nurse sa ginawa ni Savanna.

Nilinis ng nurse ang sugat at pinalitan ng binda akala ko yong nurse ng ang susuot ng damit ko pero mabilis ata si Savanna at siya ang humablot ng damit sa kamay ng nurse at ito ang nagbalik ng damit ko.

Nakakabakla man pero ang puso ko ay nagdidiwang.

" Ok pwedi na po kayo mades charge and about the bills nabayaran na po kaunti lang naman yon." Saad ng Nurse at nagpaalam sa amin. Nagtitigan kaming tatlo nagtatanong kung sino ang nagbayad ng bills ko.

" Hindi ako, pumonta ako don at nalaman kong lang din na bayad na ang bills mo." Agap ni Mich.

Tiningnan ko si Savanna at nag iwas ito.

Alam na.

" Ikaw ba ang nagbayad?" Tanong ko at tumango naman ito ng mahina.

"  Kaunti lang naman  yon at isa pa ako ang dahilan kung bakit nagkaganiyan ka kaya bayad na ako. Ayaw ko magkautang no."

Sabay irap nito sakin at walang paalam na lumabas.

                            

HER LIFEМесто, где живут истории. Откройте их для себя